Chapter 12

10 0 0
                                    

Summer's POV

Mabait si God. Bawat hilingin mo, ibinibigay niya. Lahat ng gusto mo ibibigay niya. Pero hindi lahat ng ibibigay niya ay magugustuhan mo. Minsan pala sa buhay natin, marerealize lang natin ang isang bagay kapag wala na. Kapag mawawala na. Gaya ngayon, hindi ko alam kung dulot pa rin ito ng sakit na ibinigay ni Kier o ito yung hiniling ko kay god.

Sinugod lang naman ako sa hospital dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Dahil gusto ko ng mamatay, pinagbigyan ako ni Lord.

"Sorry pero may brain tumor ka." Oh di ba? Ang saya naman!? Hindi ko alam pero natawa lang ako habang si Nanay, si Ate, si Bunso at si Best ay umiiyak. Umalis na yung doktor na nagsabi na may sakit daw ako.

"Bakit kayo umiiyak!? Kayo ba yung mamatay? Kayo ba yung may taning ang buhay?" Hinimatay si Mama dahil sa mga sinabi ko. It's true naman di ba? Ito yung hiniling ko kaya hindi ako dapat umiyak. Siguro ngayon manhid na ako, ang function ng puso ko ay mag produce ng nakakamatay na blood. Ayoko na.

"Gusto ko na talagang mamatay!?" Napatawa naman ako sa sinabi ko. Lumapit sa akin si best.

"Walang nakakatawa! Best, ganyan ba ang epekto niya sau!? "Naiiyak na sabi niya.

"Tanga ba ako kung sasabihin kong oo!?" Nginitian ko siya kaya lalo siyang naiyak.

"Ang mama mo, ang ate mo, ang kapatid mo! Kapag nawala ba sila ngayon!? Magiging ganyan ka rin ba!? Si Tita hinimatay dahil sayo! Dahil sa mga sinasabi mo! Summer! Wake up! Simula noong bata ka pa sila ang tunay na nagmamahal sayo! Yun ang isipin mo! Si Kier! Weeks lang yun! Makaka move on ka pero bakit parang hindi! Nabaligtad ang mundo! Nawala lang siya! Nagkaganyan ka na!" Natahimik ako at nakonsensya sa mga sinabi niya.

"Marami pang lalaki dito sa mundo. Milyon-milyon, bilyon-bilyon kaya wag mong ipagsiksikan ang sarili ko sa iisang tao!" Niyakap ako ni Best kaya naiyak na rin ako.

"Sorry" Bulong ko sa kanya.

"Ayos lang. Magpalakas ka naman oh! Hilingin mo naman na mabuhay ka oh! Please" Tumango lang ako habang umiiyak.

"Teka nga! Hugot day ba ngayon?! Puro hugot eh!" Ilang minuto bago kami napatawa parehas.

"Mabuhay ka ng normal best. Wag mong iisipin yang sakit mo ha?" Tumango lang ako. Ikaw ba naman ang tamaan ng bato. Sabi wala lang, tas ngayon may sakit ako. Surprise! May brain tumor ka. Kaya ito ako parang hindi pa rin makapaniwala.

"Salamat best ha? Nahihiya tuloy ako sayo. Mukha akong baliw. Hindi ko napanindigan ang nbsb hahaha" Hinawakan niya ako sa kamay at nginitian lang.

"Ayos lang yun. Normal lang sa tao ang makaramdam niyan" Tumayo na siya at nagpaalam.

"Bukas na lang ako dadalaw ha? Gusto ko buhay ka pa?" Tumawa lang ako at nag wave sa kanya. Mahal din ako ni Best. Ito na nga yung love.

"Ayos ka lang?" Nagulat ako sa biglang pumasok na si ate.

"Oo, si Mama ayos lang?" Lumapit siya sa akin at yumakap.

"Oo ayos lang siya. Summer, s-sorry..." Napaiyak si Ate na ikinagulat ko.

"Ate?, a-ayos lang yun" Hinimas ko ang likod niya at napaiyak na rin ako. Minsan lang 'to mangyari. Ang iiyak siya sa akin. Yung hihingi siya ng sorry sa akin.

"M-mahal na mahal ka namin. Alam ko madami akong masamng nagawa sayo pero patawarin mo ako. Mahal na mahal ka namin. Lumaban ka ha? Palakas ka. Alam ko na matapang ka." Humarap sa akin si Ate at hinalikan niya ako sa may noo ko.

" Mahal na mahal ko din kayo. A-ate lalaban ako." Hindi pa naman ako mamamatay pero siyempre. May tumor ako sa utak, hindi naman 'to basta-basta.

"Sige. Bibili muna ako ng pagkain ha? Para lumakas ka. Pupuntahan ko na rin si Mama" Tumango lang ako at lumabas na siya. Napaka-emosyonal naman namin. I hate this feeling. Andun na ako sa part na, pwedeng bukas mamamatay na ako, pwedeng mabuhay ako. Pwede lahat. Ayokong magdasal nahihiya ako kay Lord, ito yung hiningi ko. Natural binigay lang niya. Nahihiya ako sa sarili ko, nahihiya ako sa lahat. Iniwan lang ako ng isa pero ang gusto kong iwanan madami pala.

"A-ate bakit andaya mo? Bakit mo kami pinaiiyak?" Nakalimutan ko nga pala na nandito ang bunso kong kapatid.

"Hahaha. Bunso hindi kayo pinaiiyak ni Ate. Dapat nga maging malakas kayo kasi nalulungkot ako kapag umiiyak kayo. Kasi kapag umiyak kayo ibig sabihin mahina din kayo. Paano ako lalakas di ba?" Umupo ako sa hospital bed ko upang makita ko siya.

"Hindi kami mahina ate. Strong kaya kame. Dapat ikaw din strong. Gusto mo ba bumili ako ng gatas para maging strong ka?" Tinawanan ko lang siya at ginulo ang mahaba niyang buhok.

"Basta kahit anong mangyari, wag mong pababayaan ang sarili mo ha? Hindi pa naman mawawala si Ate. Shocked lang siguro tayong lahat." Nginitian ko siya at humiga ulit sa kama dahil sa nakakaramdam na naman ako ng pagkahilo.

"Okay. Basta wag kang bibitaw" Kumuha siya ng upuan at tumabi sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at nag holding hands kami.

"Ano 'to?" Nagtatakang tanong ko.

"Para hindi ka bumitaw." Napatawa ako sa kanyang sinabi. Isip bata talaga. Pero na-touch ako. I love this cute little girl.

"I love you" Pumikit na ako dahil nasasaktan lang ako pag nakikita ko ang mukha ni Bunso namin. Ayoko pang mawala. Ayoko pang iwan silang lahat.
****

Umuwi na kami sa bahay. Hindi na ako nakapasok pero nakapasa naman ako at fourth year na ako next school year.

"Anak, papasok ka pa rin ba?" Pinapakain ako ni Mama ng lugaw habang nagtatanong siya.

"Depende Ma. Wag na lang kaya, para hindi na makadagdag sa gastusin" Napatigil si Mama at tumingin sa akin.

"Anak, gagaling ka naman eh. Wag mong problemahin ang gastusin kasi napupunta naman sa meron yung pera" Ngumiti lang ako kay Mama at nakaramdam ng parang masusuka.

"Ma, nasusuka po ako" Inabot agad ni Mama yung tabo na sukahan ko at sumuka ako. Ito ang araw-araw na gawain ko. Tulog. Kain. Suka at naghihintay na lang kung kelan ulit sasakit ang ulo ko.

"Anak, ito ang tubig" Ang hirap ng ganito. Bakit kasi humiling pa ako niyo?

"Ma, si Lord po ba nagbibigay ng kahit anong kahilingan?" Walang anu-anobg tanong ko.

"Oo naman anak. Bakit gusto mo bang humiling na gumaling ka na?" Nakangiting sabi niya.

"H-hindi po. Ma, kasi noong nasaktan ako dahil ni.. Kier humiling ako na sana mamatay na lang ako..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi naluluha na naman ako.

"Anak, p-paano? Paano mo nagawa yun sa sarili mo?. Hindi totoong siya ang nagbigay ng sakit mo Imposible yun" Gulat na sagot at sabi niya sa akin.

"Ma, nahihiya na po akong lumapit sa kanya. Nahihiya na po akong humbgi sa kanya..." Napatingin ako sa may langit at napapikit.

"Anak bakit mo naman kinahihiyang lumapit sa kanya? Siguro nga bawat hiling natin ibinibigay niya pero hindi yung bagay na makakasama sa isang tao. Anak, tumawag ka sa kanya at siguradong gagaling ka" Hinawakan ako ni Mama sa kamay at pinisil ito.

"Anak gagaling ka tiwala lang" Tumango na lang ako at napapikit. Napapagod na ako sa ganitong buhay. Bakit ba hindi na lang ako matuluyan? Bakit kasi kailangan ko pang maghirap?

Lumabas si Mama sa kwarto kaya tumayo ako dahil gusto kong makita ang sarili ko sa salamin. Walang nagbago sa akin. Ayos lang ang katawan ko. Siguro wala pang pagbabago, siguro months or weeks na lang ang bibilangin para maranasan ko ang epekto ng sakit ko. Nakita ko ang diary ni Kier na nakapatong sa may table ko. Bumilis ang pintig na puso ko dahil doon. Dapat ko pa bang basahin yun? Di ba dapat mag move on na ako? Tinalikuran ko na iyon para pumaunta sa kama ko pero dahil sa hindi ko alam humarap ulit ako at kinuha iyon. Curious ako. Baka pati pala ako nakasulat na din sa notebook na ito.
*******
Vote.Comment.Share.

Sorry late na.

50 Days Before SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon