Puppy Love - 20

13 0 0
                                    

Nagising ako nang ala syete ng umaga kinabukasan. Masakit ang ulo ko paggising ko. Kung hindi ako napasarap sa panunood ng anime ay di sasakit ito. Alas dose na ako nakatulog dahil sa masarap manood nang anime na hanggang ngayon ay hang over pa ako. Kung wala akong activity ngayon ay magdamag akong manunuod.


Magpapalamig ako ng ulo ko kaya maliligo na ako para na rin makapagbihis nang pangsimba. May gagawin rin ako sa araw na ito at yun 'yong magka-cover kami nang kanta ni Pierre.


"Ang sakit ng ulo ko." pinisil pisil ko ang gilid nang aking ulo para naman medyo mawala ang sakit neto. Pumasok ako sa loob ng banyo para makaligo.


Matapos akong makapag-ayos ay bumaba na ako dala dala ang aking phone.


"Morning bessy." nabigla ako sa pagdating ni Patty. She is still in her usual get up. Buti naman at wala pa sa kanyang isip ang mag-iba na rin ng susuotin sa pagsimba.


Tinanguan ko lang siya sabay subo ko sa aking pagkain. "Breakfast?" tanong ko sa kanya dahil nabalot kami ng katahimikan.


"Oh. Thank you though bes. Kakakain ko lang sa bahay. Tara na?" tanong niya sa akin ng makita akong tapos na sa aking kinakain.


"Hihintayin lang natin si Pierre." sagot ko naman sa kanya.


"Oh? Sasabay siya sa ating magsimba?" tumango lang rin ako sa kanya. Bakit ganito? Bakit may iba akong nararamdaman? Bakit feel ko ang awkward nang sitwasyon namin ni Patty? Bakit parang may nag-iba? "Ganun? Sige." ngumiti lang siya at nagpunta sa salas para dun na maghintay kay Pierre. Uminom na muna ako nang gatas since yun ang nakagawian ko.


Matapos akong uminom ay nagtoothbrush ulit ako.


"Bes, tara na. Pierre's here." sigaw ni Patty sa akin.


Sumunod ako sa kanya palabas ng bahay. Nakita kong naghihintay si Pierre sa may gate namin.


"Pahatid nalang tayo kay Manong Ramon. Baka marami nang tao dun at hindi tayo maka-upo nang maayos." sabi ko sa kanila.


Nagpahatid nga kami kay manong Ramon at tamang tama lang ay ilang segunda lang ay nagsimula na.


Matapos ang misa ay tumungo kami sa bahay.


"Nga pala bes, sasama ka?" tanong ni Patty palabas sa sasakyan.


"Saan naman?" tanong ko sa kanya.


"Kina Tricia. Hindi ka ba niya tinext kagabi?"


Wala naman text si Tricia sa akin eh. What's the meaning of this? Is she showing her true side? The fake one? Well, I guess nakikita ko na nga ang totoong siya. Kahit petty thing lang ay napapaisip na ako ng iba. Stop overthinking D. Ano ba ang makukuha mo kapag ganun? You have to stop.


"Hindi." simpleng sagot ko sa kanya.


High School Puppy Love(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon