Color 27 - Ticktock

45 1 0
                                    

Lilo's POV

4:47pm

Marami-rami na rin ang nag-aabang sa tapat ng Exhibit Hall dito sa Obra Maestra Academy, iilan din ang may mga dalang camera, excited at handang-handa na makita ang mga likha ng isang tanyag at kilalang artist na si Cecilia Inoue.

Isang malapit na tao sa sikat na grupo na Magnum Opus, malapit na tao kay Sky.

Mula sa kinatatayuan ko sa pila, matagal-tagal pa bago kami makapasok ni Penpen. Natatanaw ko naman ang harap at likod pero wala.

Wala sa pila si Sky. Error 404: Sky not found.

Naglabas nalang ako ng malalim na hinga, nagtataka parin kung bakit may kutob akong hindi maganda sa exhibit na ito.

Kani-kanila lang ay para bang maayos pa ang araw ko bago mabalitaan ito.

At...

Para bang may umiihip sa kanang tenga ko. Huh? Tumaas ang balahibo ko sa batok sa pangalawang ihip.

"PENPEN!" Ang sigaw ko sabay takip sa tenga ko. Sinenyasan bigla ako ni Penpen ng quiet sign at doon ko nalang napansin na napatingin ang mga nakapila sa akin.

Nakakahiya.

Kinurot ko nalang si Penpen sa tagiliran niya.

"A-arararay ko beh! Ah-aruy!" Umaasim nalang ang mukha ni Penpen sa sakit.

"Tutuluyan na talaga kita para maging babae ka!" Ang diin ko sa kanya.

"Babae ako matagal na, masisira obarya ko sa ginagawa mo!"

Pfft. Natawa nalang ako sa kabaklaan ni Penpen.

"Ano na naman ba pumasok sa utak mo na laman ay puro lalaki para hipan ako?!" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ay nako Lilo. Masyado seryoso ka kaya kanina, parang papatay ka ng tao eh." Ang sabi niya habang hinahaplos ang tagiliran niya.

"Ano ba kasi ang iniisip mo? Sobrang excited ka ba beh at natememe ka nalang?"

"Wala." Ang matipid kong sagot.

...


Delilah's POV

Ugh. This is not okay; we're like nasa dulo ng pila. I told this baliw beside me na bilisan para first kami sa line but he requested for us to be in the last. Siya na nga nag-invite, siya pa ang may ganang magpahuli.

"Hey."

He didn't respond, basta patuloy siya sa pagkain ng cookies.

"Hey." I repeated. Yet he continued eating with sounds that's becoming louder and louder and irritating.

"I said HEY!" This time, I make punch sa side ng stomach niya. Halos masamid si Ramzel sa pagkain niya and made a look in his eyes saying "What did I do wrong?"

"Ano? Nagiging unggo---"

"Sige, finish that word and your life will soon be finished too." Tinalasan ko eyes ko sa kanya while I raise my clenched fist in front of me.

"Ok, fine. So bakit?" He asked habang pinupunasan ang mouth from the spilled crunched cookies.

"I just want to know, kung why you wanted to be in the last?" I curiously asked while curling my hair.

"Hmmm."

"Hmmmm."

"Hmmmmm."

"Hmm---"

"One more Hmm at makakatikim ka na talaga." I raised my fist again but this time I'm really annoyed. Can't he be a little seryoso sometimes? But with my surprised he just gave me a soft chuckle.

"Ang sagot sa tanong mo ay ito."

H-He held my hand. Firmly. Sweetly. Damn Ramzel. Showing your manliness at this moment is so sly of you.

"W-WH-WHAT ARE YOU---" I made a reaction para like kunyari ayaw ko but he cut in.

"See? Walang nakakakita, walang tao sa likod at lahat ay nakatingin sa harap. Para may sweet time tayo sa isa't isa." He said that while looking into my eyes. I know, I know he's serious but... I just can't handle this, ramdam ko na umiinit ang cheeks ko!

So I raised my hand whilst he still holding to it at pinagtataga ko sa mukha niya.

*stab*stab*stab

"Aray!Aray!Aray!" Ang sigaw niya while making ilag sa akin.

"Ito ba ang paraan mo para ipakita na mahal mo ak---ugh!"

I finished his sentence with a suntok sa kanyang tiyan. So ingay, nakakahiya if others will hear his stupidity. I make silip sa kanyang face and I can see that he is enjoying.

I don't know if he's enjoying from my punches or enjoying the time with me.


"Baliw." I whispered to myself while he's still recovering from my suntok.

(=//_//=)

...




Lilo's POV

*clatter*whisper*clatter*whisper*clatter

4:58pm

Nag tiptoe ako ng biglang lumakas ang mga bulungan at usapan sa harapan, natanaw ko na may mga banyangang bodyguard ang lumabas sa pinto ng exhibit hall at niliatag ang isang red carpet na rumolyo hanggang likod ng pila.

Sinenyasan kami ng mga ito na lumipat sa carpet. Iilan din ang OA mag-react nang makaapak dito, sa sobrang lambot kasi ay parang nakaapak ka sa mamahaling kama.

"OMG! Ang lambot Lilo!" At isa dito ay si Penpen.

Sumunod ay may nilabas silang malaking orasan na nababalutan ng mabulaklak na disenyo, at iniwan nilang bukas ang pinto, nagsesenyas na malapit sa kami papasukin.

Hindi ko matanaw ang loob dahil may malaking kurtina na kumikintab ang sasalubong sa amin pagpasok.


*ticktock*ticktock

Alam kong malakas ang tilian at harutan ng karamihan dahil sa sobrang tuwa, pero biglang tumahimik ang lahat para sa akin.

Tunog lang ng orasan ang sumisigaw sa tenga ko.

*thump*thump*thump

Gumalaw na ang pila, nilingon ko ang orasan at..


5 o'clock na.

.

.

.

To be continued.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Picasso Love (DOTB) -hiatus-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon