Chapter 5

22 0 0
                                    

Summer's POV

Siguro nga sinabi ko noon na wala akong pake sa love na yan. Naging bitter ako. Naging hater ako ng love pero mali ako. Hindi ko lang siya siguro naranasan. Hindi ko lang talaga siguro natikman ang tamis ng pagmamahal.

"Ayos ka lang ba talaga?" Paulit-ulit na tanong sa akin ni Kier. Naglalakad kami ngayon papunta sa park malapit dito sa school namin.

"Ayos nga lang ako ang kulit mo talaga." Namula ako dahil nginitian niya ako ng nakakahimatay.

"Sigurado ka ha?" Tumigil kami sa paglalakad at humarap siya sa akin. Nagtaka naman ako ng hawakan niya ako sa pisngi.

"Masakit ba ito?" Tanong niya.

"Hindi nga" Sabi ko.

"Eh ito" Sabay hawak niya sa braso ko.

"Hindi" Sabi ko habang umiiling.

"Ito?" Sabay hawak sa mga kamay ko.

"Hindi po" Para akong bata na tinatanong ng tatay ko.

"Ito?" Yumuko siya at hinawakan ang binti ko.

"Hindi talaga" Kumamot siya sa ulo niya at pinatalikod ako.

"Eh ang likod mo?" Umiling lang ako ulit at humarap siya sa akin ng seryoso.

"Siguraduhin mo lang ha? Pag may masakit sayo lagot ka sa akin!" Matapang na sabi niya. Hindi ko alam pero ang mukha ko parang nakatapat sa araw kahit malapit ng mag five.

"Oo na" Nakatungo kong sabi dahil ayokong makita niya na namumula ako.

"Tara na nga" Hinigit niya ako sa kamay as in holding hand ang style namin habang tumatakbo. Lalo pa akong namula at parang nauutot dahil sa sobrang kakabahan o naeexcite ako.

Nakarating kami sa park habang pinagtitinginan ng tao.

"Ang haharot" Bulong nung matabang babae sa kasama niyang payat pa sa tingting. Mga pakialamera ng lovelife.
Lovelife? Erase. Wala akong lovelife. At walang kami ni Kier. Pero bakit niya hawak ang kamay ko?

"Yun!" Tumigil kami sa nagtitinda ng dirty ice cream at bumili siya ng dalawa. At umupo kami sa damuhan. Ngayon na lang ulit ako nakapunta sa park na ito. Ang huli naming punta dito ay noong pitong taon pa lang ako kasama namin noon si Papa. Luma pa lang iyon pero ngayon ang laki na ng pagbabago. May naka-square na bench dito, marami ng puno at may mga damo na rin na talagang mae-enjoy mo.

"Ang ganda na dito ano?" Napatingin sa akin si Kier sa akin habang inaabot yung ice cream.

"Pasensya na. Hindi ko napaghandaan itong pagpunta natin dito" Ngumiti siya sa akin na pati ang mata ay parang may stars. Nagtataka nga ako kasi ang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi ko pa nga siya kilala ng lubos pero sumasama na ako sa kanya kahit saan.

"Ayos lang" Nahihiyang inabot ko yung ice cream. Naalala ko tuloy yung nangyari sa hospital. Namula na naman tuloy ako.

"Bago mo kainin ang ice cream, may mechanics ako sa pagkain niyan" Nagtaka naman ako kung ano iyon atsaka ulit siya nagsalita.

"Kakainin mo yan dapat ng hindi ka nakahawak." Paano yun? Tanong ko sa sarili ko. May sira ba ang ulo ng taong ito? Ano ba siya? Takas galing sa mental? Pero kahit na ang gwapo naman niyang abnormal.

"Paano?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Ganito yan kailangan yung pinakailalim nung cone ay nakalagay sa bibig mo. Doon mo siya uumpisahan hanggang sa matapos mo hanggang taas. Para tayong sea lion ngayon okay?" Na-gets ko naman siya kaya pumayaga ako. Pinatong ko na yung cone sa bibig ko at nag-umpisa na kami. Mahirap siya kasi anlamig na nga ang hirap pa niyang kainin kasi dapat kontrol mo.

"Done" Nagulat ako sa kanya kaya nabitawan ko yung akin at nagshoot sa mukha ko yung ice cream. Napapikit naman ako at naramdaman ko na lamang na may nagpupunas na niyon. Malagkit talaga siya sobra. Kukuhanin ko sana yung panyo kasi kamay niya yung nahawakan ko kaya namula na naman ako dahil naalala ko yung pagtakbo namin na magkahawak ang aming kamay.

"Ako na" Sabi niya. Bumitaw na lang ako at pinabayaan ko siya sa pagpunas. Noong natapos siya ay minulat ko ang mga mata ko at tumayo na.

"Sorry" Nakapeace sign na sabi niya.

"Okay lang. Kasalanan ko naman" Pumunta muna ako sa cr para maghilamos at umihi. Himala nga at parang ang cellphone ko ay ilang araw ng hindi naicha-charge. Hanggang ngayon full pa rin yung bar.

"Tara na" Naabutan ko siyang nakatayo sa labas ng cr. Ngumiti naman siya agad sa akin at umalis na kami. Gabi na rin at kung anu-ano tuloy ang napagkwentuhan namin.

"Favorite Color mo?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami pauwe sa amin.

"Green" Sabi ko sa kanya.

"Green din ako" Sabi niya.

"Favorite subject?" Ako naman ang nagtanong sa kanya.

"Science" Tumawa naman siya sa sinabi ko. Joke ba yun?

"Haha. Math ang akin. Hindi ko alam na sa hitsura mong yan mas gusto mo yung mga science na yan. Mga human anatomy. Ayoko ng ganyan" Nakaramdam naman ako ng hiya sa sinabi niya. Hindi ko alam pero yun yung naramdaman ko eh.

"Sorry. Favorite movie?" Tumigil na ako sa paglalakad.

"Dito na yung bahay namin" Gusto ko sana siyang papasukin kaso gabi na baka mamaya mapaano pa siya.

"Ah. Sige. Text na lang kita mamaya." Naglakad na siya palayo sa akin at pumasok na ako sa loob ng aming bahay.

Nakita ko si Mama na parang hindi mapakali.

"Bakit ka ginabi?!" Sigaw sa akin ni Mama.

"Ma. Matanda na po ako" Sinermunan muna ako ni Mama bago ako umakyat ng kwarto. Nakakapagod maglakad pero hindi ko siya naramdaman noong kasama ko siya. Pero kung si Lara ang kasama ko pipilitin ko talagang mag taxi na kami.

Humiga na lang muna ako at parang tangang nakangiti sa kisame. Alam ko naman na hindi kami. Walang kami. Pero umaasa na ako na sana magkaroon ng kami.
****

Late.

Sorry sa typo. At kung anuman.

Please help me to spread this story.

Vote. Comment. Share.

Love you guys

50 Days Before SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon