Summer's POV
Habang binabasa ko ang libro ni Lara, napapangiti ako. Hindi dahil sa binabasa kundi dahil sa paghalik niya sa akin. Ansarap ng lasa. Kakaiba. Second time ko na yun sa kanya. Kakaiba talaga ang pakiramdam.
'Gala tayo' Sunday na pala ngayon. Tumayo na ako agad at pumuntang cr. Naligo muna ako at nagsuot ng white na dress at heels na white. Nagtext kasi si Kier Aisen na gagala kami at magsisimba. Nag-spray na ako ng Cherry Flavor kong cologne.
Maarte ba? Naarte ba? Nagbabago ang mga tao. Ako nga parang bipolar eh. Hindi naman sobra pero yung mindset ko paiba-iba. Minsan 30% ang pagkaayaw ko sa love at 70% ang pagkagusto. Hindi kaya binago niya ako? Hindi kaya nabago ang pananaw ko dahil sa kanya?
"Magandang umaga po" Nagsusuklay pa lang ako ng biglang may nagsalita sa sala namin. Kilala ko ang boses na yon alam ko na sa kanya iyon. Nagmadali na ako sa pagpapaganda ko at lumabas ng kwarto
"Anak kanina ka pa dyan dalian mo na" Nasa kusina si Mama kaya hindi niya ako nakitang lumabas sa kwarto ko.
"Ang ganda mo naman" Namula ang mga pisngi ko dahil sa complement niya. Ang gwapo niya rin sa suot niya. Black na cardigan at jeans na tinernuhan niya ng rubber shoes.
"Ma, alis na kami" Humalik muna sa pisngi ko si Mama bago kami lumabas ng bahay.
"Buti ka pa ang sweet ng Mama mo sayo" Napatingin ako dahil sa tagal na naming naglalakad palabas ng kanto ngayon lang may umimik sa aming dalawa.
"Oo, sweet nga si Mama hanggang sa puntong pati mga kapatid ko naiinggit na sa akin" Hinawakan niya ang kamay ko at pumara siya ng sasakyan.
May tumigil na taxi at pinasakay niya ako. Inayos ko ang upo ko at pumasok na din siya.
"Bakit naman sila naiinggit sayo?" Pagbabalik niya sa naputol naming usapan.
"Ewan ko. Siguro dahil mas pinapakita ni Mama na ako yung favorite niya" Nginitian niya ako at hindi na umimik.
Nakarating kami sa SM ng alas nuwebe ng umaga. Nag-ikot-ikot muna kami."Tara dun!" Pumasok kami sa isang store ng damit
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko naman sa kanya.
"Mamili ka at sukatin mo dali" May lumapit sa aming saleslady.
"Sir ano pong kailangan? Damit po ba ng inyong girlfriend?" Namula ako sa salitang girlfriend nung saleslady. Ano ba naman? Hindi yung totoo upakan kita! Anong girlfriend? Kahit nga friends wala kaming dalawa. Ano ko nga ba siya?
"Ano pong gusto niyo dress? Pants? Underwear? Perfume?" Pag-aalok sa amin nung saleslady.
"Ipili mo siya ng magandang damit at ipasukat mo sa kanyang lahat" Ngumiti lang yung saleslady at kumindat bago ako hilahin.
"Anlandi!" Pagpaparinig ko sa kanya. Hindi naman ako pinansin nung saleslady at nagturo ng kung anu-anong damit sa akin.
"Isukat mo na Ma'am" Itinulak niya ako sa dressing room at sinukat ko ang binigay niya sa aking peach na dress na may floral na designs. Hubog na hubog ang may katabaan kong katawan. Hindi kasi ako payat pero hindi din chubby o mataba. Katamtaman lang. Lumabas ako habang namumula dahil sa kahihiyan.
"Wow! Ang ganda mo" Tumayo si Kier sa kinauupuan niya at inikutan ako.
"You're so beautiful" Napayuko ako dahil namula ako sa sinabi niya. Para siyang praning dahil ngumiti pa siya. Nakakahiya talaga.
"Kukuhanin niyo po?" Nawala na yung romantic moment dahil sumingit yung malanding saleslady.
"Hindi. Itatapon namin pwede?!" Pagsusungit ko sa kanya. Napasimangot na lang siya at pumunta sa cashier. Lumabas na kami dun sa store.
BINABASA MO ANG
50 Days Before Summer
RomanceWhen you hear the word SUMMER. Vacation is the first word you will think. But.... How if there is someone who makes you feel that the 50 days before summer is not actually bored? And it's really fun though? Do you wish that summer will not end? Or...