“Para sa nag-iisang ginoo sa aking mga mata”
Sa pagsikat ng bukang liwayway ikaw pa rin ang inaasahan na masilayan
Ikaw at ikaw rin ang hinihintay na makatabi sa kamang hindi kalakihan
Kaya kung ika’y naguguluhan
Magsabi ka lang dahil ipaparamdam ko sayo kung gaano ka ka-espesyal at iba ka sa mga taong aking pinapakitunguhan
Masasabi ko rin sayo na ikaw ang pangarap ko na makasama habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw at ang kay gandang buwanKung maari nga lang isama kita sa paglalakbay sa kalawakan
At ang kamay mo’y hindi na bibitawan at pakakawalan
Yayakapin din kita na para bang wala nang kinabukasan
Hahagkan ka na para bang ikaw na lang ang nag-iisang lalaki sa kalupaan
Dahil totoo namang nag-iisa ka lang
BINABASA MO ANG
Ikaw ang paborito kong paksa
PoetryIto'y kalipunan ng mga tula na aking nilikha. Para sa nga ginoong hindi ko alam kung bakit ko nga ba naging paksa. ._.