“Sa kawalan kita natagpuan”
Ang mga rosas sa hardin ay kay sarap pagmasdan
Lalong lalo na ang bilog na bilog na buwan
Pati na rin ang mga batang naghahabulan at nagtatawanan
Isama mo pa ang kapwa natin dalaga’t binatang nag-iindakanHabang pinapanood natin ang paglubog ng araw sa silangan
Bigla mo nalang hinigit ang aking bewang at ako’y inayang sumayaw sa gitna ng kawalan
Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman
Tila ba ang puso ko’y gustong sumabog dahil sa labis na ligayang nakamtan
At sa mga oras na iyon ang tanging hiling ko nalang ay ang gabing iyon ay wala na sanang katapusan
BINABASA MO ANG
Ikaw ang paborito kong paksa
PoetryIto'y kalipunan ng mga tula na aking nilikha. Para sa nga ginoong hindi ko alam kung bakit ko nga ba naging paksa. ._.