( ◄ Rewind muna tayo nung nasa loob pa ng museum si Lilo◄ )
Napakamisteryosong tao ni Sky, bigla-biglang magpapakita at malalaman ko nalang na kaklase ko siya, darating sa tabi ko kapag ako'y nangangailangan ng tulong, para bang pinaglalaruan ako ng tadhana dahil sa mga nangyayari, konti nalang ay baka sumabog na ang puso ko!
haay... makauwi na nga
[ Lumabas na ng museum si Lilo, at singa siya ng singa habang naglalakad sa sidewalk ng kalsada. ]
*sneeze~*sneeze~*
fuweh.
May kulangot ata, kaya pinasok ko ang daliri ko para mangulangot habang naglalakad, masarap makakuha ng kulangot, para bang may na-accomplish ka kahit isa sa araw na yon.
Anyways, habang pinagsasabay ko ang paglalakad at ang pangugulagot, napansin ko na pinagtitinginan na pala ako ng mga nakakasalubong ko, para silang nasindak sa kadirian, nasasagwaan ata sila sa akin =___=' kaya pinangtakip ko ang kabilang kamay ko at yumuko
tsk.
Nasaan ba nakasabit? pinagpatuloy ko parin ang pangugulangot ng may marining akong mabilis na yapak na paa *step!*step!*step!* para bang nagmamadali ito, tinaas ko ang ulo ko para umiwas nang--
*BOOG!*
Ramdam ko na nag-slowmo bigla, nangugulangot pa ako ng may bumangga ng malakas sa akin, halos sumubsob ang daliri ko sa butas ng ilong ko, A. R. A. Y. humahapdi na ito, para bang pinasukan ng katol o kinuryente ang loob-looban ng ilong ko.
*sneeze!*sneeze!*
*DOOG!*
At nakayukong napaupo naman ako sa lupa dahil sa lakas ng pwersa, mapaluha-luha pa ako dahil sa sakit at hapdi ng ilong ko... *drop* at nagsihulugan pa ang gamit ko!
tsk!
Dagdag pasakit pa ang pwet ko! arurururuy! argh! dumiretso ata ang kulangot sa lalamunan ko-- *cough*cough* nabilaukan pa ako, ang alat! pweh!
Nakakabwiset na! Sirang-sira na ang araw ko. tumingala na ako para bungangaan ang lalake na bumangga sa akin---
*looks up*
O___O ( ? )
.
.
.
Napaka-SUSPICIOUS!
naka-jacket siya kaya natatakpan ng hoodie ang ulo niya at naka-shades pa kaya 'di ko makita ang mukha niya... at mas lalong naweirduhan ako dahil naka-fake white mustache siya!
sino ba at anong tao ba 'to? magnanakaw? circus performer? mime artist? clown? masyadong kahina-hinala...
may after-effect pa sa akin ang bungguan namin, nahihilo pa ako at masakit pa ang ilong't pwet ko. inayos ko ang upo at hinaplos-haplos ang ilong para mawala ang sakit habang inaayos ko ang mga gamit ko...
"Are you okay?"
tumayo siya at inabot ang kamay niya sa akin, ay ang bait naman, tapos tinulungan niya pa ako makatayo
"Ah-eh, salamat, okay lang nama---"
"I'm really sorry Lilo"
( ! ) HUH?!
"t-t-t-teka! kilala mo ako!?"
binaba niya ang salamin niya at tinanggal ang mustache at sabay turo sa sarili "It's me, Sky -smiles- "

BINABASA MO ANG
My Picasso Love (DOTB) -hiatus-
RomanceSa mundo ng sining, may apat na kabataan ang umakyat sa kasikatan dahil sa kasindak-sinak na antas ng husay dito, mas kilala sila sa pangalan na "The Magnum Opus" Four Prodigies of the Modern Era of Art. Artist in the making, subaybayan ang makulay...