( ... )
"Souvenir ah! ayoko ng keychain! gusto ko yung makakain!" ang bungad sa akin ni Memay ngayong madaling araw
"Kulit mo! Oo na! Pero teka muna, bakit ka ba nandito? Wala ka bang pasok?" ang tanong ko habang sinisigurado ang mga dadalhin kong gamit, ngayon na kasi ang Outdoor Trip namin
"Okay lang, magpapa-late naman talaga ako eh" ang dahilan ni Memay habang tinutulungan ako sa pag-aayos ng gamit
"Lilo anak..." ang singit naman ni Mama habang ipinagluluto ako ng agahan
"Ano po yun Ma?"
"Mag-iingat ka ah, huwag ka hihiwalay sa grupo at baka maligaw ka..."
"Opo Ma" ang sweet naman ni Mama
"...kung may pupuntahan ka ay pagpasama ka sa boyfriend mo ha? Mahirap na baka maligaw k---"
"WALA. PO. AKONG BOYFRIEND." =___=' nagbabasakali naman ako maayos ang bilin kaso igigitgit lang pala ang topic na 'to *sigh at nagsihalakhakan pa sila Mama at si Memay
"Asus, huwag ka nang magdeny pa Lilo, hindi pa ba kayo? okay lang yan... edi tawagin natin siyang future boyfriend -laughs-" ang singit naman ni Memay
"Oo nga anak, masaya nga akong malaman na may na-boyfriend ka. Babae ka nga pero kung umasta ay lalaki kaya akala ko ay hindi mo natitipuhan ang mga lalaki at ang napupusuan mo ay mga babae~ -giggles- ohohohoho~"
at umakting si Memay na nagulat at napahawak sa sarili "OMG Bespren!! akala ko bestfriends tayo, iba pa pala ang gusto mo mangyari sa atin -cries- " at naghalakhakan uli ang dalawa
argh! napatahimik nalang ako sa inis at hiya, hindi ko alam kung kailan pa nagkampihan 'tong dalawa at pinagtutulungan ako. Pinagpatuloy parin nila ang pang-aasar pero hindi ko nalang masyado binigyan ng pansin at dahil baka hindi ako makaabot sa Outdoor Trip namin ng 'di namumula. Bakit ba kasi naging ganito ang lovelife ko? So complicated. Isinigaw ng puso ko pero hindi naman na pinakinggan. Bumalik nga pero wala naman akong magawa dahil nauunahan ng kaba at hiya. Natatakot humakbang dahil 'di pa kayang masaktan. So kailan ko mababago ang 'complicated status' na 'to? nganga na nalang ba ako?
Pero yang mga problema na yan, hindi lang yan pinag-iisipan, ginagawan din yan ng hakbang.
( ... )
( assembly )
habang nagmumuni-muni ako tungkol sa topic ng lovelife, nakarating na pala ako dito sa open area ng school namin, ang Obra Maestra Academy. Marami-rami narin ang nandito tulad ng 'it girl' namin na si Delilah na parang may bago sa kanya, feeling ko ay umamo ng konti ang mataray niyang mukha, nabawasan ata ng make-up? As usual, magkakasama ang magkakaibigan sa klase pero teka... nasaan si Penpen?
Nagmasidmasid ako pero wala akong matanaw dahil sa liit ko, kaya tumalon-talon ako at... ayun! natagpuan ko din si bakla na kausap si...
LANGIT?!
guwaaah! lalapitan ko ba sila? huwag nalang kaya? eh wala kong kausap dito kung'di ang sarili ko! p-pero anong magandang bati na pwede ko sabihin? eh paano--- *tap
lumingon ako nang may biglang tumapik sa balikat ko
"Morning Lilo! Anong ginagawa mo dito ng mag-isa? Tara sama ka sa amin ni Sky" hinatak nalang ako ni Ramzel papunta kay Penpen at kay Langit
"Morning Pen at Sky!" ang sigaw naman ni Ramzel habang papalapit kami "Uyy Girl!" ang bati naman sa akin ni Penpen nang lumapit at niyakap ako "Excited na talaga ako itech! Ikaw ba?" ang dugtong naman ni bakla

BINABASA MO ANG
My Picasso Love (DOTB) -hiatus-
RomanceSa mundo ng sining, may apat na kabataan ang umakyat sa kasikatan dahil sa kasindak-sinak na antas ng husay dito, mas kilala sila sa pangalan na "The Magnum Opus" Four Prodigies of the Modern Era of Art. Artist in the making, subaybayan ang makulay...