IX

36 1 0
                                    

“Sa gitna ng dilubyo kita natagpuan”

Hindi ko inaasahang matatagpuan kita sa gitna ng dilubyo
Oo, nakakatakot at masyadong magulo
Pero mahal pipilitin kong manatili sa tabi mo
At sasamahan kang harapin ang problema na kinakaharap mo

Sa panahon din na ito
Hindi na ako malilito kasi alam kong ika’y mahal ko
Masyado lang siguro akong takot kaya pinipilit ko lumayo sayo
Ngunit hayaan mo dahil hindi na ako mawawala sa mga yakap mo

Magkasama na tayong maglalakbay habang hawak hawak ko ang nga palad mo
Ngunit maitanong ko lang sayo,
tinatangi ko
Pwede bang hindi ko na ito bitawan hanggang sa dulo?
Sana’y “oo” ang sagot mo dahil wala na akong balak pa na muling pakawalan ang mga ito

Ikaw ang paborito kong paksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon