Lilo’s POV
Nakatayo akong tulala, may nararamdamang kabog sa dibdib. Malakas, para bang may dinamita at ilang sandali nalang ay puputok na.
Bumaon ang mga kuko sa aking palad at bumaon pa, sinusubukang pigilan ang sarili sa pagsisigaw.
“SOLD.”
Ninenerbiyos ako.
Sa tagal-tagal ko na dito sa museo at sa para-parating balik ko. Bakit iyon pa? Bakit ang pintura pa ni Sky?
Ano pa ang rason pumunta dito kung ang tanging pintura na nagpapagaan ng loob ko ay wala na sa dito?
Malaking binagsak ang ngiti ko kanina, nagging parte na ang pintura na iyon sa buhay ko. Nakasanayan ko ng pumunta dito sa museo para lang titigan iyon.
“SOLD.”
Tinitigan ko ng tinitigan ang papel, nagbabasakaling mali ang pagkabasa ko at umaasang baka magbago ang nakasulat.
Pero hindi.
.
.
“Aray.” Ang bulong ko, napakunot nalang ang ako noo ng may maramdaman akong makirot sa binti.
Ah. Nangangalay na ako, dito ko napagtanto na ilang oras na pala ang lumipas, nakakatawang isipin na nakatayo at nakatulala lang ako buong damag. Maala-robot tuloy ang lakad ko palabas ng museo, bawat hakbang ay may konting kirot kaya naman ang mukha ko ay napapasim sa sakit.
Umupo ako sa may hagdan para ipahinga ang nanghinana kong mga binti at paa.
“Paano na?” Ang tanong ko habang kinakamot ang kilikili.
May narinig nalang akong umuubo at dahan-dahang naglalakad sa bandang likuran ko.
“Lo!” Ang bati ko kay Lolo Mar, isa sa pinakamatagal na tauhan sa museo. Lagi-lagi ko siyang makikita umiinom ng kape sa umaga habang may kapares na pandesal at kung sa hapon naman ay maglalakad-lakad siya sa labas hawak-hawak ang baywang niya.
“Oho. Bakit narito ka pa iha?” Ang tanong ni Lolo sa akin habang isinusuot ang salamin niyang nakasabit sa batok.
Napakunot naman ang buong mukha ko. “Eh kasi po…” Ikinuwento ko ang rason kung bakit ganito timpla ng araw ko, kung bakit may malaking kaba parin ang nararamdaman ko hanggang ngayon at kung ano ang naging papel ng pintura na iyon sa buhay ko.
.
( … )
.
Third person’s POV
***(Meanwhile: At Lilo’s house )***
Sa itapat ng kabilang kalsada ng bahay ni Lilo ay nakatayo si Sky. Taimtim na pinagmamasdan ang bahay ni Lilo, hindi sigurado kung papasok ba para bumati o tahimik na tatayo nalang.
Marami-rami ding mga kababaihan at mga kalalakihan na may pusong babae ang napapatigil sa paglalakad ng mapansin nila si Sky, sa titig palang nila ay nagsisitilian at kinikilig na.
Pero bali wala ito kay Sky.
Nagpalipas nalang siya ng ilang minuto at umalis na.
“I still don’t know where to start.” Ang mahinahong bulong niya habang hinihingahan ang mga kamay dahil sa lamig.
.
( … )
.
***(Meanwhile: At a common bakery near Ramzel and Delilah’s house )***
“Faster!” Ang utos ni Delilah habang ngumunguya ng tinapay.
“Teka. Dalawa lang kamay ko, limang plastic ng grocery ito. Baka gusto niyo po tumulong para mas maging faster talaga tayo.” Ang mapang-uyam na pagkasabi ni Ramzel habang ipinapahinga ang sarili.
“Gosh. I’m a girl and ikaw ang guy. You can buhat that bags with ease.” Tinaasan ng kilay ni Delilah si Ramzel.
Inutusan silang mag-grocery ng nanay ni Delilah dahil may inaasahang kamag-anak silang bibisita sa kanila bukas.
.
***(Meanwhile: Art Museum)***
Hindi maipinta ang gulat sa mukha ni Lilo habang kinakausap si Lolo Mar, unti-unting nagdahandahan ang pangyayari sa paligid ni Lilo. Nakabaon na ang mga kuko niya sa palad habang bibig naman ay nakabagsak na para bang nawalan ng malay.
Nagkaganito si Lilo ng nabanggit ni Lolo Mar ang itsura ng taong bumili ng painting ni Sky.
At sa mga salita na iyon, nahulaan na ni Lilo kung sino ang taong tinutukoy ni Lolo Mar.
“Bakit?” Ang nag-iisang tanong ni Lilo sa sarili.
.
.
.
***(Meanwhile: At a luxurious hotel )***
May mga kalalakihan na nakapulang tuxedo na may tulak na malaking kuwadradong kahon nakapatong sa isang kariton, dumiretso sila sa isang pribadong elevator at umakyat.
*ting
Itinulak nila ito ng dahan-dahan papunta sa isang VIP na kwarto.
Sa labas ng pinto ay nag-aabang ang isang sekretarya na nagngangalan na Jane. May iniabot na mga dokyumento para pirmahan bago ito pinapasok sa kwarto.
Malaki-laki ang kwarto, nakadalawang ikot pa ang kariton bago tumigil sila sa harap ng isang pintuan na may mga disenyo ng mga bulaklak at mga kumikinang na aksesorya.
“Ma’am Cecilia, it has arrived.” Ang bati ni Jane na may kasabay na yuko para magbigay galang. Sinenyasan niya ito para ipasok ang kahon.
Magara at puno ng Art Nouveau design ang kwarto. Nakaupo sa gitna ng kwarto si Cecilia, pinagmamasdan ang siyudad mula sa napakalaking bintana niya na sakop ang buong pader.
Ibinaba nila ang kahon at inilabas ang isang kuwadradong bagay na may suklob na tela.
Tinanggal nila ang tela at sinabayan ito ng ikot ng upuan ni Cecilia. Uminom siya sa hawak-hawak na baso na may laman ng wine at tinitigan ang kuwadradong bagay nang mausisa.
At maya-maya ay may lumitaw na ngiti sa kanyang labi nang basahin niya ito.
.
.
.
“Color.”
.
.
.
To be continued.
Trivia: Art Nouveau is considered a "total" art style, embracing architecture, graphic art, interior design, and most of the decorative arts including jewellery, furniture, textiles, household silver and other utensils and lighting, as well as the fine arts.

BINABASA MO ANG
My Picasso Love (DOTB) -hiatus-
RomansaSa mundo ng sining, may apat na kabataan ang umakyat sa kasikatan dahil sa kasindak-sinak na antas ng husay dito, mas kilala sila sa pangalan na "The Magnum Opus" Four Prodigies of the Modern Era of Art. Artist in the making, subaybayan ang makulay...