Maganda.
Sino itong magandang babae na ito? Nasa langit na ba ako dahil may isang dyosa sa harap ko? Kinalogkalog ko ang ulo ko para matauhan, tinanong ko ang sarili kung bakit nagmamaang-maangan pa ako.
Kilala ko siya.
Patuloy ang pagmamasid niya sa gate at sa academy nang napalingon siya sa akin at ngumiti.
Tinango ko nalang ang ulo ko para magbigay respeto, hindi ko maitatanggi na gusto ko magpa-picture at ipagyabang sa mga kaklase ko o kaya lumapit at batiin siya, sadyang pinangunahanan ako ng kaba.
Tumalikod ako para lubayan ang sitwasyon na ito, hindi ko kaya ang pressure na nararamdaman ko ngayon.
“Oh, wait.” Napalingon ako nang narinig ko ang mala-anghel na boses niya, para bang pang voice acting na ang lebel ng boses niya sa sobrang lambot o kaya dadaigin niya pa ang mga tinig ng mga kanta sa sobrang ganda pakinggan sa tenga.
Alam ko sa sarili ko na babae ako, pero kung ganitong babae ang kaharap ko ay parang nawawalan na ako ng tiwala sa sarili, natitibo na ata ako.
“Yes?” Ang sagot ko sa tanong niya.
“Hi! Are you a student here?” Lumakad siya papalapit, nawindang na naman ako dahil tuwid at maayos ang lakad niya kumpara sa akin na lakad palaka.
“Yes.” Ang sagot ko naman, pinagkaiba ay hindi na patanong ito.
“Is Sora in here?” Ang tanong niya, napakunot naman ako ng kilay sa pagtataka.
“Yes?” Sino daw?
“Oh, my bad. I mean, does Sky attend here?” Tinaas niya ang kanang kamay para hawiin ang buhok sa likod ng kanyang tenga, nabighani ako nang napansin ko kung gaano kakutis at kaganda ang hugis ng panga niya hanggang sa leeg.
“Sky Ruiz?” Ang tanong ko na may halong pag-aalinlangan.
“Yup, Sky Ruiz. Is this where he attends?” Sinabayan niya ng palakpak ang kanyang tanong habang nakatingin sa mga mata ko.
“Y-Yes.” Napasinto ang sagot ko nang makita ko ang repleksyon ko sa mga kumikinang niyang mga mata, kasing asul ng langit at kasing ganda ng dagat. Sa sobrang linaw nito ay maaari na akong manalamin.
“Hmm. Thank you.” Hindi ko mahulaan kung nasilaw ako sa araw o sa makinang niyang ngiti. Daig pa sa kaputian ng ngipin niya ang mga sabon panlaba.
Inayos niya ang kanyang pustura at dumiretso sa tumataas na pintuan niyang kotse, humarap siya sa akin bago sumakay at tinaas ang kamay at winagayway.
Tinaas ko rin ang sa akin upang magpaalam.
Nang nakaalis na siya, nabitawan ko nalang ang bag ko at napahawak sa mukha ko. Naprapraning kung weird ba ang ekspresyon ko nang kausap siya o baka may dumi.
Ramdam ko ang pamumula sa hiya, hindi ako makapaniwala na nakausap ang isang tulad niya. Inayos ko nalang ang sarili at pumasok na sa gate ng academy.
( … )
Third Person’s pov
( meanwhile: Inside Cecilia’s car )
Habang nagmamaneho si Cecilia, napa-isip siya at kinausap ang sarili.
“That girl.”

BINABASA MO ANG
My Picasso Love (DOTB) -hiatus-
RomanceSa mundo ng sining, may apat na kabataan ang umakyat sa kasikatan dahil sa kasindak-sinak na antas ng husay dito, mas kilala sila sa pangalan na "The Magnum Opus" Four Prodigies of the Modern Era of Art. Artist in the making, subaybayan ang makulay...