Summer's POV
"Summer baka magkasakit ka pa" Tumakbo siya sa akin at ikinubong ang suot niyang coat.
"Hindi ko kailangan niyan. Tara na lang manligo sa ulan" Tumakbo ako sa mga carabao grass na nasa park. Hinabol niya ako at nagtampisaw kami sa ulan. Naghabulan kami. At noong tumila na umupo muna kami sa may bench.
"Ang swerte ko sayo" Napatingin ako sa kanya. Akala mo lang yun.
"Malas ka, kasi ang mamahalin mo ay may sakit na katulad ko. Hindi mo ba alam na gusto ko ng mawala sa mundo kasi ayokong sobra tayong maattach sa isa't isa kasi magiging dahilan lang yun para magbago at matakot ang isip ko sa kamatayan" Hinawakan niya ako sa kamay ko at hinalikan iyon.
"Pag dumating ang araw na yun. Susunod agad ako sayo" Seryosong sabi niya sa akin.
"Ayoko. Yan ang wag na wag mong gagawin. Kier, wag mong paikutin ang mundo mo sa kagaya ko. Hiram ko lang ang oras at araw ko. Ikaw mabubuhay ka pa ng matagal, kaya nga sinusubukan natin di ba na magkasama kayo ni Pamela? Para mapamahal ka sa kanya" Hindi ko na ba kayang kontrolin ang utak ko? Pabago-bago ako ng isip.
"Hindi ako magiging masaya kay Pamela dahil hindi naman siya ang mahal ko" Tumayo na ako at naglakad na.
"Ikaw ang bahala kung gusto mo pang sumunod sa akin" Patuloy akong naglakad pauwi. Syempre susunod siya sa akin. Araw namin itong dalawa. Tumakbo siya sa unahan ko at umupo.
"Sakay" Habang itinuturo niya ang likod niya.
"Ayaw" Tumingin ako sa paligid ko ang daming tao nakakahiya.
"Sakay na ayokong mapagod ang mahal ko" Namula ako dahil sa kahihiyan. Hindi niya ako pinahihiya pero yun ang nararamdaman ko.
"Tumayo ka na nga!" Nagdadabog akong nilamapasan siya.
"Ayaw mo ha!" Naramdaman ko na tumatakbo siya at bigla akong binuhat na para kaming bagong kasal. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin kaya nagtakip na lang ako ng mukha ko dahil sa nahihiya ako. Nakarating naman kami agad sa bahay na parehas ng tuyo. Pero yung buhok ko hindi pa.
"Saan kayo nanggaling? Nag paulan ka ba Summer? Ano ka ba naman! Alam mo naman na pagod ka tapos nagpaulan ka. Ikaw talagang bata ka" Sinermunan ako agad ni Mama kahit hindi pa kami nakakapasok sa bahay.
"Tita ang kulit po talaga nitong si Summer. Ah tita yung operation niya pwede na po siyang gawin sa lalong madaling panahon sabi noong doktor ni Daddy" Napatingin sa akin si Mama at kay Kier. Alam ko ang ibig niyang sabihin kaya hinila ko agad siya.
"Mama hindi niya po alam. Tutal malakas pa naman po ako Mama kaya wag niyo na lang pong babanggitin sa kanya" Hinawakan ako ni Mama sa noo ko at pati sa leeg.
"Buti hindi ka nagkalagnat" Hindi na lang siya umimik. Wala akong natanggap na sagot sa kanya.
"Tita pwede po bang pumunta ako ng CR?" Tumango si Mama at pumunta na siya.
"Summer, sigurado ka bang ayaw mong ipaalam ko sa kanya? Paano yung inooffer niya? Anong isasagot ko?" Umupo muna ako sa upuan at nag isip ng taimtim.
"Paano po kaya kung sabihin na lang natin na magaling na ako? Na nakuha na sa maintenance at diet? Ma, hayaan na lang po natin na magulat siya na mawawala na ako" Iniwan ko si Mama dahil pumasok muna ako sa kwarto ko para magpalit. Saglit lang din naman kaya lumabas na rin ako agad.
"Totoo ba Summer?" Tuwang-tuwa na sabi ni Kier at tumakbo siya para lumapit sa akin.
"A-ano yun?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Wala ka ng sakit? Natutuwa ako. Pwede na tayong magtagal!" Mapait na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya. Wrong move again!
"Pero hindi ibig sabihin noon tapos na ang deal natin. Gagawin pa din natin yun. Isipin mo na lang na naiipit tayo sa isang mahirap na sitwasyon" Hinila niya ako palabas at duon ako kinausap.
"Walang sense ang ginagawa mo Summer. Ikaw lang ang mahal ko. Hindi ako magpapakasal sa kanya" Hinila niya ako at dinala sa kung saan. Pumara siya ng taxi at sumakay na agad kami.
"Saan ba tayo pupunta?" Humarap siya sa akin at binigyan ako ng isang magandang ngiti.
"Ipapakilala kita sa tunay kong mga magulang" Tunay? Ibig bang sabihin na hindi niya tunay na magulang yung kasama niya ngayon?
"Nagpunta ako ng America para malaman ang totoo. Dinala namin doon ang kapatid ko para magpagamot. At doon may isang kakilala si Mommy na nakita ako. Tinanong niya sa Mommy ko na kung ako daw ang anak ng kapatid ni Mommy. Bale si Mommy ay ang tita ko" Tumango na lang ako kahit magulo ang istorya niya.
"Andito na tayo oh" Bumaba na kami at dinalaw namin ang mga tunay niyang magulang.
"Eisen and Kiara Perea" Pagbabasa ko sa mga nakasulat sa lapida ng mga magulang niya.
"Mama, Papa. Ito na po ako, si Kier Eisen ang anak niyo. Pasensiya na po kung ngayon ko lang kayo nadalaw. Kasi po ngayon ko lang nalaman na hindi pala sila ang tunay kong mga magulang. Bakit ang malas ko? Hindi ko man lang kayo nakita" Awang-awa ako kay Kier at natatakot din ako dahil ganito din ang gagawin niya siguro pag ako na ang nawala. Bakit ba ang dalang sabihin na mawawala na ako? Bakit? Napariwara na ba talaga ako? Wala na ba talaga akong pakialam sa nararamdaman ng iba?
"Bakit po iniwan niyo ako? Wala man lang paalam?" Ganyan din ang gagawin ko sayo Kier hindi ko ipapaalam at ayokong malaman mo.
"Kier hindi mo kailangang itanong sa kanila yan. Alam ko na masakit pero Kier walang taong gustong mang iwan. Lalong walang taong gustong mang iwan ng taong mahal nila" Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito. Yung tipong pati ako nahahawa sa kanya. Naranasan ko na kasi ang mawalan ng tatay pero ang mawalan ng parehas na magulang? Mas masakit yun sigurado ako.
"T-tama ka. Bakit ba hindi ko naisip yun?" Napakamot pa siya ng ulo kaya parehas kaming napatawa.
"Pero di bale Ma, Pa. Ipapakilala ko na sa inyo si Summer Kate Crane Perea. Hindi ako iiwan nito, kasi mahal namin ang isa't isa di ba?" Hindi ko alam kung makakasagot ako agad sa mga sinasabi niya. Ang hirap pa lang magsinungaling at mangako kasi pag nawala ako lalo lang siyang masasaktan.
"Ah. O-oo m-mahal nga natin y-yung isa't i-isa" Hinalikan niya ako sa pisngi at itinaas ang kamay naming dalawa habang magkahawak.
"Sabi ko sa inyo Ma at Pa. May mag-aalaga na po sa akin. Bago pa po kami abutin ng ulan, aalis muna po kami. Babalik na lang kami ulit. Kapag kinasal na kami at nagkaapo na kayo" Lumakad na kami at umalis. Pulang-pula ang mata niya. Halatang halata mo na mahal na mahal niya talaga yung mga magulang niya at miss na miss na niya talaga. Iiyak ka rin ba pag nawala na ako? Iiyak ka rin ba ng ganito? Sana hindi. Sana hinding hindi ka iiyak.
"Alam ko na gusto mong tanungin kung anong ikinamatay nila. Accident. Car accident to be specific." Hinawakan ko siya sa likod at tinap yon.
"Sorry" Malungkot siyang ngumiti sa akin.
"Wala ka namang kasalanan kaya wag kang mag-sorry. Tara na nga! Gutom na gutom ka na sure ako" Bakit ganun? Sabi ng doktor wala na akong gamot o lunas man pero bakit ang pakiramdam ko ang lakas-lakas ko pa din? Bakit antagal pa?
"Ansarap mabuhay no?" Nagulat ako sa mga sinabi niya. Hindi ko masasabi yan Kier. Kasi ako naghihintay na lang ako kung kelan ako mamamatay. Ayokong mapamahal ka sa akin ng sobra ayokong saktan ka.
"Oo" Mapait na sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung kailangan ko pang mabuhay ng matagal, the more na tumatagal ako the more na mas marami siyang maaalala sa akin. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayokong magalit siya sa sarili niya at sisihin pa niya ang sarili niya. Kung nag-iisip lang ako ng tama dati e di sana makakasama ko siya ng habambuhay.
****
[End of Chapter]
BINABASA MO ANG
50 Days Before Summer
RomanceWhen you hear the word SUMMER. Vacation is the first word you will think. But.... How if there is someone who makes you feel that the 50 days before summer is not actually bored? And it's really fun though? Do you wish that summer will not end? Or...