“Sa ilalim ng buwan at kalangitan”
Sa buong maghapon ay ikaw lang ang tumatakbo sa puso’t isipan
Dito, Sa ilalim ng buwan at kalangitan
Inaantay na sana ako’y iyong lapitan
At sabihing ako lang ang nag-iisa mong paralumanKahit batid ko namang parehas lang tayo ng nararamdaman
Hindi pa rin mawaglit sa isip ko na maraming naghahangad na sila’y iyong mahawakan
Subalit lagi mo saaking pinapatunayan sa pamamagitan ng pagdampi ng labi ang pagmamahal mong hindi matutumbasan
Kaya labis labis ang galak na nakamtanAko na nga ang pinaka ma-swerteng binibini sa kalupaan
Dahil kahit ang anghel ay bumaba para lang ako’y hagkan
BINABASA MO ANG
Ikaw ang paborito kong paksa
PoetryIto'y kalipunan ng mga tula na aking nilikha. Para sa nga ginoong hindi ko alam kung bakit ko nga ba naging paksa. ._.