“Sa likod ng aking mga likhang tula”
Magkahawak ang ating mga kamay habang tayo’y tumatakbo sa gitna ng ulan
Ngunit hindi rin tumagal para na tayong mga bata na masayang nagtatampisaw at nagtatawanan
At sa pakakataong iyon ay masasabi kong may kakaiba na akong naramdaman
Ayaw ko lang na magmadali kaya tayo muna’y magdadahan-dahanSa ngayon ang mga mahahalagang bagay muna ang ating pagtuunan
Alam kong darating din tayo doon kaya’t ang bawat oras ay ating pahalagahan
Ngunit ito lang ang laging itatak sa iyong isipan
Sa likod ng aking mga likhang tula sinisiguro kong ikaw lang ang dahilan
BINABASA MO ANG
Ikaw ang paborito kong paksa
PoetryIto'y kalipunan ng mga tula na aking nilikha. Para sa nga ginoong hindi ko alam kung bakit ko nga ba naging paksa. ._.