Summer's POV
Ilang araw na kaming hindi nagkikita. Iyak lang ako ng iyak. Sabi ko hindi ko siya mahal. Pero hindi ko kayang gawin ang plano ko. Planong saktan siya. Pero here i am. Ako yung nasasaktan ang fvck lang!
"Anak kumain ka na" Lumabas na lang ako ng kwarto na walang gana. Umupo ako sa may upuan na walang ekspresyon sa mukha.
"Anak ano bang problema?" Napatingin ako kay Mama na naghahanda ng aming kakainin.
"Ma, ang hirap po palang pumasok sa isang relasyon na puno ng kasinungalingan. Sa relasyon na hindi mo alam kung mahal mo ba siya o hindi? Sa relasyon na mahal ka niya pero ikaw ay hindi sigurado. At lalong lalo na sa isang relasyon na puro baka lang at pwede na ang mga mangyayari" Umupo sa tabi ko si Mama at humarap sa akin.
"Anak, hindi kita maintindihan. Hindi ko alam kung sinong mga tinutukoy mo. Pero isa lang ang sigurado ko, kapag mahal mo ang isang tao, iiyakan mo siya dahil mahal mo siya" Napatingin ako kay Mama. Iiyakan? Iniyakan ko siya kahapon. Hindi dahil lang yun sa galit ako sa kanya. Pero teka ano bang ikinagalit ko? Dahil ba sa nakatakda na siyang ikasal sa iba? Basta. Galit ako sa kanya.
"Ma, fiance na siya ng kaibigan niya. Kailangan ko pa bang ibigay ang puso ko sa isang taong nakatakda ng ikasal at all this time hindi pala ako kayang mahalin?" Tumayo si Mama at hinawakan ako sa balikat.
"Sinabi niya ba sayo na hindi ka niya mahal? Pinayagan mo ba siyang mag-explain?" Hindi ako nakasagot agad kay Mama. Pero di ba action speaks louder than voice?
"Action speaks louder than voice" Tumayo na ako dahil nawalan ako ng gana na kumain. Naguguluhan talaga ako sa nararamdaman ko.
"Tama ka, action speaks louder than voice. But not all actions are what our heart wants" Natahimik lang ako sa sinabi ni Mama. Anong ibig niyang sabihin? Tama ba ang grammar niya? Pumasok na lang ako sa kwarto ko at kinuha ang cellphone ko. Antagal ko ng hindi nahahawakan yun. Hindi ko na nababalitaan si Lara. Kaya tinext ko siya.
Tok. Tok.
"Summer! Summer!" Nagtaklob ako ng kumot dahil nandito pala siya.
"Fiance. Mr. Kier Eisen Perea" Bulong ko na lang sa sarili ko at muli na namang pumatak ang luha ko. Hindi ko naman talaga siya mahal, na-offend lang ako sa ginawa niya bakit sinama niya pa ako? Bakit naman?
"Please let me explain! Hindi ako uuwi hangga't hindi ka lumalabas dyan!" Pinunasan ko ang luha ko at umupo habang nakasandal sa may bed rest. Kinuha ko ang diary niya.
"Siya ang dahilan kung bakit ako may cancer! Kung hindi niya ako binato ng bato, wala akong sakit! Ang kapal ng mukha! Nakakapag pakita pa siya sa akin! Ano bang magagawa ko? Isa lang akong mahinang babae na mahal pa rin ata siya kahit saktan pa ako!" Bulong ko sa sarili ko. Nabubwisit na ako sa love na ito kahit double or triple torture na ang ginagawa sa akin. Mahal ko pa rin siya. Pero hindi ako mahilig sa happy ending e! Kasi mas deserve ko ang happily ever after.
"Summer, hindi ko alam na ikakasal ako sa babaeng yun. Tsaka matagal pa yon! Ikaw ang mahal ko, w-walang halong biro" Kinuha ko ang headset ko at nakinig na lang ako ng music. Wala naman akong magagawa kong ayaw niyang umalis. Hindi ko rin naman magawang maghiganti at manakit kaya mas magandang wala na lang akong pakialam. Pero bakit parang kontra lagi ang puso at isip ko? Does it means that I really LOVE HIM?
"Summer please..." Pagkatapos ng sinabi niyang yun wala na akong narinig galing sa kanya.
Kaya natulog na lang ulit ako. At sa sobrang sarap managinip, gabi na ako nagising at ang tyan ko nagwawala na kaya lumabas na ako. Nagulat naman ako dahil nasa may sala si Kier at may dalang bulaklak.
BINABASA MO ANG
50 Days Before Summer
RomanceWhen you hear the word SUMMER. Vacation is the first word you will think. But.... How if there is someone who makes you feel that the 50 days before summer is not actually bored? And it's really fun though? Do you wish that summer will not end? Or...