Kier's POV
"Sige na maraming salamat sa pag-iingat sa anak ko" Tumayo na ako sa pagkakaupo ko. Pero hindi ko na napigilan ang bibig ko.
"Tita, teka lang po." Lumabas muna kami ni Tita dahil tulog na si Summer sa sofa.
"Bakit iho?" Hinawakan niya ako sa braso ko.
"Ano po ba talaga ang sakit ni Summer?" Napatingin sa akin si Tita na parang gulat na gulat.
"Hindi mo ba alam? Meron siyang---" Napatingin kami sa babaeng nasa pinto. Si Summer lang pala.
"Di ba sabi ko migraine lang? Bakit ba parang ayaw mong maniwala?" Pumasok na siya ulit sa loob at iniwan kami ni Tita.
"Sige Iho. Maraming salamat sa paghahatid sa anak ko. Mukhang inip na rin yung mga kasama mo" Itinuro niya yung sasakyan na dala namin.
"Sige po. Mauna na po kami" Kahit parang hindi ko magawang maniwala sa sagot na nakuha ko. Mas gugustuhin ko pang sa bahay na lang mag-isip. Naguguluhan ako, bakit magkaiba yung gamot na ininom niya sa binili ko? Hindi kaya, hindi migraine ang sakit niya? Alam kong nonsense yung iniisip ko pero.... Basta iba talaga ang kutob ko.
****
Summer's POV
"Anak bakit ayaw mong ipaalam sa kanya?" Napatingin ako sa pumasok sa kwarto ko. Umupo na lang ako sa kama at huminga ng malalim.
"Kasi po ayokong mag alala siya. Tsaka gusto ko pong magugulat na lang siya na isang araw. I'm dead." Nilapitan ako ni Mama at hinawakan sa kamay.
"Anak, di ba sabi ko lakasan mo ang loob mo? Nawawala na ang sigla mo?" Naluluhang sabi niya.
"Ma, I'm tired. Please po bigyan niyo po ako ng time para makapagpahinga" Humiga na lang ako at hindi na initindi ang sasabihin niya.
"At oo nga po pala. Wag niyo na lang po sasabihin sa kanya na may tumor ako sa utak" Pinikit ko na lang ang mga mata ko at napag isip-isip ko yung gagawin kong plano. Ayokong maghiganti kasi sa huli parang ako lang din naman ang talo.
Hindi ako tanga, sinaktan niya ako at ang gusto kong ibawi sa kanya ay saktan siya. May sakit ako, mamatay na din ako, hindi ako umiinom ng gamot para lumala ang sakit ko at gusto kong mahalin pa ako lalo ni Kier para pag nawala ako masasaktan siya. Pero parang ang stupid ko naman, paano kong hindi niya talaga ako mahal? Paano pag awa lang ang meron siya? Paano? Siguro magcha-change plan na lang ako. Hindi ko na talaga iinumin ang gamot ko, pero babawi pa rin ako sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit ako nagkasakit, syempre siya rin yung gusto kong saktan sa huli. Napangiti na lang ako sa naisip ko pero nasasaktan pa rin naman ako dahil sa hindi ako sigurado kong malapit na akong mawala sa mundo. Acceptance nga di ba?
****"Anak nasa labas si Kier" Unti-unti akong bumangon at pumunta sa sala.
"Kamusta ka na?" Lumapit ako sa kanya at hinila siya palabas. Niyakap ko siya at nagulat siya bigla sa ginawa ko.
"Mahal mo ba ako?" Mahinang sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa mga mata niya at biglang naging seryoso ang mga tingin niya.
"Hindi. Hindi kita mahal." Napabitiw ako at nanlumo sa sagot niya. Anong gusto niya palabasin? Na nauto na naman niya ako? O parang sa romantic movies ang sagot niya mahal na mahal kita.
"Kasi ikaw ang buhay ko. Kaya lagi mong tatandaan pag iniwan mo ako, hindi ako papayag. Kasi kaparte ka na ng puso at kaluluwa ko" Hindi ko na napigilan ang pamumula ko. Ang dami niya litanya sa buhay. Nakaka-stress.
"Ang init dito sa bahay tara lumabas!" Pag-aaya ko sa kanya. Napatawa naman siya sa kinilos ko.
"Hindi ka naiinitan! Kinikilig ka lang!" Bulong niya sa tenga ko habang tumatawa.
BINABASA MO ANG
50 Days Before Summer
RomansaWhen you hear the word SUMMER. Vacation is the first word you will think. But.... How if there is someone who makes you feel that the 50 days before summer is not actually bored? And it's really fun though? Do you wish that summer will not end? Or...