Lilo's POV
Kinabukasan, natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa sala namin, nakapatay ang ilaw at may flashlight nakatutok sa mukha ko.
"TOTOO BA?!"
"Nasisilaw ako." Ang sambit ko habang kumakain ng cereal kay Memay na hawak-hawak ang flashlight.
"TOTOO BA?!" Ano ba ang pinaglalaban nito? Naka-replay button ata siya't dahil kanina niya pa tanong ito. Papikit pikit nalang akong kumakain ng cereal dahil OA magtapat ng ilaw si Memay sa mata ko.
Bubulagin pa ata ako nito.
"Totoo ba nasa school niyo si Cecilia nung isang araw?!" Sinabayan pa ni Memay ng pagbukas ng mga braso niya.
Hindi ko ba maiitindihan kung ano ang pinagkakagawa niya, patay nga ang ilaw kaso madaling araw naman. Kaaga-aga at sa sala pa namin na tripan ni Memay mag imbestiga.
Patuloy parin ang pagkain ko habang si Memay ay patuloy rin siya sa kakadaldal ng mga tanong.
"Maganda ba?"
"Ano ang itsura? Syempre maganda."
"Gaano ka kutis ang balat?"
"Makinis at may kurba ba ang binti niya?"
"Nakuhanan mo ba ng picture?
Sa kakanganga ng bibig ni Memay sa pagtatanong, naamoy ko na ang bagsik ng hininga niya.
Tumayo ako at dumiretso sa aming kusina para uminom ng gatas, sinundan naman ako ni Memay at patuloy parin ang daldal niya.
Inabutan ko siya ng papel, tinanggap niya naman.
"Ano ito?"
"Jan mo ilista lahat ng angal at tanong mo sa akin. Bukas ko nalang ibabalik ang sagot."
Hindi lang naman siya ang naghahanap ng sagot sa katanungan. Punong puno rin ang utak simula nung araw na makaharap ko si Cecilia.
Nagmamaangan pa ako sa sarili ko pero alam ko naman talaga kung bakit nandito siya.
Iisa lang naman ang rason na ang isang sikat na artist tulda niya ay nandito ngayon, dahil kay Langit, kay Sky, kay Picasso.
Pero ang pinakamalaking tanong ko ay ANO.
Ano ang relasyon nila?
Ano ang dahilan ng pagpunta ni Cecilia dito?
Ano ang nangyari sa States at bumalik dito si Sky?
Ano?
Ano nangyari sa atin Sky?
Napatigil ako sa pag-iisip nang isalpak ni Memay ang papel sa dibdib ko.
"Hoy Lilo! Tulala ka na naman." Ang asar niya sa akin habang nakatingin sa dibdib ko.
"Akalain mo naman, naipit ang papel. -laughs-"
Sinabayan ng malakas na tawa ni Memay habang ako'y tulala.
(-___-#)
Tinaggal ko naman ang papel sa dibdib ko at sabay sinuksok sa bilbilan niya.
"Ayan, mas okay pala jan. Tingnan mo, ipit na ipit ang papel!" Ang turo ko sa bilbil ni Memay. Tinawanan nalang namin para tapos ang usapan.
Maya-maya nang natapos na kami ay umakyat ako sa aking kwarto.
"Hoy Lilo. Walang pasok ngayon ah, saan ang lakad?" Ang tanong ni Memay nang makasunod siya sa akin.
"Secret." Ang asar ko sa kanya habang kagat-kagat ang panali sa buhok. Ilang minuto ay natapos ko din ayusin ang sarili at umalis na ako dala-dala ang backpack na may laman ng mga painting tools.
BINABASA MO ANG
My Picasso Love (DOTB) -hiatus-
RomanceSa mundo ng sining, may apat na kabataan ang umakyat sa kasikatan dahil sa kasindak-sinak na antas ng husay dito, mas kilala sila sa pangalan na "The Magnum Opus" Four Prodigies of the Modern Era of Art. Artist in the making, subaybayan ang makulay...