Summer's POV
"Ito naman ang gusto ko! Bakit mas nasasaktan ako!? Bakit!?" Pinagtatapon ko ang mga unan ko ang stuff toy lahat. Lahat ng mga nahahawakan ko, ibinabato ko.
"Bata ka pa nga at wala ka pang alam sa pagmamahal" Natahimik ako sa pagsasalita ni Ate na nasa may pintuan.
"Ate iwan mo muna ako please" Nagpunas ako ng mga luha ko sa pisngi.
"Sa tingin mo hahayaan ko lang na makita ka na umiiyak? Summer, tama ang ginawa mo. Hayaan mo siyang maging masaya sa babaeng pagpapasahan mo sa kanya, wag mo siyang iiwanan na nagdudusa sa sakit at sinisisi ang lahat ng pananakit niya sayo. Wag kang umiyak, alalahanin mo, nagsakripisyo ka hindi para sayo kundi para sa kanya. Siguro hindi ka niya maiintindihan. Atleast parang nagpaalam ka sa kanya at hindi mo siya basta iniwan" Nilapitan ako ni Ate at binigyan ako ng panyo.
"Siguro maraming hindi makakaintindi sayo. Mahal mo bakit mo ipamimigay sa iba. Ikaw lang ang pwedeng makaintindi sa sarili mo. Siguro noong una nahirapan ka, first boyfriend mo, kaya ganun kasakit. Pero atleast siya na ang first and last mo. Hindi ako natutuwa na aalis ka at hindi na muling magbabalik pero Summer you deserve to live. To live here in my heart" Niyakap niya ako at sabay kaming napaiyak. Naiintindihan ako ni Ate. Thanks God. Akala ko walang makakaintindi sa akin yun pala marami, hindi man niya ako maiintindihan atleast si Ate naiintindihan ako.
"Summer, sundan mo siya sa batangas at wag mong hayaan na masaktan pa siya. Hayaan mong matutunan niyang matanggap na mamawala ka na" Tumango na lang ako at nag-ayos ng sarili. Tama si Ate, kailangan ko ng sabihin sa kanya. Kailangan na talaga niyang malaman ang dahilan kung bakit ko iyon ginagawa. Magulo man para sa kanya, pero handa akong linawin yon dahil nga mahal ko siya.
"Ma, wag po kayong mag-alala. Kaya ko po ito. Babalik po ako dito ng buhay" Binigay sa akin ni Mama ang eksaktong address kung saan pupunta si Kier. Buti na lang sinabi ni Mama sa kanya kung saan ko dapat puntahan si Kier. Two hours lang din ang biyahe at nakarating din ako doon.
Isang beach resort to. Hindi ko naman alam kung paano ko siya mahahanap kaya nagtanong ako sa isang babae na nakita ko.
"Ah, si Sir Kier po ba? Nandito nga po siya. Sino po ba kayo?" Tanong sa akin noong babaeng dito pala nagtatrabaho. Bakit hindi nabanggit to sa akin ni Kier?
"Sabihin mo isang matalik na kaibigan." Aalis na sana yung babae ng biglang magsalita si Kier sa likod ko.
"Hindi ko siya matalik na kaibigan. Siya ay matalik sa puso ko. Siya ang kinukwento ko sa inyo Doris" Ngumiti lang yung Doris at iniwan na kami. Lumakas bigla ang tibok ng puso ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay ko
"Kumain ka muna" Dinala niya ako sa restaurant dito sa loob ng resort.
"Pamana 'to sa akin nina Mama. Kanila ito, kahit ako nagulat ng malaman ko na marami pala silang naiwan na property para sa akin. Teka, bakit ka nga pala sumunod sa akin?" Hindi na ako nakasagot ng biglang dumating ang waiter.
"Sir ito na po ang pagkain niyo" Nilagay sa lamesa namin ang isang bowl ng bulalo at adobo at sari-saring pagkain na sa batangas mo lang makikita.
"M-may kailangan akong sabihin sayo" Yumuko ako para hindi makita kung anobg ekspresyon niya.
"Mamaya na kumain muna tayo at may sasabihin din ako sayo" Tahimik kaming kumain na dalawa. Kumakain ako pero parang gusto ko lang din namang isuka. Nahihilo ako ng konti pero hindi ko iyon pinansin.
"Tara na" Pinalinis niya ang pinagkainan namin at pinakuha ang nga gamit ko. At hinila niya ako papuntang dagat. Walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito mula sa kanya. Walang ekspresyon ang mukha at mukhang malalim ang iniisip.
"Ang ganda naman ng resort niyo" Pambabasag ko sa katahimikan naming dalawa.
"Gusto mo bang makita ang bahay nina Mama at Papa andito lang din yun sa loob ng resort" Nginitian ko lang siya ng pilit bilang tugon. Lumakad kaming dalawa sa maputing buhanginan habang tahimik. Ano kayang iniisip niya?
Natambad sa akin ang isang lumang bahay pero makikitang mong pangmayaman. Gawa lang ito sa kahoy pero mayaman ka na ng lagay na ganito siguro noon. Pumasok kami sa loob at isang malaking portrait ng magulang niya ang nakita ko. Marami ding pictures at malinis ang bahay.
"Araw-araw itong nililinis ng mga housekeeper dito." Hinila niya ako sa may bintana at binuksan iyon.
"Mamayang alas singko. Aantayin natin ang paglubog ng araw dito. Tara nga magsaya muna tayo at mamaya na tayo mag-usap" Ngumiti na siya at hinila ulit ako papunta sa beach.
Sumakay kami sa banana boat. Nag-surfing kami, nag motor boat at snorkling. Maganda ang dagat dito. Clear yung water at makikita mong alaga ang dagat dahil sa masagana ang mga water animals.
"Nag-enjoy ka ba?" Niyakap ko siya dahil sa sobrang kasiyahan na naramdaman ko.
"Oo. Thank you. Binigyan mo ako ng kasiyahan sa huling oras na kasama kita" Tumakbo ako palayo sa kanya at pumasok sa bahay. Nagbanlaw muna ako bago lumabas. Nakita ko siya sa may harap ng bintana.
"Maaga pa para maghintay sa paglubog ng araw" Napatingin siya sa akin at malungkot akong nginitian.
"May gusto ka pa bang gawin?" Tanong niya sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Gusto kong magluto kasama ng pinaka-mamahal kong lalaki sa mundo" Maligaya na sabi ko sa kanya. Kung ito man ang huling araw ko. Hindi ko na ipagkakait sa kanya ang tawa ko at ang kasiyahan ko.
"Syempre gusto ko din namang makasama ka sa pagluluto. Ikaw ang pinakamamahal ko! Mahal ko si Summer Kate Crane!!!" Sigaw niya habang tuwang tuwa sa may bintana.
"Tara na sa kusina!" Masaya kaming pumunta sa kusina. Inihanda namin ang lulutuin namin na shrimp.
"Ginataang Hipon para sa espesyal na tao sa buhay ko" Tinadtad niya ang luya habang ginagaya ang isang tunay na chef.
Parehas kaming masaya. Tawa kami nang tawa na parang wala ng bukas. Pinasaya niya ako. Sobrang saya ko kapag kasama ko siya.
"Masaya ako kapag kasama ka. Sana hindi na to matapos" Bigla ko na lang nasabi sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at binuhat ako.
"Saan mo ako dadalhin!?" Natatawang sabi ko sa kanya.
"Basta!" Bumaba kami sa bahay nila at pumunta sa may dagat.
"Tadan!" Natutuwang sabi niya.
"Ano to?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Beach wedding" Nakita ko sina Mama na nakaupo sa mga nakaayos na upuan kasama niya sina Ate at Bunso, at nandun din ang kanyang mga tita, sina Roy at Pamela. Paano? Pati si Lara nandito din. Nakangiti lang sa akin. Namiss ko talaga siya sobra.
"Paano nangyari 'to? Plinano mo ba 'to?" Tumango lang siya at napaiyak na ako. Bakit? Paano?
"Hindi man tayo ikakasal ng totoo sa simbahan. Kahit bata pa tayo, siguro kahit ito man lang magawa natin. Bago pa mahuli ang lahat" Iniwan niya ako at pumunta siya sa may unahan. Inalalayan naman ako ni Mama at ate at sinuutan ako ng belo.
"Ma!" Naiiyak na yumakap ako sa kanilang dalawa.
"Anak maglakad kana" Iniwan din nila ako at lumakad na ako sa aisle. Para talagang isang tunay na beach wedding. Dahan-dahan akong naglalakad papalapit sa kanya. Sinabuyan ako ng kapatid ko ng bulaklak at hanggang sa makalapit ako sa kanya. Ang pari namin ay si Roy.
"Ngayon ay masasaksihan natin ang pag-iisang dibdib nina Kier Eisen Perea at Summer Kate Crane" Hinawakan ako ng mahigpit ni Kier sa aking kamay. At ginantihan ko din ang mga hawak niya. Kahit hindi ito tunay na kasal, masaya pa rin ako. Natatakot tuloy akong mawala dahil sa lalo ko siyang minamahal bawat minuto.
***
[End of Chapter]
BINABASA MO ANG
50 Days Before Summer
RomansaWhen you hear the word SUMMER. Vacation is the first word you will think. But.... How if there is someone who makes you feel that the 50 days before summer is not actually bored? And it's really fun though? Do you wish that summer will not end? Or...