Color 25 - Why

73 2 2
                                    

Lilo's POV

"Lilianne!"

Napataas nalang ako ng ulo ng magulantang sa sigaw ng aming guro, papikit pikit pa ako dahil masakit pa ang akin mata. Napanguya naman ako at parang may matigas sa pinsgi ko.

Panis. Ang nasa isip ko nang pinunasan ko ito gamit ng hanky.

Ah. Natuyong laway lang pala. Nakatulog pala ako.

Papikit pikit pa rin ako pero naririnig ko ang mga ngisi ng buong klase habang si Penpen naman ay tinataasan ako ng kilay na nagsasabi kung ano ang dahilan kung bakit puyat ako.

.

.

***(Flashback: Yesterday at the Art Museum)***

"Po?" Ang ulit ko para makasigurado sa binigkas na salita ni Lolo Mar tungkol dun sa bumili ng painting ni Sky.

"Hmmm? Ulitin ko?" Ang tanong ni Lolo Mar habang nakalagay ang kanang kamay sa tenga, mahinahina na rin kasi ang pandinig niya.

"Opo." Ang sagot ko ng mas malakas, pero ngayon mas pinatibay ko ang aking panrinig.

"Ohoho, yung bumili nung pintura na 'yon ay babae, matangkad at maganda. Sa itsura palang ay malalaman mo na banyaga, ohoho. At namumukaan ko ata siya iha, siya ata yung nababalita sa telebisyon ngayon, sikat ata eh." Ang kwento ni Lolo Mar habang hinahaplos ang baba niya.

Napasara ako ng kamao.

Kilala ko ang tinutukoy ni Lolo Mar.

Matangkad. Maganda. Foreigner. Sikat. May koneksyon sa Magum Opus. Iisa lang naman ang tao na kilala ko na sasakto sa sinabi ni Lolo Mar.

CECILIA.

*thump*thump*thump

Sa dami-daming posibleng bumili ay bakit siya pa? Sa dami-damin posibleng bilhin ay bakit iyon pa? At paunti-unti akong kinakabahan sa patuloy kong pagtatanong sa sarili.

Bakit? Bakit? Bakit?

.

***(Present)***

"BAKIT?!"

Napatingin nalang ako kay Penpen na nakaupo sa tapat ko at nakangangang tumutitig sa akin na para bang nanggulat ako.

Hindi ko namalayan na sinasabi ko na pala ang iniisip ko. Buti pala ay nasa canteen kami at madami-dami ang nagsasalita bukod sa akin.

"Makasigaw ka naman beh, tinatanong ko lang naman kung bakit ka puyat." Ang sabi ni Penpen sabay inom sa hawak-hawak niyang chocolate drink.

"Ay, sorry bes. Hindi kasi kita napansin." Ang dipensa ko naman.

"So ano?" Ang tanong niya habang nakasalumbaba.

"Anong ano?"

"Nagmamaangmaangan ka pa. Alam mo naman kung ano tinutukoy ko. Ano ang iniisip mo kung bakit hindi mo ka napansin, huh? Sagot beh." Tinaasan ako ng isang kilay ni bakla, nagaabang ng balita.

Napapunas tuloy ako ng noo dahil sa kaba.

Hindi ko naman makukwento ito sa kanya dahil hindi niya alam ang tungkol sa binentang pintura sa museo, kaya wala rin maidudulot kung ikukwento ko pa ito.

Pero may isa pa, bukod sa akin na nakakaalam tungkol sa "Color" ay si... "KYAAAAAAAAAH!"

Kyah?

Bago ko pa maisip ang pangalan na iyon, napalingon nalang ako sa direksyon ng pinagtitilian.

Ang sikat at gwapong kababata ko lang naman yun. Si Sky Ruiz, bumibili ng tinapay sa counter.

Napabuntong hininga nalang ako, kung sino pa ang nakakaalam at ang lumikha ng pintura na nagbibigay inspirasyon sa akin ay siya pang nagbibigay sikip sa puso ko.

Tsk.

Buti pa siya, pa-easy easy lang, parang bali wala lang sa kanya na may bumil ng pintura niya. Sabagay madami-dami rin ang ipinintura niya, siguro walang kaso sa kanya ito.

Nilingon ko uli si Sky at hindi ko na siya matagpuan sa canteen, lumabas ata.

.

.

***(Meanwhile: At a balcony of the Obra Maestra Academy )***

Third Person's POV

Tulalang nakaupo si Sky sa balcony, malayo ang tingin na para bang malalim ang iniisip. Paisa-isang kagat siya sa tinapay na nabili malalimlalim ang hinga niya.

Napahinto nalang siya nang magvibrate ang phone niya.

[Incoming Call: Cecil]

"Why?" Sinagot agad ni Sky ang tawag.

"How rude of you, Sora! Can't you at least ask me gently? Like a prince or somethin'? " Ngumisi ng konti si Cecilia.

Huminga ng malalim si Sky bago sumagot. "Cecil, stop with the jokes. I asked you a million times, why?"

"Hmmm."

"Answer me, Cecil." Napahawak nalang sa noo si Sky, naghihintay ng maayos na sagot.

"I won't."

Tumigil ng ilang segundo si Sky at huminga ng taimtim.

"Why did you took it?"

"Ah-uh-ah, correction. I did not took it, but I bought it." Ang sagot naman ni Cecilia habang winawagayway ang hintuturo.

"Fine. Just answer my question. Why?"

Dahan-dahang kumurba pataas ang labi ni Cecilia.

"You'll find out soon. -chuckles-"

[Phone Call: Ended]

"I'll find out soon, huh." Tintitigan lang ni Sky ang phone niya at umupo sa hagdan, ipinikit ang mga mata na pinipilit hulaan ang pakay ni Cecilia.

"I have a bad feeling about this." Ang bulong niya sa sarili habang tinititigan ang litrato ni Lilo na natutulog sa phone niya.

.

.

.

***(Next Day: Obra Maestra Academy )***

Lilo's POV

"Dali-dali! Bilisan mo!" Ang tili ni Penpen sa akin habang hinihila ako papasok sa lobby.

Nakatulala lang ako habang hinuhulaan kung bakit ganito ka tuwa si Penpen ngayon. May nakaligtaan ba ako na araw ngayon? Birthday? Concert? Wala naman.

Anong balita ba ang hindi ko nalaman?

Bigla nalang huminto si Penpen, bumangga tuloy ako sa barakong balikat niya. Hinaplos haplos ko ang namumumulang ilog ko sa sakit.

"Ano ba?" Ang tanong ko.

"Eto beh." Sinundan ko nalang ang daliri ni Penpen na nakaturo sa nakapaskil sa bulletin board.

Isang poster.

"Be enticed and charmed! The Once-In-A-Lifetime Art Exhibit that will Captivate your Heart! Be enchanted by the renowned artist for her famed painting, the "Chrysanthemum"!

The ONE and ONLY, CECILIA INOUE!

Place: Obra Maestra's Expo/ Date: Now!/ Time: 5pm"

.

.

.

Bakit?

Bakit para bang may masama akong kutob?

.

To be continued.

My Picasso Love (DOTB) -hiatus-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon