II

49 2 0
                                    

"Ikaw ang aking balang araw"

Hinihiling ko lang naman ang iyong pagdungaw
Ngunit ng masilayan na ang iyong napakagandang mukha ay hindi na makagalaw
Ang iyong nakakasilaw na ngiti ay maiihalintulad ko sa araw
Dahil ng ako'y iyong pinagmasdan tila ba ako'y isang sorbetes na natutunaw

Laking tuwa ko pa ng ako'y iyong maisayaw
Sa ilalim ng buwan, bituwin, at konting sinag ng ilaw
Wala na akong iba pang hiling sa mga bulalakaw
Kung hindi ang makasama kang tumanda at matupad ang aking "balang araw"

Ikaw ang paborito kong paksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon