Summer's POV
Lumipas ang maraming araw at hindi namin namamalayan na summer na. Mali pala, ako pala ang hindi ramdam na tapos na pala yung 50 days ko sa school, summer na pala talaga. Hindi na talaga ako maniniwala sa forever. Kasi wala na si Kier at tapos na din yung 50 days ng kasiyahan. Sa tagal ko na may sakit labas masok lang ako sa hospital. Umiinom lang ako ng gamot kapag kaharap sila pero pag ako lang tinatapon ko lang sa basurahan ang mga gamot ko.
"Anak inom ka na ng gamot" Binaba niya yung tubig at gamot sa kama bago tmabi sa akin at niyak ako
"Ma, please ang init. Hindi na ako bata!" Singhal ko sa kanya.
"Ah sorry. Miss na miss ko na kasi yung kakulitan mo." Tumayo siya at kinuha ang gamot.
"Ma, ako na po ang bahala dyan iwan niyo na po yan dyan. At iwan niyo na lang ako kung wala kayong sasabihin sa akin" Walang gana kong sabi sa kanya.
"Anak, may sasabihin pala ako sayo. Yung chemo...." Hindi ko na siya pinatapos at nagsalita.
"Ma, ayoko magpa-chemo. Kung gusto niyo kayo na lang. Wag niyo akong pilitin please ayoko" Wala siyang nagawa kundi ang umalis na lang sa kwarto ko dahil sa tinalikuran ko na lang siya. Maya-maya pa ay pumasok sa loob si Ate.
"Summer pwede ka bang makausap?" Malumanay na sinabi niya.
"Kinakausap mo na ako" Mainit ang ulo na sabi ko.
"Sumagot ka nga ng maayos please" Hinarap ko siya at umupo sa kama.
"Anong problema?" Umupo siya sa tabi ko.
"Yan. Yan ang problema, nawawalan ka na ng respeto. Hindi naman porke't may sakit ka hindi ka na namin kailangang disiplinahin. Summer, nawawala na yung dating ikaw. Nawawala na yung Summer na kilala ko" Umiwas ako ng tingin sa kanya at iniwasang maluha ang mata ko.
"A-ate wag ganun nasakit na naman ang ulo ko" Dahan-dahan akong bumalik sa paghiga.
"Si Mama umiiyak lagi sa akin ayaw mo daw magpagamot. Akala mo ba na hindi ko alam lahat? Pati ang pagtatapon mo ng gamot sa labas alam ko lahat" Napaiyak na ako ng biglaan.
"Hindi mo naman ako maiintindihan e. Ayokong magpaliwanag sa inyo. Kasi walang makakaintindi sa akin" Mahinang sabi niya.
"S-sabihin mo sa akin. Iintindihin kita. Aalagaan kita" Humarap ako sa kanya habang umiiyak.
"Please wag ngayon" Tumango siya at lumabas na din ng kwarto.
Binasa ko na ulit ang diary ni Kier. Yung last two pages.
'Ito na yung pinaka masakit na maisusulat ko sa diary ko. Yung katotohanan. Anak lang pala ako sa labas. Kaya pala ganun na lang ang pakikitungo sa akin ng kinikilala kong ina, pero swerte pa rin ako kasi inalagaan niya ako at pinalaki ng maayos' Lalo kung nagustuhan ang pagbabasa ng diary niya, marami pala akong malalaman na tungkol sa buhay niya. Pero nalulungkot din ako kasi all this time tsaka niya lang nalaman na anak siya sa labas.
'Last na 'to! Gusto ko na itong kalimutan! May babae akong nakita sa school, maganda siya. Third year siya. Pero bukod tangi kasi pinalabas ng room pero nakakatawa siya, siguro tanga ako kung sasabihin ko na gusto ko na siya. Sinundan ko siya sa bahay nila, hindi ko alam kung paano ko siya ia approach kaya kumuha ako ng bato at sinulatan yung papel, binato ko iyon sa bintana nila. Late na ako ng malaman ko na glass pala yun kaya tumakbo na lang ako pauwi. At ang kamalasan pa nadala siya sa hospital. Alam ko na kasalanan ko pero ayokong makulong kaya babawi na lang ako sa kanya. Kay Summer Kate.' Late ko na ng malaman na umiiyak na pala ako. So, hindi lang pala pananakit ng emosyonal ang ginawa niya. Kundi pisikal. Ansakit naman nun! Double torture ba ang ginawa niya sa akin! Hindi pala multiple! Naihagis ko na lang yung diary sa may pinto at umiyak. Bumalik kasi lahat yung panloloko niya! Yung pananakit niya! Yung lahat-lahat!
"Summer?" Nanlamig ako. Panaginip lang na narinig ko ang boses niya. Feel ko na parang slowmotion yung lahat.
"Summer sorry" Tiningnan ko siya, si Kier nga ang lakas ng loob niya. Kung malakas lang ako ng kagaya dati nasampal ko na siya. Hindi lang siguro sampal kasi baka pinakulong ko na siya na dahil sa kanya, ito ako. May tumor sa sobrang lakas ng bato niya nag-cause yun ng tumor!
"Kier, maaari ba kitang hawakan?" Umupo ako sa kama ko at umupo din siya doon.
"S-summer sorry... I'm very sorry... Mahal---" Pinigilan ko siya sa pagsasalita. Ang isang daliri ko iniharang ko sa mga labi niya.
"Ssshhhh. Alam ko. May dahilan kung bakit ka umalis. Gusto mong makasama ang nanay mo. Dahil nangako siya na magbabago sumama ka lang sa america. Kahit ako naman kung papipiliin ako ng nanay ko na cold sa akin pipiliin ko yung chance na yun kahit na masasaktan ko yung taon mahal ko" Niyakap ko siya habang iiyak siya sa balikat ko.
"S-summer may sakit ka daw. Hindi sinabi sa akin ni Tita pero baka ikaw pwede mong sabihin sa akin" Hindi daw sinabi ang sakit ko? So it means hindi niya talaga alam? Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya na. Mamatay na ako baka bukas. Hindi ko alam.
"M-May...." Hindi na ako nakapagsalita dahil sa pumasok si Ate.
"May migraine siya. Ayaw niyang uminom ng gamot kaya ka tinawagan ni Mama para hikayatin siya na uminom ng gamot. And please excuse us kakausapin ko lang siya sandali" Hinawakan ni Kier ang kamay ko bago lumabas. Pagkalabas niya sinara ni Ate ang pinto. At may sinabi sa akin na nagustuhan ko.
"Yun naman talaga ang gagawin ko Ate. Wag kang mag-alala. Kaya tanggapin na lang natin na mamatay ako. Ayokong uminom ng gamot at magpagamot please wag niyo na akong pilitin" Nice Idea. Ang ganda naman ng plano na yun. Siguro pag nawala ako, lahat ng sikretong nalaman ko ay mawawala na din.
"Lagi naman natin yang pinagtatalunan kung ayaw mo talaga at handa ka ng mawala sa mundo. Sasanayin ko na rin ang sarili ko para kapag nawala ka madaling tanggapin" Niyakap ako ni Ate habang naluluha.
"Andrama na talaga. Ayoko ng ganyan. Sige na Ate. Wish me luck" Hindi ko sinabi kay Ate yung about sa diary. Nasa may likod lang pala ng pinto yun buti hindi nila nakita.
"Ate yung notebook pag lumabas ka pakuha. Itago mo na rin sa drawer ko salamat" Nginitian ko siya habang nilalagay niya sa drawer yung notebook.
"Salamat" Pag-uulit ko noong lumabas siya. Pumasok si Kier at umupo ulit sa tabi ko.
"Bakit ambilis mong tinanggap ako? Mahal mo pa ba talaga ako? " Seryosong tanong niya.
"Pag mahal mo yung isang tao kahit saktan ka niya, kahit magmukha kang tanga, bibigyan mo siya ng second chance kasi mahal mo nga. Tsaka naiintindihan naman kita ah. Kier mahal din kita" Niyakap ko siya at ganun din naman siya.
"Ibig sabihin ba noon tayo na?" Tanong niya habang nakayakap.
"Bakit ayaw mo ba?" Humarap siya sa akin ng nakatawa.
"Tayo na talaga?!" Masayang pagtatanong niya. Ngumiti ako at tumango sa kanya. Napatayo siya at napatalon.
"Yes!" Para siyang baliw. Sobrang saya niya. Mahal niya pala talaga ako e, bakit niya ako iniwan? Bakit naging choice niya lang ako?
"Tama na yan baka may makikita sayo sabihing baliw ka" Tumawa ako at tumigil na nga siya.
"Pag ba ang mahal mo kasama mo di ba matutuwa ka! Magiging masaya ka! Payakap nga!" Tumawa lang ako ng tumawa sa mga sinasabi niya.
"Baliw ka pala! Hahaha." Naging seryoso ang mukha niya na parang may naaalala na masama.
"Seryoso ako. Bakit ayaw mong uminom ng gamot mo? Sige ka baka lumala yang Migraine mo" Nginitian ko lang siya.
"Sige na iinom na ako, ikuha mo muna ako ng gamot" Lumabas siya at bumalik na may dalang gamot at tubig.
"Akin na" Inabot ko yun at ininom. Hindi naman ako nag workshop. Hindi rin ako sumasali sa theater pero pang artista ako kung umarte.
Natupad o matutupad pa lang ang gusto kong mangyari? Masaya na ba ako kasi bumalik siya? O magiging masaya palang dahil bumalik na talaga siya? Ang gulo.
***End of chapter.
Vote. Comment. Share
BINABASA MO ANG
50 Days Before Summer
RomanceWhen you hear the word SUMMER. Vacation is the first word you will think. But.... How if there is someone who makes you feel that the 50 days before summer is not actually bored? And it's really fun though? Do you wish that summer will not end? Or...