Chapter 10

13 0 0
                                    

Summer's POV

Maghapon akong hindi lumabas ng kwarto. Ayoko munang lumabas, hindi dahil sa ayaw kong makita si Kier. It's because..... Ahm.... Apektado kasi ako sa mga ginagawa niya. Alam ko na magkaibigan kami? Ewan ko pala. Wala pa kaming malinaw na napag-uusapan about sa kung anong meron kame. Malabo di ba? Ayoko namang mag-assume. Sige na nga! Nag-aassume ako ngayon! Yung i love you niya, yung kiss niya. Yung pagtawag niya sa akin ng Baby! Kahit corny. I hate him. Kasi pinararamdam niya na mahalaga ako kahit kaibigan lang ata ang meron kami.

"Summer! Bakit hindi mo inaasikaso 'tong si Kier?!" Sh*t dumating na si Mama. Lumabas na ako at nakita ko si Mama na namumula sa galit.

"Ah. Eh. Ma, may ginagawa po kasi ako na project" Hindi na nga ako pumasok ngayon kahit monday dahil sa pinababantayan sa akin ni Mama si Kier.

"Kier" Lumapit si Mama kay Kier na balot na balot sa sofa namin ng kumot. Nangangatal siya. Sh*t. Hinawakan ni Mama ang kanyang leeg at napaharap sa akin.

"Anak, kumuha ka ng sumbrero at tumawag ka na ng sasakyan sa labas" Hindi ko alam kung magpapanic ako dahil sa sobrang kaba, o hindi dahil sa mahinahon naman si Mama. Pero kilala ko si Mama, may masamang nangyari kay Kier. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari sa kanya.
***

Nakarating kami sa hospital at chineck-up na si Kier. Tumaas sobra ang lagnat niya kaya kailangan talagang dalahin sa hospital. Kabado ako promise. Tinurukan kasi siya ng maling gamot, kaya nakatulog siya at hanggang ngayon hindi pa rin nagigising. 1:00 am na pagtingin ko sa relo. Wala pa rin akong tulog.

"Nurse, nasan po dito ang malapit na church dito?" Sinabi niya na malapit lang ito dahil dalawang kanto lang mula dito sa hospital. Nagpasalamat ako at umalis na. Hindi na ako nagpaalam kay Mama dahil sa nakikipag usap siya sa doktor ni Kier.

Kahit gabi na at medyo umaambon, umalis pa rin ako sa hospital. Hindi naman 'to para sa akin eh, kundi para sa taong mahal ko. Aminado ako na ayoko sa love na yan, maraming nanliligaw sa akin but i don't like them, pero isa lang ang nagpatibok ng puso ko. Siya, wala ng iba, si Kier ang nagpatibok ng puso ko. Siya ang mahal ko. Alam ko na parang tanga ako na umaasa na mamahalin niya din ako. Pero hindi naman siguro masama na umasa ako.

Nakarating ako sa church at pasalamat na lang ako at bukas ito. Alam ko na kung may makakakita sa akin pagtatawanan ako pero wala akong pakialam, simula sa unahan lumuhod ako at nagdarasal. Tatapusin ko ang dasal ko hanggang makarating ako sa altar.

"P-panginoon, alam ko po na makasalanan ako, alam ko po na hindi ako gaanong sumusunod sa mga utos niyo, pero Lord, mabuting tao naman po siguro ako. Lord, hindi na po ako hihiling ng kahit ano pa, p-pagalingin niyo lang po si Kier. Panginoon mahal na mahal ko po siya, bigyan niyo po kami Lord ng pangalawang pagkakataon, bigyan niyo po ako ng pagkakataon para masabi kong mahal ko siya" Nakarating ako sa altar at nagtanda na ako ng krus. Lumabas na ako sa simbahan at pumunta na ulit sa hospital. Umaasa na sana magising na siya. Na sana bukas makasama ko na ulit siya.
****
Dalawang araw ang lumipas hindi pa siya nagigising. Lalo akong kinabahan ng nagsugudan ang mga nurse at doktor sa kwarto ni Kier. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero ang nagawa ko lang ay tumakbo at sumunod na lang kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Sa bahay nina Kier ako dinala ng mga paa ko. Hindi na ako kinakabahan, nag doorbell na agad ako.

"Pasok po Ma'am" Nginitian ko lang yung katulong nina Kier at dumiretso na sa loob. Napahinga ako ng malalim ng nakita ko ang nanay ni Kier na nakaupo sa sofa nila.

"Magandang araw po" Tiningnan niya ako ng walang gana at bumalik na ulit ng tingin sa ginagawa niya. Tumayo ako sa harapan niya at naglakas ng loob na magsalita.

"Wala ho akong pakialam kung hindi niyo ako pakikinggan o ipagtabuyan niyo pa po ako. Ganyan po ba talaga katigas ang puso niyo sa anak niyo!? Wala kayong awa! Kung hindi ho dahil sa inyo siguro ang anak niyo ay nandito at makikita niyo pa araw-araw. Masaya na ba kayo na pinalayas niyo siya at nandoon sa hospital! Nilagnat, nagkamali ang hospital sa pagbibigay ng gamot! Hahahaha! Makonsensiya naman ho kayo!" Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Inday ang susi ng kotse. Ihanda niyo ang sasakyan" Tumayo na ang nanay niya at lumabas mg bahay. Napaupo naman ako habang umiiyak. I don't know if tears of joy or success. Successful ako sa pagpunta ko dito.

"Ma'am tahan na po kayo" Inabutan niya ako ng tubig at ininom ko iyon.

"Pwede ko bang mapasok ang kwarto ni Kier?" Alam ko na baka hindi dahil sa baka isipin nila magnanakaw ako. Pero gusto ko lang naman makita eh.

"Sige po" Tumayo na ako at pumunta sa kwarto ni Kier as usual. Magulo pa rin. Inayos ko ang kwarto niya ang mga damit niya na nakakalat sa sahig, ang underwear niya na nasa baba din ng bed niya. Lahat inayos ko. Sa sobrang pagod napaupo na lang ako. Nagbasa ng mga messages sa phone ko. Kinakamusta na ako ng bestfriend ko dahil sa hindi na daw ako napasok ano daw ang nangyari. Haha, natawa ako. Napaisip kasi ako iilang araw na lang ang ipapasok namin bago mag summer pero hindi na ako nakakapasok ng ayos, nakakatawa kasi hindi ko alam na two weeks na lang wala ng pasok. Summer na nga, napangiti na lang ako dahil sa masaya ako na nakilala ko si Kier. Isa siya sa mahalagang tao na nagpabago ng buhay ko. May nakita akong notebook sa may study table niya. Ano kaya yun? Kinuha ko iyon at binuksan.

"Diary!?" Nanlaki ang mga mata ko na parang natatawa ako na ewan. Lalaki may diary? Bading ba siya.? Hindi. Hindi pwede. I love him and i know he love me too.

"Yeah. It's funny kung iisipin na a boy has a diary. Well hindi lang girls ang marunong mag express ng feelings. We are all people in this world. And may karapatan bawat isa na magkaroo ng freedom sa bawat ginagawa nila..." Yun yung nakasulat sa unang page. Ganito pala mag diary ang mga lalaki? Wala ng dear diary. Basta sulat na lang. Nalibang ako sa kababasa hindi ko alam na kailangan ko na palang umuwi. I decided to take the diary kasi nasa gitna pa lang ako.

"Thank you po" Nginitian lang ako ng yaya nina Kier at umuwi na ako. Kamusta na kaya siya? Pupunta na nga lang ako sa hospital. Madali akong nakarating doon kasi may dumaan agad na taxi. Pero ang malas ko kasi wala na siya doon.

"Saan po siya dinala?" Tanong ko sa nurse na nasa front desk.

"Yan po ang hindi namin alam" Holy god. Gusto ko siyang kamustahin. I want to see him. Lumabas na ako ng hospital at umuwi sa bahay.

"Anak bakit gabi ka na?" Umupo ako ng walang gana sa sofa.

"Nilipat na daw po si Kier ng hospital. Ma, tulog na po ako" Pinigilan ako ni Mama at pinaupo.

"Anak may sasabihin ako sayo" Seryoso yung tono niya kaya kinabahan ako.

"Ma, wag niyo po akong takutin" Hinawakan ako ni Mama ng mahigpit sa balikat.

"Anak aalis sina Kier. Pupunta silang america para doon tumira. Anak, alam ko na mahal mo na siya. Ito ang pera na inabot ng magulang niya, layuan mo na daw si Kier para sa ikabubuti ng lahat." So this is it. The painful part of love! I cried so loud.
***

Pasencia sa part na to hahaha.

Bsta. Vote comment share.

50 Days Before SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon