Puppy Love - 24

7 0 0
                                    

Sa mga nagdaang araw ay marami ng nakakilala sa akin at lage akong pinupuri. Dahil sa isang performance ay lumago ang pagkaroon ko nang kaibigan pero hindi naman lahat ay kaibigan ko. Ang mga club members ay pinapansin na ako at nasasabihan pa na "Maganda pala boses mo. Kaya pala may high hopes si Pres sa'yo eh."


Masaya rin akong naishare itong achievement sa family ko. They were, well, happy for me though they weren't really interested.


Masaya ako deep down because of these achievement, but without notice from my family is just worthless.


I keep the deep hurt feeling inside. Patty and I aren't in good terms. Lage na siyang lumalayo sa akin. Kahit magkatabi lang kami ng upo ay hindi niya ako kinakausap kahit na noon ay ang daldal niya sa akin kahit pa nasa harap namin ang guro.


Nasasaktan ako. Namimiss ko na siya. Wala akong ibang nilalabasan ng sakit ng loob kundi ang nag-iisang nagtiyaga na samahan ako ay walang iba kundi si Trace Pierre Uy.


"Malungkot ka na naman?" tanong niya sa akin habang binibigay sa akin ang pinabili kong snack.


"Sino?" maang maangang sabi ko. I saw him smirk. "Hindi. Hindi ako malungkot. Why would be the greatest Tiffany Dawn Perez be sad, ha?" tumawa ako sa sariling sinabi ko. Mapait na ngiti ang siyang lumabas sa akin. Sana naman hindi niya iyon mapansin.


"You're really not good in hiding emotions." tumawa siya. Ngumiti nalang ako. Sobrang kilala na niya talaga ako. Kahit expression lang ng mukha ko ay hindi ko na magawang itago sa kanya. "Nga pala, lage na silang nagtatanong kung bakit hindi na raw tayo sumasabay sa kanila."


Napahinto ako sa pagkain. "Ano naman ang sagot?" tumalim ang tingin ko sa kanya. Sana naman hindi niya sinabi ang reason ko.


Nagkibit balikat lang siya at tumahimik lang. Takte!


"Don't tell me sinabi mong ayoko silang kasama? Arrrgh. Pierre naman eh." ngusong sabi ko. Nakakainis. Alam kong matagal na akong hindi sumasama sa kanila pero hindi nila ako masisisi kong may ibang pakiramdam ako.


Ayoko makasama sa isang table ang isang taong ibang makatingin sa akin, si Tricia. Ayoko rin makasama si Patty, naaakwardan ako. Dagdagan mo pa ng Blue na sobrang kulit at may Jessica pa na sobrang makakapikt kay Zach na akala mo linta. May Zach pa na kung makatingin akala mo naman may malaking atraso ka sa kanya.


Itong si Pierre na nga lang ang nag-iisang kakampi ko, tatraydorin rin pala ako.


Nainis naman ako bigla.


Tumayo ako para nakaalis na lamang dito at maghahanap ng ibang pwede'ng maistambayan.


"Oy.... Oyyy, teka lang." hinila ako pabalik ni Pierre. "Ikaw naman. Hindi na mabiro."


"Eh ikaw eh. Alam mo ang reason ko." ngumuso ako. Naiinis pa rin ako eh.


"Hindi ko naman sinabi eh. Ang lageng sagot ko lang naman sa kanila ay nagpapractice tayo ng mga bagong kanta para sa mga cover videos natin. Yun lang at wala nang iba. Promise" tinaas ni Pierre ang right hand niya na nagsasabing totoo nga ang sinabi niya.

High School Puppy Love(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon