Nagsisimula nang kainin ng dilim ang liwanag sa langit habang sinasabayan ng hangin ang bugsong aking nararamdaman.
"Nagpapatawa kaba Braz huh?Ilang ulit ko bang sabihin sayo na bakla ako!"sigaw ko kay Braz.
Masaya dapat ako dahil sinabi nyang gusto nya ako pero hindi eh,dahil alam kong pinaglalaruan nya lamang ako.
Sino ba naman ako para magustuhan ng isang tulad nya diba?
"I'm serious Poul!....I really like you!"anito at lumapit pa sakin.
Ano daw?Gusto nya 'ko?Isang napakagwapong lalake nagkagusto sa isang baklang kagaya ko.
"Baliw kana ba Braz huh?....Sinong maniniwala sayo?...Mahal kita pero hindi ako tanga para maniwala sa mga pinagsasabi mo!"at tuluyan nang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Mahirap bang paniwalaan ako----"
"Oo!....dahil alam kong pinaglalaruan mo lang ako!"
"Ganun ba talaga ako kasama sayo Poul?"sabi nito at hindi ako makasagot."Gusto kita Poul at maniwala ka man o hindi mahal na ata kita!"
"H-huwag ako please Braz....pagod na pagod nakong masaktan kaya nagmamaka-awa ako please...wag mo'kong paglaruan"
"Ilang ulit ko bang dapat sabihin sayo Poul na seryoso ako...na gusto kita,..na mahal kita"anito at lumapit sakin pero umatras ako.
"Huwag kang lalapit sakin!"
"Poul..."nagmamakaawang tinig nito.
"Umalis kana Braz!"matigas na sabi ko pero lumapit parin ito at nilahad ang isang lagayan ng necklace.
"T-tama na Braz!"sigaw ko dito at nang napansin nyang wala akong balak na kunin ito ay kinuha nya ang aking kamay pagkatapos ay nilagay dito habang mariin akong tinititigan hanggang sa dahan dahan na itong tumalikod sakin at tuluyan ng umalis
Bumuhos ng husto ang aking luha at nahulog yung lagayan ng necklace saking kamay dahil nanghihina ako.
Ilang minuto akong umiyak ng umiyak habang nakatingin dun sa lagayan ng necklace na nilahad nya kanina sakin.
Bakit mo ginagawa to Braz?
Mahal na mahal ko sya pero hindi ako tanga para maniwala sa sinasabi nya.
Marami na syang babaeng napa-iyak at ayokong mapabilang sa
mga nabiktima nito.*Ring *Ring
Biglang tumunog ang aking cellphone,may tumatawag at tinignan ko naman kung sino ang tumatawag.
Braze
Pinatay ko ito pagkatapos ay tinago sa aking bulsa at tumayo ngunit agad ding dinukot ng magvibrate.
1 message.
To Braz
-Open it.Na ang tinutukoy ay yung lagayan ng necklace.
Isang mensahe muli ang pinadala nya habang patuloy lang na tumutulo ang aking luha na nagsisihulog na sa lagayan ng necklace.
:To Braz
I love yTuluyan ko ng tinago ang aking cellphone pagkatapos ay tumingin sa necklase at dinampot ito at imbis na buksan ay tinapon ko ito sa malapit na basurahan at umalis na.
Third Person's POV
Pagkatapos tinalikuran ni Braze si Poul ay dumeretso agad ito sa kanyang kotse at dun binuhos ang sakit na nararamdaman pagkatapos ay binuhay nya ang kotse at pinaandar habang umiiyak padin.
Habang nagmamaneho ay kinuha nya ang kanyang cellphone gamit ang kanan nyang kamay at tinawagan si Poul ngunit agad naman itong pinatay ni Poul.
Kaya nagtipa na lamang sya ng mensahe sa kanya.
Braze
-Open it.Pagkasend nya sa text ay magtitipa sana ulit sya ng mensahe ngunit hindi ito natapos nang paglingon nya sa daan ay may malaking truck na papasalubong sa kanya at sinubukan nitong ibrake ang sasakyan pero huli na ang lahat dahil tumalapon na ang kanyang kotse kasabay nang kanyang katawan at cellphone.
"I love y-"huling salita na lumabas sa bibig ni Braz bago malagutan ng hininga at habang ang cellphone nya ay durog na durog at hindi alam ni Braz na nasend nya ang kanyang tinipa na mensahe kanina na akala nyang hindi natapos dahil nadulas ang kanyang kamay kanina dahil sa pagkaranta.
Braze
-I love yHuling Padala ni Braze na mensahe Kay Poul na sya ding huling kanyang sinambit bago tuluyang kumawala ang buhay sa kanyang katawan.
-Wakas
