"Hindi malilimutang gabi"
Ang aking saya ay umaapaw
Dahil hindi ko inaasahan na ako'y iyong isasayaw
Sa hardin na puno ng bulaklak
Pakiramdam ko ako'y nasa ulapAng bughaw mong mga mata
Inaakit na ako'y tumitig pa
Sa ngiti mo'y tila nawala ang lahat ng aking pangamba
Sa bawat titig rin ay pinaramdam mo kung gaano ako kahalagaAt sa mga sandaling pagkalingat ko,
ang mga kamay mo ay pumulupot sa bewang ko
Tila nga ayaw mo na akong pakawalan dahil sa higpit ng pagkakakapit mo
Ngunit hindi ko maiitangi ang labis na saya habang nasa loob ng mga bisig mo
Dahil pakiramdam ko ay ligtas ako dahil ikaw ang kasama ko
BINABASA MO ANG
Ikaw ang paborito kong paksa
PoesíaIto'y kalipunan ng mga tula na aking nilikha. Para sa nga ginoong hindi ko alam kung bakit ko nga ba naging paksa. ._.