Puppy Love - 21

11 0 0
                                    

Its been a week at may mga nakikita akong hindi maganda. Medyo lumalayo sa akin si Patty. Hindi na siya tulad ng dati na lage akong sinusundo sa bahay kada umaga para gisingin ako at sabihang maligo na.


Nung lunes ay hindi ako sumabay sa kanila sa cafeteria at si Pierre lang ang lage kong kasama. Hindi rin naman niya ako iniiwan kahit pinapakita ko na hindi siya masisiyahan sa presensiya ko. Alam niya kung gaano ako kaboring kasama kase hindi ako madaldal na tao di tulad ni Patty na madaling makakuha ng atensyon ng karamihan. Masiyahin at palakaibigan pa. Ibang iba sa akin.


"Bakit ba gusto mo na mag-isa ngayon? May nagawa ba akong hindi mo nagustohan? Or may nasabi ba akong nakakasakit sa puso? Ano?" yan ang linyang lage niyang sinasabi sa akin kapag nagsasama kami.


"Wala lang. Sanay rin naman akong mag-isa." yan ang sagot ko. Pero sa totoo lang, nasasaktan ako. Oo, sanay akong mag-isa pero noon yun noong hindi ko pa nakilala si Patty. Sanay akong mag isa noong walang prinsipe sa paaralang ito. Nang makilala ko sila ay nag iba ang dating buhay ko pero ilang araw na akong may kakaibang nararamdaman kaya heto ako ngayon at humihiwalay sa grupo.


Wala akong makalaro at wala akong naging kaibigan matapos ang madilim na trahedya sa buhay ko. Hindi ako pinapalabas sa bagong bahay namin. Takot sila na maulit iyon sa akin. Kung lalabas man ako ay kasama ko si nanay Rosa at isang kasambahay. Lage akong bantay sirado kaya lahat ng oras ko noong kabataan ko ay naubos sa pagbabasa ng mga libro, learning different types of instruments at marami pang iba. Kumbaga, nagiging weird nerd ako though I only have reading glasses.


Patty was the one who first approach me at walang alinlangang nakipaglaro sa akin kahit hindi ko siya pinapansin. She find her own way to communicate with me kahit na sinusungitan ko na. Dahil sa totoo siya sa bawat kilos niya ay tuluyan na akong nakipagkaibigan sa kanya. Simula noon siya lang ang kalaro ko.


Sa junior year ko ay nag-aral ako sa paaralan for 2 years. Pero pagtapos sa nangyari sa akin ay home school lang ako at yun ay nagtagal ng 3 years. Pero noong naging kaibigan kami ni Patty ay lage niya akong kinukumbinsi na mag-aral sa paaralan at wag sa bahay lang dahil boring raw iyon. After 2 years and a half ng pagkumbinsi sa akin ay pinaunlakan ko iyon.


Pinagalitan pa ako ng pamilya ko. Kesyo raw baka mapano ako sa school. Baka maulit sa akin ang nagyari 3 years ago. Dahil sa kagustohan ko ring bumalik sa paaralan ay nagbigay ako ng maraming dahilan.


"Patty will be my classmate. Don't worry too much mom, dad." pagmamakaawa ko sa kanila. Tinabihan ako ni Ate Dina.


"Para sa akin baby, okay lang naman eh pero dapat kasama mo si yaya Rosa sa school." sabi ni ate sa akin habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya.


"Fine. Okay lang rin naman ako kay yaya Rosa pero wag naman yung nakasunod si yaya sa akin. Hindi naman ako isang kinder na kelangan may yaya. Hindi rin naman ako weirdo na dapat lumayo sa mga tao." Sabi ko sa kanila. Tutok na tutok sa akin silang lima. Nagpacute ako para gumana ang pagmamakaawa ko. "Please?"


"Baby." lumapit si kuya Dylan sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko. "Ayaw lang kase naman maulit pa ang nangyari sa'yo dati. We've been devastated when that day happened." sinuklay ni kuya ang buhok ko. "I just... I can't, y-you know." sabi niya na parang naiiyak sa mga alaala niya. Hinagkan ako ni kuya.

High School Puppy Love(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon