Prelude

174 2 0
                                    

Prelude

Arrrgh! Bukas na pala eeh! Back to school na ang peg bukas. Ano ba naman yan! Katamad mag-aral eh.  Ang boring pa naman nang buhay ko. Walang ka thrill-thrill. Lage nalang ako bahay-school-bahay-school. Year routine ko na yan simula elementary ako.

Pano ba na man yan, pamilyang sobrang strikto ako napadpad. Pero okay lang, dito ako nilagay ni Papa God eh. Aangal pa ba ako? Di na no. Kontento na ako sa kung ano meron ako at isa pa alam ko kung bakit ganyan sila sa akin, kase nga raw mahal nila ako. Mahal ko rin naman sila kaso lang hindi ako showy na anak or kapatid. ╮(╯_╰)╭

Haaay! Ano bang dapat gawin ngayon? Tapos na rin naman akong bumili nang mga school supplies ko since buong summer akong nandito lang sa bahay. Puro internet, nuod nang movie, music trip, tulog at kain lang ang lage kung ginagawa ( * u * )

Hindi rin kami nag summer vacation cause my parents are always busy kahit nga sina ate at kuya eh. Pero pa minsan-minsan rin eh dito natutulog sina kuya sa bahay.

Wala talagang masaya sa buhay ko. Haaaay -____- Makatulog na nga muna. Zzzz

-----------------------------------------

"Uyyyyy, gising. Tanghaling tapat natutulog ka jan. Uyyy!"

Takte, ano bang ginagawa na naman niya dito? Parang kahapon lang na andito yan eh. Nakakainis eh!

"Ano ba! Umalis ka nga!" sabi ko nang walang tingin-tingin sa taong asungot nato na gumigising sa akin at tinakpan ang mukha ko ng unan. Napaka distorbo naman kase eh. Kitang ang sarap nang tulog ko.

Hindi ko siya pinansin. Hindi rin naman siya gumagalaw. Tss! Kainis.

"ISA! Pag hindi ka pa tatayo jan bubuhusan kita nang sobrang init na tubig." sigaw niya.

"Aish!" si Pat talaga eh. Kahit kelan talaga distorbo. Napatayo nalang ako nang de oras at siya naman ay tawa nang tawa. Harhar. Ang saya-saya niya.

Yan si Patricia Sue Tan. Siya ang tanging kaibigan ko simula pagkabata ko. Buti nga at biniyayaan niya ako nang kaibigan handang damayan ako sa kahit anong drama (kung meron man ako) at kahit na sobrang boring nang buhay ko ay nandyan pa rin siya para sa akin.

And I am Tiffany Dawn Perez. Masungit akong tao at laging pikon. Tss! Yan naman kasi ako eh, nasa genes na namin yan pero kahit anong gawin na pagsusungit ko't pagtataray, hindi ako iniiwan niyan. Kahit ganyan ako, mahal na mahal ko yan kahit di ko sinasabi sa kanya or ipakita sa kanya.

Magkaiba kami nang ugali. Masayahing tao si Pat, ako masungit. Napaka jolly niya, ako boring kasama. At isa pa, madaldal siya at ako ang tahimik. Marami kaming differences at kahit anong pagkaiba pa namin, kami lang din ang magkaramayan sa isa't isa. We're really close to each other. And we're more like sisters from a different mother. Even our parents are friends, too. Magka business partners pa nga sila eh.

"Buti naman at tumayo ka na. Bukas na pasukan natin kaya't tara na't maggala-gala muna. Weehooo!" pasigaw na sabi niya sa akin at humiga sa aking kama.

"Ayoko! Nakakatamad!" at inirapan ko siya.

"Sigeeee na bes. Alam kong ayaw mo sa gala-gala pero kasi gusto ko kasama ka eh! Tara na. Pleeeease!" *sabay dikit nang kanyang mga palad at nagpuppy eyes pa* Ang childish naman ng isang 'to.

"Oo na! Oo na! Sasamahan na kita. Kainis naman to. Kitang masarap tulog ko. Patayin kaya kita ngayon?" sabi ko sabay tayo. At padabog na papunta sa cr. Maliligo na muna ako.

"Yeeeheeey! Thank you po Papa God." sabi niya.

Tss. Baliw!

"Tss." yan nalang nasabi ko at papasok na sana sa CR pero lumingon muna ako at sabing "Libre mo ako. Ikaw ang nag-aya kaya gasto mo lahat." At tuluyan na akong pumasok pero rinig ko pang sabi niyang "Naman eh! Mayaman ka naman eh. Pareho tayo. KKB nalang kaya? Haay. Ang dami mung pera pero sige na nga, minsan lang 'to kaya't lubos lubosin na. Hahah! :D"

( sa hindi nakaka-alam nang KKB it means, Kanyang Kanyang Bayad )

Tamo?! KKB daw. Baliw talaga. Oo, mayaman ako pero hindi ako mahilig gumastos nang pera. Mayaman rin naman si Patty eh. Kuripot ako pero si Patty, ang hilig gumastos. Opposite talaga kami.

Mga 15 minutes natapos na akong maligo.

"Ang tagal mo naman atang maligo bes. Siguro madami kang germs sa katawan. Ews!" sabi niya na nakaharap sa laptop ko.

"Paki alam mo? Katawan mo ba to?" Tsk. Naki-alam nenang niyo. Tss. Pumunta ako sa walk-in closet at naghanap nang masusuot.

Kinuha ko yung faded pants then t-shirt na may nakalagay na "Back Off" na kulay itim. And ang pang paa, havaianas nalang total gala lang naman eh.

"Uy, ang gwapo neto. Maygaaaash bes! Ang gwapo sobra. Tignan mo. Daliiiii!" sabi pa niya na sobrang kilig. Tss. Paki ko sa gwapo'ng nakita niya?

"Tss. Kainin mo yan! Paki ko jan?"

"Ay teh. PMS?"

"Tss. Di ah! Baka ikaw?"

"Eh? Di rin ah. Ang saya saya ko nga oh. Ikaw nga 'tong parang..." Pat na hindi tinapos ang sasabihin at ngumiti lang nang parang baliw. Alam na alam niya talaga na masungit akong tao. Tsk

"Parang ano?"

"Ay oo nga pala. Nakalimutan kung EVERYDAY PMS ka pala. HAHAHAHHAAHHA!" Lintek!

"Kung kukuha kaya ako nang sobrang sharp knife sa kitchen? At putulan ka nang dila? Ano pa sasabihin mo?" ako na papunta sa salamin para magcomb ng hair ko.

"To naman! Di na mabiro. Haha! So tapos ka na?"

"Yeah! Tara na para makauwi tayo nang maaga rin"

"Kain na muna tayo."

"Wag na! Dun na sa mall. Libre mo naman. Tara na"

"Aish! Sige na nga. Mahal naman kita. Heart heart pa oh."

"Kadiri ka!" ako na sabay nasusuka sa ginawa niya. Kumuha na muna ako nung wallet ko, in case of emergency at baka may makita akong magandang bilhin.

Umalis na kami nang bahay. I don't need to ask permission kasi wala naman ang parents ko. And by the way, nasabi ko na bang I have a 2 brothers and a sister? Yeah! Bunso ako eh. My sister, she's the second eldest, she is now working in our own company sa ibang bansa and my brother, which is the eldest, he's now working too, sa company rin namin pero naka based siya dito sa Pinas. And my another brother is yung 3rd sibling ko, he is still schooling in college. 4th year college na siya and mayroon siyang own condo kaya andun siya ngayon. So yeah, that's my family. Pfft!

"Yeeeeeesh! Kasama ko ang bespren ko sa gala. Wooooohoooo!" sigaw ni Patty na sobrang tuwa. At ako ang dakilang poker face lang.

Pero di man niya nakita, napangiti ako deep inside. Baliw talaga kahit kailan.

High School Puppy Love(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon