Chapter 2

33 1 0
                                    

Summer's POV

"Anak kumain kana" Inayos ko ang sarili ko at pinunasan ang mga luha sa mata ko. Ayokong lumabas ng ganito ang hitsura ko. Magulo ang buhok, may mapupulang mata. Humarap muna ako sa salamin at unti-unting inayos ang buhok ko. Pinunasan ko ang mga luha ko kahit hindi ito tumitigil.

"Anak. Umiiyak ka ba?" Narinig pala ni Mama. Dahil sa librong yan. Ito ako umiiyak. Hindi ko pa nga tapos eh. Pero wala na akong balak dahil sa pinaiyak niya ako.

"M-Mama. H-hindi po. H-hindi po ako marunong umiyak. Sipon lang po" Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang sipon ko na tumutulo na sa labi ko.

"Ano ka? Alien at hindi ka marunong umiyak?!" Epal ng ate ko na nagbibihis sa kabilang kwarto.

"Kung Alien ako ano ka? UFO?" Tumayo na ako at tinitigan ang sarili ko hindi ko talaga ito maitatago. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at lumabas ako sa kwarto.

"A-anong nangyari sayo?!" Nag-aalalang sabi ng Mama ko. Tumungo ako para hindi niya makita ang mga mukha ko.

"Anak" Mahinahon na sabi niya habang hinihimas ang likod ko.

"M-Ma. Kasi nagbabasa ako ng libro. H-Hindi ko naman napansin yung upuan kaya... Huhu... Kaya yun nagtaob ako at nauntog ko ang noo ko sa bakal nung kama" Niyakap ako ni Mama. Pilit niya akong pinatatahan pero hindi ko kaya, ansakit ng noo ko. Ansakit-sakit. Nahihilo pa ako ng konti at lalong hindi ko matatanggap ang bukol sa noo ko. Ayokong pumasok bukas nakakahiya.

"Anak, una sa lahat tumahan ka na. Sarili mo naman pa lang kagagawan yun eh." Kumalas sa pagkakayakap si Mama at hinila ako papuntang kusina.

"Umupo ka muna at gagamutin ko yang noo mo" Umupo ako sa sofa at idinantay ko ang ulo ko. Inilabas ko ang cellphone ko at iti next ko si Lara.

To: Lara 0977*******

Dahil sa libro mo. Ito ang nangyari sa akin.

Send

Pagkatapos kong isend ang message na yun ay nag send din ako ng picture sa kanya. Ang noo ko.

"Tama na muna ang cellphone na yan. Baka mamaya sumakit ang ulo mo niyan" Kinuha ni Mama ang cellphone ko at ibinaba iyon sa lamesa. Kinuha ni Mama yung icebag at nilagay sa noo ko.

"Baby, next time ayokong masasaktan ka ha? Kaya ingatan mo ang sarili mo. Mahal na mahal ka ni Mama" Corny? Minsan natatanong ko ang sarili ko magkakaanak pa kaya ako oh buburuhin ko 'to? Takot akong magmahal dahil sa karanasan na rin ni Mama. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko siya namana. Mapagmahal siya at mabait na ina.

"O-ok p-" Hindi ako natapos sa pagsasalita ko ng biglang may bumatok sa ulo ko.

"Ang arte mo! Sinasayang niyo yang yelo. Akin na nga yan" Kinuha ni Ate ang ice bag at tinanggalan ng yelo. Hawak ko ang noo ko dahil pakiramdam ko anytime puputok na iyon sa sakit.

"Ma, s-sobrang s-sakit ng ulo ko" Nag-aaway silang dalawa at hindi nila ako pinakikinggan kaya kusa na lang akong tumayo at pumunta sa kwarto ko ng nahihilo.

*****
Nagising ako dahil sa sobrang init ng pakiramdam ko. Para bang nakalagay ako sa isang frying pan na may kumukulong mantika. Nakita ko agad pagbukas ng mga mata ko ang ceiling fan at ang pink na paint ng kwarto ko. 7:30 AM na pala. Hindi na lang ako pumasok dahil sa may konti pa ring kirot sa ulo ko. Nagising ako ng may pagkain na sa study table ko. Hindi naman kami sobrang yaman, simple lang kami. May kaya oo, pero mayaman hindi. Nagtaaka ba kayo kung bakit ganyan si Ate sa akin? Yan ang hindi ko rin alam.

*Boogsh!*

Papalabas na ako ng pintuan ng biglang may bumato sa bintana ng kwarto ko. Nagulat ako dahil sa sumabog ang mga pira-pirasong salamin sa kama at sahig ng kwarto ko. Napatingin ako sa kama ko na may nakapatong na papel na nakabilot. Siguro may bato yun sa loob kaya nagcause ito ng destruction. Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago lumapit sa kama ko dahil baka may bumato ulit eh ako naman ang matamaan.

Sigurado akong tambay lang ang gumawa niyan.

"Mga walanghiya kayong tambay kayo! Kung wala kayong magawa sa buhay niyo bahay niyo ang batuhin niyo hindi yung bahay ng iba ang binabato niyo-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa dumilim na ang lahat at wala na akong alam sa mga nangyayari sa akin.

****
Sophia's POV

Mahal na mahal ko si Summer. Siya lang ang kamukha ng asawa ko, ng ama nilang magkakapatid kaya ganun na lamang ang pagiging espesyal niya para sa akin.

"Mrs. Crane, huminahon po kayo. Maayos na po ang anak niyo. Siguro bukas pwede na ulit siyang lumabas. She will suffer headache tomorrow. So wag niyo na lang po siyang papasukin" Pinakakalma ako nitong doktor na 'to pero hindi ko talaga mapigilang mag-alala.

"Dok, a-ano po ba talagang nangyari sa kanya?" Tanong ko habang hinihimas ni Kristine ang balikat ko ang panganay kong anak.

"Nagkaroon lang po siya ng konting problema dahil sa lakas ng pagkakabato sa noo niya. At yung pagkahimatay niya ay hindi naman taagal ng ilang oras. Mrs. pasalamat po tayo at hindi siya napuruhan kung hindi stroke po sana ang anak niyo" Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi ng doktor. Nawala ng konti ang kaba ko. Nakahinga na ako ng maluwag.

"Salamat panginoon" Pinunasan ko ang luha ko at umupo na ako sa upuan ng iwan kami ng doktor.

"Yan kasing si Summer ang tigas ng ulo. Nakadagdag pa tuloy sa gastusin" Napatingin ako sa nakasimangot na si kristine habang salita nang salita ng masama tungkol sa kapatid niya.

"Hindi makakatulong ang ginagawa mo. Kaya manahimik ka na lang" Minsan lang ako magalit sa mga anak ko kaya napatahimik siya sa sinabi ko. Mahal ko silang lahat pero mas mahal ko si Summer sa kanilang tatlo dahil siya lang ang nakikita kong espesyal sa kanilang lahat.

"Lagi ka namang ganyan Ma. Lagi na lang si Summer. Asan si Summer? Bakit wala pa si Summer? Uuwi ba siya ng maaga? Lagi na lang siya! Ma! Anak mo din ako. Hindi lang si Summer!" Nagulat ako sa inasal ni Kristine. Lahat naman binigay ko sa kanila ah? Pag kailangan nila ng pera. Binibigyan ko agad siya. Sa pagkain, wala silang masasabi dahil habang nabubuhay ako binibigay ko lahat ng kailangan nila.

"Ginagawa ko naman lahat para sa inyo di ba?" Tumulo ang mga luha sa pisngi ko.

"Pagkain. Pera. Yun lang ba Ma? Ang kailangan ko?! Sa tingin niyo yun lang ba ang dapat ibinibigay niyo?! Ma, simula ng mawala si Papa. Parang isinunod niyo na rin kaming dalawa ni Karylle!" Tumakbo siya palayo sa akin. Lalo akong napaiyak dahil sa lahat-lahat ng ginagawa ko para sa kanila may kulang pa pala. Ganun na ba talaga ang pagka-depress ko simula ng mawala siya? Simula ng mawala ang lalaking pinaka-mamahal ko?

Mahal na mahal ko ang asawa ko. At ganun din siya. Araw-araw naming pinupunan ng masasayang ala-ala ang bawat araw na mayroon kami. Akala ko nga hindi na kami magkakahiwalay. Pero lahat ng bagay ay may katapusan. Namatay ang asawa ko at labis akong nalungkot. Si Summer lang ang naiwan na ala-ala niya. Kamukhang kamukha niya ang ama niya. Kaya siguro ganun na lamang ang pagmamahal ko sa anak kong si Summer. Noong una sobrang sakit pero wala namang tumatagal at permanente sa mundo kaya natuto akong makalimot at hindi ko alam na dahil sa paglimot na iyon ay nalimot ko na rin ang pagiging ina ko sa dalawa ko pang anak.

*****
Vote. Comment. Share.

Sorry kung may mali. Suggest kau. Dedication soon.

50 Days Before SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon