Para sa nag-iisang ginoo na tinatangi ko
Itong kalipun ng tula ay iniaalay ko sayo
Masasabi ko nga na masyadong makaluma ang pagsusulat ng tula para kanilang tinatangi ngunit patuloy pa rin ako sa pagsusulat ng tula para sayo sinta ko
Ang bawat salita nga ma nakapaloob dito ay talagang pinag-isipan ko
Ang bawat tugma ay sinigurong saktong saktoNgunit mahal, hindi ko maipapangakong kasing ganda ng ang mga tula ko ang likha ng iyong ini-idolo
Subalit ang aking kathang tula ay hindi matutumbasan dahil ikaw ang paksa ng mga ito
Kaya nga ang tanging hiling ko lang sayo
Sana ay itong mga tula na inialay ko ay ingatan moDahil hindi mo ito maiihalintulad sa kamisitang kumukupas
Parang pagmamahal ko sayo, hinding hindi magbabago kahit ilang libong taon pa ang lumipas
BINABASA MO ANG
Ikaw ang paborito kong paksa
PoetryIto'y kalipunan ng mga tula na aking nilikha. Para sa nga ginoong hindi ko alam kung bakit ko nga ba naging paksa. ._.