Hindi magkaugaga si Memay sa mga iba’t ibang uri ng tinapay na binili ko sa Outdoor Trip namin. Kulang nalang ay daganan niya ang mga ito dahil kanina pa siya nakahigang yakap-yakap ang mga tinapay.
“Nasa langit na ako Lilo.” Pabiro niyang tinirik ang mga mata. “Ang daming pagkain oh!”
“Hoy taba. Binili ko yan para sa akin.” Ang sabi ko sabay hagis ng isang unan sa mukha niya.
Tinawanan nalang namin ito habang tumayo si Memay at binuksan ang tv.
"Speaking of langit, kamusta na ang langit natin jan?” Sinisilip ang mukha ko ni Memay habang nakangiting aso siya
“A-anong langit?”
“Ayan tayo eh. Tintanggi mo pa kaya hindi makapagdesisyon ang puso mo.” Nagulat ako sa sinabi ni Memay, may pinaghuhugutan ata siya.
-_____-'
“Oo na, anong gusto mo malaman kay Sky?” Ang tanong ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit ko.
“Ano kaya? Hmmm.” Pinagsabay ni Memay ang pag-iisip at ang paglipat ng channel sa tv.
Maya-maya’y umupo ng ayos si Memay at tumigil sa isang channel.
“Lilo, eto ata ang gusto kong malaman.” Naging seryoso ang tono ng boses niya, kaya napalingon din ako sa pinanonood niya.
Isang balita na may kinalaman sa Magnum Opus. Nasigurado ko ito nang makita ko ang parehong babae sa nakaraang balita sa Outdoor Trip namin.
Naka-green dress siya na may frills at may disenyong mga jade na bumabagay sa hikaw niya na kulaw abukado.
Maganda.
Ganoon parin ang pumasok sa isip ko.
( ! )
“Aba! E-Eto yung isa sa top model nung kilalalang international contest diba? Grabe, parang dyosa oh!” Nagulantang naman ako sa hiyaw ni Memay habang pinanonood ito.
Iniinterview siya kung bakit siya nandito, gusto ko rin malaman kung bakit kaya umupo ako sa tabi at nanood. Marami-rami din ang tinanong sa kanya, ayon sa mga sagot niya ay nandito siya para sa mga projects at art exhibits niya, pero sa lahat ng sagot niya, iisa ang tumatak sa akin.
“I came here to visit an important person.”
Napahigpit ako ng hawak sa unan. Sana mali ang hinala ko. Sandali lang ang balita na iyon kaya wala rin kami masyadong nalaman. Pumagaspas naman sa takbo si Memay pababa para kumuha ng juice.
Natapos ang gabi namin sa pagkain ng mga tinapay na uwi ko habang nanood ng ilang tv shows.
Madilim na ang langit at malamig na ang simoy ng hangin, naiinis ako dahil hindi parin ako makatulog. Karaniwan ay tumutulo na ang laway ko sa ganitong oras pero wala ako sa tamang timpla para humiga at pumunta sa mundo ng panaginip.
May bumabagabag sa akin.
Nakatulala lang ako ng ilang minuto nang matauhan, hindi ko alam kung ano ang nagdulot nito pero naisipan ko nalang kunin ang brush, mga pintura at isang canvas.
Gusto ko magpinta.
( … )
Third person’s pov
( scene: At the same time in a luxurious hotel )
Isang babaeng nakasalamin, nakatali ang buhok naka-uniform na black at nakahakab na palda, masasabing isa siyang sekretarya at pumasok sa isang elevator.
*ting
Ilang sandali ay tumigil ang elevator sa pinakataas na palapag ng hotel, dumiretso ang babae sa harap ng isang kwarto at kumatok.
“Ma’am Cecilia. This is Jane, I have a report regarding Mr. Sky.” Ang sagot niya pagkatapos kumatok.
“Sure! Come in! The door’s open~” Ang malugod na bati ng isang boses ng babae sa loob.
Sa loob ng kwarto ay nakaupo sa harap ng malapad na bintana ang nasabing Cecilia, taimtim na pinagmamasdan ang siyudad.
“No need for formalities ‘kay? -chuckles- “ Malugod na ngumiti si Celilia sa kanyang sekretarya.
“But Ma’am…”
“-laughs- So what is it?” Ang tanong ni Cecilia habang iniikot-ikot ang hawak niyang baso na may lamang wine.
“I’ve located Mr. Sky.”
*silence
Lumingon uli sa bintana si Cecilia at tinanaw uli ang siyudad, pero ngayon ay bakas sa mukha niya ang mahinhin at banayad na ngiti.
( … )
Lilo’s POV
( scene: Kinaumagahan)
Naku naman! Anong oras na?! Nadala ako sa pagpinta kagabi at napuyat. Makakahabol pa ako kahit papaano, isa sa mga advantage kapag hindi ka maganda ay mabilis ka mag-ayos. Walang arte, bihis kung bihis, tapos ang usapan.
Dali-dali na akong lumabas ng bahay at sumakay ng jeep papunta sa Obra Maestra Academy.
Maya-maya’y nakarating na ako, wala akong matanaw na mga estudyante na pumapasok pa. Nilingon ko ang paligid at ako lang ang naglalakad kaya’y sinilip ko ang wristwatch ko.
Late na nga ako. Malamang lahat ay nasa mga classroom na nila.
Papasok na ako sa gate ng entrance nang maramdaman ko na may pumarada na kotse sa likod ko.
*vroom*vroom
Kaya napahinto ako sa paglalakad ko at tumalikod para silipin ito, pero bumagsak ang panga ko nang makita ko ang kotse, ito yung tipo na makikita ko lang sa international movies o kaya sa mga display sa mall. Hindi basta basta ang taong nasa loob nito.
Ilang sandali ay bumukas ang pinto sa driver’s seat papataas, sinundan ng mata ko ang babae lumabas sa kotse habang umaalon ang buhok niyang cashew brown.
Pinasadahan ko ng tingin ang suot-suot niyang damit na kulay black na may disenyo ng mga rosas sa dibdiban at ang shoulder bag na may tatak ng sikat at mamahaling brand.
Sa pustura niyang diretso, masasabi ko na maari isa siyang model.
Natauhan ako nang mapansin na nililingon niya ang gate at ang loob ng academy, pinanood ko siya na para bang nasa isang fashion show ako, kahit nakatayo lang siya ay hindi na kailangan pang rumampa.
Maya-maya’y natagpuan niya ang mata ko.
Nginitian niya ako. Napagmasdan ko ang mukha niya.
*thump
May kaba akong nadama ng pumasok uli sa isip ko ang salitang…
Maganda.

BINABASA MO ANG
My Picasso Love (DOTB) -hiatus-
RomanceSa mundo ng sining, may apat na kabataan ang umakyat sa kasikatan dahil sa kasindak-sinak na antas ng husay dito, mas kilala sila sa pangalan na "The Magnum Opus" Four Prodigies of the Modern Era of Art. Artist in the making, subaybayan ang makulay...