“Sa gitna ng karamihan”
Kapayapaan tuwing umuulan
ay sayo ko naramdaman
Paglalakbay sa dilim ay hindi alintana
upang makasama ka lang
Mga balakid sa dinaraanan
ay kahit kailan hindi magiging hadlang upang ika’y mahagkan
Handa na nga akong isugal at gawin
ang lahat upang mga mata mo’y muling mapagmasdanSakabila ng libo libong tao na nakapaligid at tanaw ng
aking mga mata
Ikaw pa rin talaga ang hinahanap at inaasahan na makasama
Hindi ko alam kung bakit o
paano pero iba talaga ang
epekto ng iyong presensiya
Mas maganda nga ang gising sa kinabukasan kung ikaw ang unang
makikita ng aking mga mata
BINABASA MO ANG
Ikaw ang paborito kong paksa
PoesíaIto'y kalipunan ng mga tula na aking nilikha. Para sa nga ginoong hindi ko alam kung bakit ko nga ba naging paksa. ._.