Color 08 - Cold

108 7 8
                                    

( A few minutes ago )

Red Alert! Kumakabog sa takot at kaba ang puso ko, para bang sasabog at lalabas na sa dibdib ko.

/(O__O)\

Keep calm at gamitin ang isip, kaya mo yan Lilo.

Panyo.

Kinipa ko agad-agad ang bulsa ng jogging pant ko, pinasok pa ang buong kamay ko para makasigurado. Patay, wala akong panyo.

Naalala ko na iniwan ko pala sa bag ko. At ang bag ko ay nasa classroom.

Tumutulo na ang pawis ko hindi dahil sa pagod kung'di sa lubos na takot, ano na mangyayari sa akin nito? Lumabas na ako ng CR at napahawak nalang ako sa pader, nanghihina na ako.

Napasandal ako na napaisip.

Malapad ang pader.

Nagkaroon ng pag-asa sa mga mata ko, kahit papaano ay nabasawan ang kaba ko. Kaya ko 'to.

Kahit magmukhang sira ako ay gagawin ko ito.

.

Sumandal ako sa pader at naglakad na papatagilid. 

Sinilip ko ang likuran ko, hindi kita. Yes. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ng papatagilid. Mukha man akong maninilip kakayanin ko ito. Dahan-dahan akong yumayapak para naman malaman ko kung meron bang tao sa daraanan ko, mahirap na kung may makakakita pa sa akin nang ganito.

Walang kasing normal na tao ang maglalakad papatagilid habang nakasandal sa pader.

Patungo na ako sa shortcut patungong classroom nang nakarinig ako ng pamilyar na boses.

" -giggles- I told you he was so..."

"Yeah! you're totally right."

"Omg, I'm so pawis all over."

.

Pinakinggan ko pa nang mabuti at nanlumo ako ng natunton ko kung sino ang mga paparating.

Its Delilah and the gang.

Kung makikita nila ako dito ay tiyak na mababalita na ako sa buong academy, na isang weirdo ay pinapahid ang likod niya sa pader. Dadadagan pa nila ng fireworks at confetti

*sighs

Dali-dali akong tumungo sa kabilang daan at nilingon ang kaliwa'y kanan na para bang tatawid ako sa highway.

Sisimulan ko na pumunta sa koridor na papunta rin sa classroom nang nanlumo ako dahil nakarinig din ako ng boses mula sa dadaan ko dapat.

"Grabe pare, nakakapagod talaga."

"Pawis na pawis na kilikili ko."

"Puro libag na likod ko."

.

Kinabahan ako. Sinilip ko para makasigurado at bumagsak ang mga mata ko sa nakita ko.

Its the Class A boys.

Hindi na ako nagdalawang isip na umurong at maghanap sa dadaanan pang iba. Hindi na nga ako ganun kagandahan, madidiri pa sila sa akin.

=_____=

Sa sobrang taranta ko ay tumungo na ako sa isang pang daanan na malaki at maluwag, hindi ko na pinansin ko sino pa ang naglalakad doon. Nag-iisa lang naman siya. Dali-dali na akong naglalakad para lang matapos na ang problema na ito.

My Picasso Love (DOTB) -hiatus-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon