Langit siya, potato ako.
Kahit i-search ko pa siya sa Google, hindi ko siya mamukaan, screen lang ng computer yun, ano mapapala ko dun? Nasaan ang love dun? Sa keyboard?
Kahit ilang beses ko iumpog ang ulo ko sa pader, walang sumusulpot sa utak ko tungkol sa mga panahon na kasama ko siya.
He is an unreachable star. Himala nalang kung magkikita pa kami.
Konti lang ang naaalala ko sa kanya, meron ata siyang unique birthmark malapit sa collarbone niya?
I'm not sure pero yung shape ay patak ng tubig, very unique diba? And if I can recall correctly, may tawagan kami... ang nickname na tawag ko sa kanya ay Pebbles.
.
.
( scene: Nasa sala kasama si Memay )
.
"Oy friend uwi na ko ah." Paantok na sinabi ni Memay habang bumabangon na sa sofa
"Kain ka kasi ng kain eh, hinay hinay din kasi." Hinimashimas ko ang pisngi niya para naman magising.
"Heh! masaya ako sa piling ng pagkain! osha, bibisita uli ako bukas ah" Ang paalam naman niya bago lumabas ng gate namin.
"Ingat Memay!" Umuwi na si Memay, pagkatapos isara ang gate at ang pinto ay umakyat ako para ayusin ang mga gamit at maghanda para pumasok bukas
*knock *knock*
Sabay bukas ng pinto si Mama
"Ma? Akala ko tulog ka na, bakit po?" Ang tanong habang inaayos ang aking mga art tools tulad ng paintbrush, ink pen, coloring pencils at kung ano-ano pa.
"Anak, pagbutihin mo yang pag-aaral mo, scholar ka dahil sa talento mo sa magpipinta. Mahusay at magaling ka. Napakaganda at napakamahal ng school mo, do your best and always stay humble, at huwag kakalimutan pagpasalamat sa Kanya. Matulog ka na." Ang malambing na pagpapaalala sa akin ni bago siya matulog.
"Salamat Ma."
.
Ngumit ako ng malaki habang isinasara ng pintuan.
THE BEST talaga si mama, hindi ko alam gagawin ko kung hindi ako suportado ni mama, being an artist is tough. Hindi biro ang mundo ng sining. Marami nagsasabi na wala kaming mararating, wala daw kaming mapapala sa tinatahak naming daan, kahit anong akyat namin ay babagsak parin kami.
Pero kahit ganyan ang tingin nila sa amin I'm positive in doing my best, kung madadapa man ako sa aking paglalakbay, okay lang, bawal bang tumayo at maglakad uli?
Ang pangarap, isang goal yan. Pero hanggang pangarap lang yan kung wala kang gagawin na hakbang.
Scholar ako sa isang private art school ako pumapasok, sa Obra Maestra Academy, a specialized school devoted in teaching advanced techniques and knowledge in the world of art, nag-enroll ako dito dahil nga I love drawing and painting, dun ako masaya, pangarap ko ang mabuhay sa pagpipinta at maging makulay ang paligid ko and in the same way gusto ko mataas din ang maabot ko, makita ang mga napinta ko na nakapaskil sa mga magagarang museum, local and international, at makatuntong sa mundo ng sining at makasama ang mga mahuhusay at kilalang pintor.
Nahiga ako habang iniisip ang mga ito, nagmunimuni ako. Ano kaya ang buhay sa mundo ng sining? Napakataas pala nang aakyatin ko para makita ang makulay na taluktok. Ang kaharian ng mga tanyag at ilustre na mga pintor tulad ng Magnum Opus, tulad ni Picasso.
Ipinikit ko ang mga mata ko at nakatulog nalang.
Dumating ang kinabukasan at nagsimula na akong gumayak para pumasok.
Mabilis lang ako magbihis at mag-ayos ng sarili, hindi ako maarte at mas lalong hindi ako feminine. Ayoko ng make-up, malagkit kapag pinagpapawisan, parang may glue na binuhos sa mukha ko.
Hindi din ako naglalagay ng clip, hairband o nagsusuot ng kwintas o bracelet, mga pabigat lang sa katawan, nagtatali lang ako ng buhok. Ganun ako ka-boring at simple.
Paalis na ako at papalabas na ng gate nang--- "Anak! I.D. mo!"
Napatigil ako sa paglalakad at bumalik sa gate "Ay! -chuckles- Thanks Mama!" Sabay suot ng I.D. ng may nakalagay na: "Lilianne Paloma Cruz; First Year College: Class A"
Kaya siguro Lilo... (Li)lianne Pa(lo)ma (^_^) Hula ko lang naman, hindi rin ako sure kung jan ba talaga nanggaling ang nickname ko.
At pagkatapos ay nagpaalam na ako at tinuloy ko na ang paglalakad, dalawang sakay lang ako ng jeep at walking distance na para makarating sa academy, palapit na ako habang naglalakad papunta sa academy.
( ... )
And while I'm on my way papuntang north gate ng school, napatigil ako sa paglalakad.
Napatigil ako sa paglalakad at lumingon-lingon sa paligid at nagmasidmasid.
Something is fishy.
Paano ba naman kasi, lahat ng estudyante ng Obra Maestra Academy ay nagbubulungan at nag-uusap.
Ako nalang ata ang walang kausap. Napatingin ako sa mga nagkukumpulan, halos lahat ay mga babae, walang pigil sa pagtitilian at patuloy sila sa pagsusuklay ng buhok at sa paglalagay ng make-up habang naglalakad, hindi ata makapaghintay na makarating sa CR.
Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad at napansin halos lahat sila ay nag-iinternet sa phone nila na para bang may bagong chismis, parang may "breaking news" sa balita na hindi ko ata napanood.
Nagbabaga pa ata, fresh na fresh.
.
Ano meron?
.
.
.
.
.
▬ ▬ ▬ ▬ ▬
(A/N: thank you!! comment kayo ah! mas mamomotivate ako (^__^) Super happy ako na mabasa ang mga reaksyons niyo, kaya comment na! :) hahaha yun lang *bow* )

BINABASA MO ANG
My Picasso Love (DOTB) -hiatus-
RomanceSa mundo ng sining, may apat na kabataan ang umakyat sa kasikatan dahil sa kasindak-sinak na antas ng husay dito, mas kilala sila sa pangalan na "The Magnum Opus" Four Prodigies of the Modern Era of Art. Artist in the making, subaybayan ang makulay...