Color 09 - Weird

106 9 13
                                    

*sniff

Hindi parin ako makapaniwala na jacket ni Sky 'to! Ang bango kahit puro pawis, mas mabango pa kaysa sa akin na hindi naligo. Pati pawis niya ay imported.

Yung amoy niya, pamilyar sa ilong ko. Maari siguro na dahil kababata ko siya.

Hindi ko parin mapigilang hindi singhutin ang jacket niya, pinahidpahid ko na sa mukha ko at bawat tela ata nito ay naamoy ko na.

Kulang nalang singhutin ko buong jacket.

"Lilo, anak, tama na yang kakaamoy, ang laswa mo ng tingnan." Napatayo nalang ako sa kinauupuan ko. Halatang pinipigil ni mama ang pagtawa habang nagluluto.

"H-hindi ko inaamoy 'to ah! Iniinspekyon ko lang kung malinis o madumi ang jacket gamit ng ilong ko!" 

" -laughs-  Anong pinagsasabi mo? Aso ka ba ng pulis?" Hindi na napigilan ni Mama at humalakhak na.

"Mama talaga." Tinakpan ko nalang ng jacket ang mukha ko, nakakahiya. Hindi ko mapigilang mamula kapag si Sky ang pinaguusapan, nakwento ko na kasi kay Mama, pero hindi ko sinabi ang pangalan ni Sky, sinabi ko lang na may tumulong sa akin sa lalaki. Hindi ko pa maibalik kay Sky ang jacket kasi Linggo pa, hihintayin ko pa mag Lunes.

"Lilo, bumili ka nga muna ng gulay sa grocery, kailangan ko yun mamayang gabi sa pagluluto."

.

( scene: Sa Grocery Store )

.

*ting*ting*ting*

"Thank you and please come again!"

Pagkatapos kong bumili sa grocery, dumidiretso na ako sa Art Museum, tutal may oras pa bago gumabi... eto na naman ako, katapat ko na naman ang painting, I feel stress-free when I'm looking at it. Unti unti, nararamdam ko na nawawala na ang sikip sa dibdib ko. >__<

Nagmasidmasid ako sa museum, nagbabasakali na makasalubong ko uli si Sky dito.

Ang hirap pala umibig, you feel happiness in such trivial things tulad ng simpleng "Goodmorning" mula kay crush, aagaw lang ng sulyap kay crush at tatalon na ng bigla bigla ang puso mo, too much kilig makes you feel dizzy, but in the same way masakit, no pain no gain, hindi maiiwasan ang masaktan kapag nagmahal ka, sabi nga nila mahirap mahulog kung wala namang sasalo sayo.

Huminga ako ng malalilm para mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko, nakakahinga na rin ng mabuti, maasahan talaga ang painting na 'to, instant medicine.

( ... )

*ring*ding*dong

Dala dala ko na yun jacket niya, bagong laba at tagong tago sa kalaliman ng bag ko. Hindi ko alam kung kailan ko pwede ibalik sa kanya, halos saan siya pumunta ay may nakatingin sa kanya o kaya naman ay stalker, panay sunod nila kay Sky eh. Mahirap na kung ano isipin nila, ayoko naman maging sentro ng gulo.

- - -

mission 1: habang nagkaklase

Ang dami nakatingin sa kanya with matching hingalo, parang mga aso na nakasulyap ng buto. Lilingon palang ako patalikod ay pinagpapawisan na ako sa kaba, hindi ko ata kaya kung makikita nila akong iaabot ito sa kanya.

results: FAIL

- - -

mission 2: breaktime

My Picasso Love (DOTB) -hiatus-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon