“Puhon, Mahal ko”
Saksi ang takipsilim
Na maging sa pagdilim at pagkulimlim
Bisig mo pa rin ang nais kong damhin
At labi mo lang ang lagi kong hahanap-hanapin
Kaya huwag nang mangamba dahil ang mga susunod nating yakap ay hindi na nakakabitinSisiguraduhin ko rin na sa ating muling pagkikita ay mananaig na ang ating damdamin
Walang oras ang sasayangin at palalampasin
Hindi na mag-aatubiling puso’y sundin
Hindi na matatakot dahil sa pagmamahalang lihimAt sa muling pagtungtong ng gabi sasamahan kita na muling pagmasdan ang mga bituwin
Hahagkan ka na tila ba walang taong nakatingin
Iparamdam ko rin sayong hindi ako magsasawang paulit-ulit kang pipiliin
Kaya mahal puhon lang, hindi ako magsasawang ika’y hintayin
BINABASA MO ANG
Ikaw ang paborito kong paksa
PuisiIto'y kalipunan ng mga tula na aking nilikha. Para sa nga ginoong hindi ko alam kung bakit ko nga ba naging paksa. ._.