X

22 0 0
                                    

"Ang aking dalangin at kahilingan"

Sa silangan aking inaasahan na ika'y matagpuan
Upang sana'y mahagkan ang labing matagal ko nang nais halikan
Sa kitid ng dinaraanan,
bawat pintig ng puso'y tila naghahabulan
At ang mga paru-paru sa aking tiyan ay tila nagrarambulan
Kaya ako'y napatanong, bakit ko nga ba ito nararamdaman?

Tuwing ika'y kausap laging kinakabahan
Ang bawat pagtatagpo ay talaga nga namang pinaghahandaan
At sa tuwing aking nasisilayan ang mga ngiting hindi matawaran
tila humihinto ang kapaligiran
Ngunit hindi mo ako masisi na ika'y pagmasdan
Dahil sa tuwing ika'y titigan, nawawala ang pangamba at takot na gumugulo sa aking isipan

Hindi ko nga lubos akalain na tutuparin ni bathala ang aking dalangin at kahilingan
Ang aking dalangin at kahilingan na matagal ko nang iniintay ay hindi ko inaasahan na pagbibigyan

Ikaw ang paborito kong paksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon