Color 07 - Paint & Soup

115 8 11
                                    

"...i...o..."

"L.....o..."

"L...Io...."

"Lilo......"

.

.

.

"LILO!!!"

*clank*clank*clank

Nagulantang nalang ako sa mga nabitawan kong barya.

"Ano ba yan Lilo, ang sukli inaabot sa customer, hindi binabagsak." Mapanuyang pagpapaalala ni Penpen sa akin habang pinupulot ito.

"Thank you and come again to Color Arc!" Kinalbit ako ni bakla nang kami nalang ang nasa loob.

"Hoy girl, isang araw ka pa, may sakit ka ba?" Nakapamaywang siyang sumandal sa counter.

"A-anong sakit?!" Pabirong iniwasan ko si Penpen at tumungo sa mga paninda. Alam ko rin sa sarili ko na wala sa katinuan ang pag-iisip ko ngayon.

"Eto naman, di ka ba nagtataka?" May bakas na kuryusidad sa tono ng boses niya.

"Nagtataka para san?" Napakunot ako ng isang kilay kahit alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya.

"Absent kaya si Papa Sky kanina at pati na rin kahapon. Walang langit tuloy sa classroom."  Dugtong ni Penpen habang pinapagpag ang mga alikabok. May pagkadismaya ang boses niya. Nakatawang isipin na ako rin ay nadidismaya, pero hindi mismo ako.

Ang puso ko.

.

"Ewan ko." Ang tipid kong sagot. Tigiltigilan mo  na ako bakla, kahapon ko pa yan iniisip.

Siguro nabadtrip siya nung nagkita kami sa Art Museum, pagharap ko ba naman sa kanya, unang lumantad sa kanya ay paa ko ay este yung mukha ko.

Masakit man tanggapin pero sadyang mas maganda pa ang paa ko kaysa sa mukha ko. TT__TT 

.

.

.

( scene: Next day )

*RING*DING*DONG

.

"kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"

"MAAAAAAAYGASSSSSSSSSH"

Nasa may hagdanan palang ako, rinig ko na ang mga hiyawan ng mga kababaihan malapit sa pintuan ng klase namin. Punong puno. Daig pa ang pila sa train o kaya ang traffic sa siyudad. Huminto ako at sumilip kung saan ako dadaan. O kaya kung papaano ako dadaan.

Sumingit ako. At ayun, sa pagkapasok ko sa loob, tama ang kutob ko.

Pumasok na ang langit, si Sky. Lumingon uli ako sa labas at napansin na pati ang ibang seksyon at antas nangangapitbahay para lang masulyapan si Sky.

Humarap naman ako at tumungo sa aking upuan, napatingin ako kay Sky na nakatingin din sa akin.

*thump*thump*thump

Ang swerte mo Lilo. Kalma lang. Kaya mo yan.

Umupo ako nang walang imik, hindi ko siya mabati. Naalala ko pa kasi yung nagkita kami sa museum.

My Picasso Love (DOTB) -hiatus-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon