Puppy Love - 4

53 1 2
                                    

Nakaharang sa may pintuan ang iba pang studyante.

Ano bang meron dito?

"Pat? What is going on? May idea ka ba?" I asked Patty while we're watching those bunch of people in front of our classroom.

"I still don't know but I think ito yung tinext ni Kath sa akin kanina. Siguro mga new students ata. Grabe, gwapo siguro sila kase nagsiksikan ang iba oh." sabay turo ni Pat sa mga estudyante.

"Ah!" Tsss. Gwapo? Sila? Tsk. I don't care. Akala ko kung ano na. Gusto ko nang pumasok eh, para makapili ako nang gusto kong pwesto. Naglakad ako papunta sa front door, mas madami kase ang nandun sa may back door kaya dito ako dadaan. Baka nandun sa may likoran na-upo yung "new students"

"Uy bes, san ka?" tanong ni Patty

"Edi papasok. Room naman natin ito. Duuuh!" at nakisawsaw na ako sa ibang studyante pa.

"Ahm! Excuse lang po. Makikiraan lang po. Excuse po! Excuse lang po. Paraan. Excusee-----"

"OMG girl. Ang gwapo nila talaga." - girl #1

"Oo nga. Crush ko na sila talaga" - Girl #2

Kainis. Rinig kong sabi nila. Tss. Hindi ba nila marinig ang pag excuse ko? Matry nga ulit.

"Ahm hey, excuse me. Makikiraan po."

Listeeee! Hindi makarinig. Arrrgh!

Nakaka wala nang pasensiya. Madali pa naman akong mapikon. Last try.

"Hey. Padaan naman! Excuse lang po." Bullsht. Ayaw nila talaga ha. Sige. Tignan natin kung hindi pa ako bibigyan nang daan. Pikon na pikon na ako. Hindi makarinig nang excuse ha. Fine!

"PUTANG-INA NIYO. SABING EXCUSE KASI MAKIKIRAAN AKO. CLASSROOM NIYO BA 'TO? KUNG SINONG KUTONG LUPA ANG PINAGCHI-CHISMISAN NIYO, PWEDE MAMAYA NA. NAKAKA HIGHBLOOD. KANINA PA AKO EXCUSE NG EXCUSE DI NIYO MARINIG. BULLSHT!"

Napasigaw ako at natahimik sila. After kung mageskandalo sa harap ng classroom namin, parang reyna ako nang binigyan ako nang daan. Hindi ko namalayan na nakasunod pala sa likoran ko si Patty. Akala ko pa naman good mood ang makukuha ko but it looks like sira na ito.

Dumaan ako at pumasok. Hindi ko na rin pinansin ang mga bulong-bulongan nila. Wala akong paki-alam sa mga sinasabi nila. Waste of time lang ang mga yan.

Narinig ko nalang bigla si Patty nang tawa ng tawa.

"HAHAHAHAHAHAHAYA. OH MY GOSH BES. Did you just do that? I can't believe you. First time yun friend. Kuha mo attention nang lahat. HAHAHAHAHA." tawa pa rin siya nang tawa. Hawak pa tiyan niya. Tsss. "Mailista ko nga. First memorable experience of the year! Hahahahaha".

"Whatever!" sabi ko sa kanya. Tahimik pa rin ang mga kaklase ko. Siguro ay nashocked rin sa ginawa ko, ngayon lang ako nagkaganito eh. They see me as the strict one and the most non-talkative person.

Hindi ko na sila pinansin. At dumeritso sa chair na napili ko. At hindi ko na rin narinig pang tumawa si Pat pero wala akong paki.

"Ay, hi classma-----" hindi natuloy ni Pat ang sinabi niya. Tss. Muntanga lang! Hindi ko pa rin siya pinansin.

"Ahm, Pat, tabi tayo." sabi ko sa kanya at nilingon ko siya.

Paglingon ko, muntanga lang talaga. Ang mukha niya epic fail talaga. Mukhang nakakita nang multo na hindi mo malaman kung ano ang nakita.

Nilapitan ko siya. "Hoy, anyare sa'yo? May nakita kang multo? Oy!" at wini-wave ang kamay ko sa harap niya.

Hindi nakasagot si Patty kase bigla siyang ngumisi na parang kinikilig pa.

High School Puppy Love(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon