Summer's POV
"Aray! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan! Flirt!" Masakit. Hindi dahil sa nasugatan ako sa braso. Hindi sa napahiga ako. Kundi dahil sa sinabi ng bestfriend ko. Hindi ko na napigilan at bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ko. Nilampasan na lang niya ako habang ako ay nakaupo dito sa may pathway.
"Anong nangyari sayo?" Ilang minuto ng nakaalis si Lara bago bumalik si Kier dito sa pathway.
"Bakit ka naiyak?" Hinawakan niya ang kamay ko na may sugat. Hindi ko ramdam ang sakit. Iba kasi ang masakit sa akin. Ansakit lang sa damdamin na sabihan ka ng bestfriend mo ng Flirt kahit alam naman niya na sa tagal ng pinagsamahan namin ay hindi ko yun ginawa.
"Tahan na konting gasgas lang naman yan. Hini ka na bata para iyakan mo yan. At wh kang umiyak dahil walang lalabas na tren dyan" Inalalayan niya akong tumayo at umalis na kami. Pumara na siya ng taxi at sumakay kami.
Kinakausap niya ako pero hindi ako nakikinig. Isa lang ang naglalaro sa isipan ko, may gusto siya kay Kier kaya niya ginawa sa akin yun.
"Hindi ka naman nakikinig eh" Nginitian ko na lang siya ng konti at umiwas ulit ng tingin.
"Ano ba talagang nangyari?" Humarap ako sa kanya at nagseryoso ako.
"S-Si Lara ang nakabangga sa akin... t-tapos... tapos... sinabihan niya ako ng malandi" Napaiyak na ako sa kanya. Niyapos niya ako habang umiiyak ako sa dibdib niya. Pinapatahan na niya ako pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang tumahan. Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.
"Para kang bata. Hayaan mo na siya. Alam mo naman sa sarili mo na hindi yun totoo di ba?" Humarap ako sa kanya at pinunasan niya ang luha ko.
"Ansakit lang kasi simula grade school classmate ko na siya. Wala nga akong crush kahit isa eh. Ngayon na lang highschool" Ngumiti naman siya. Masaya pa siguro ang luko na nasasaktan ako.
"Sino yung crush mo?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya at namula ang mga pisngi ko. Buti na lang at kahit makita niya iyon ay hindi niya iisipin na nagblush ako.
"W-wala" Natahimik na lang siya sa byahe at humarap sa tapat ng bintana na malapit sa kanya.
"Kamusta na kayong dalawa?" Napaharap ako dahil binuksan bigla nung driver yung radio. May caller ata sa isang station.
"Ayos naman po kami. Ang ganda nga po ng simula naming dalawa, yun bang kahit hindi kami magkakilala, parang unang tingin pa lang namin alam ko na kami talaga" Napatawa naman ako doon sa sinabi noong babae na iniiterview nung DJ.
"Ano ka manghuhula?" Natatawang sabi nung DJ.
"Hindi po sa ganun. Kung naniniwala kang magtatagal kayo at siya na talaga. Siya na yun. Kung sino ang pinili ng puso siya na ang panghabambuhay" Hindi ako makarelate. Walang kwenta yung sinabing yun. Maya-maya lamang ay nakarating na kami sa bahay nina Kier.
White yung gate. May garden sila at pool tas may daanan sa gitna at sa kanan naman ay garage. Ang ganda ng pinto nila color white din. Pagpasok ko sa loob halos mabulag ako sa kulay ng chandelier. Tingin lang ako nang tingin ng biglang nahagip ng mata ko ang isang babaeng nakatayo sa hagdan. Para siyang Tita nung bidang lalaki. Ganun ang suot. Nakasalamin din at ang buhok ay nakataas din. Strikto yung mukha niya kaya nakakatakot.
"Bakit ka late na umuwi? At sino siya?" Yung boses niya talagang istrikto.
"Ma, siya ay..." Naputol siya ng pagsasalita ng bigla ulit magsalita ang Mama niya.
"Wala akong pakialam. Pasok sa kwarto at ikaw umuwi ka na." Napatayo sa pagkakaupo si Kier sa white nilang sofa na pang isang kama na din. Tapos fur ata ng bear ang ginamit.
"Ma, wag naman po kayong ganyan" Hinawakan niya ako sa kamay at tumakbo kami sa kwarto niya. Nasa baba lang ang kwarto niya kaya hindi na kami napigilan pa ng Mama niya.
Tinitigan ko lang ang kwarto niya. Habang inaayos niya ang kama niya at iba pa niyang gamit.
"Pasensiya ka na ha?" Tumayo naman ako sa pagkakaupo at tinulungan siya sa pag-aayos ng gamit niya.
"Naiintindihan kita. Man is always a man" Tumawa kaming parehas. Hindi pantay yung cover ng kama niya kaya pinantay ko. Bigla namang may nahagip ang mata ko kaya kinuha ko yung tela na nasa ilalim ng kama niya. Pumasok siya sa cr na nasa loob din mismo ng kwarto niya at napasigaw ako ng makita ko kung ano ang hinawakan ko.
"Yuck!!!" Naihagis ko ang black na bench underwear ni Kier. Kadiri. Ngayon ko lang narealize na yun pala ang hinawakan ko. Lumabas naman agad siya sa cr at napakamot sa ulo habang namumula.
"P-pasensya ka na ha? K-kasi nakalimutan ko" Kinuha naman niya agad yung underwear at pumasok sa cr. Umupo na lang ako sa upuan at inintay siya dahil nagbibihis siya. Lumabas siya ng may dalang medicine kit at lumapit sa akin.
"Masakit pa ba?" Umiling ako at tumingin sa gasgas at sugat ko sa braso ko.
"Akin na nga" Kinuha niya ang kamay ko at dahan-dahang pinunasan ng betadine. Napapikit naman ako dahil bigla itong sumakit.
"When your legs don't work like they used to before....." Nagulat ako dahil kumanta siya. Ang ganda ng boses niya, malamig na nakaka-inlove? Hindi pala. Nakakadala lang.
"And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love?
Will your eyes still smile from your cheeks?...." Namula ako dahil feeling ko hinaharana niya ako. Pwe! Hindi pala kumakanta nga lang siya. Pero para saan? Para kanino? Ano kayang pamagat nung kantang yun? Ang ganda kasing pakinggan."And, darling, I will be loving you 'til we're 70
And, baby, my heart could still fall as hard at 23
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Well, me-I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am...."Nakatingin lang ako habang kumakanta siya. Pinagmamasdan ko ang ilong niya, ang labi, ang babyface niyang mukha. Ang mala gwapong adonis na anghel niyang mukha ay nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.
"So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
That maybe we found love right where we are"Tumingin siya sa akin at hindi na ako nakaiwas ng tingin.
"May dumi ba sa mukha ko?" Natauhan ako dahil sa pagtaanong niya. Umiwas na lang ako ng tingin dahil namumula na naman ako.
"W-wala" Kinakabahang sabi ko.
Naramdaman ko na lamang na hinawakan niya ang pisngi ko at iniharap sa kanya. Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi ko. Nakatingin lang ako sa kulay brown niyang mata at sa ilong niya hanggang sa labi niya na papalapit na ng papalapit sa akin.
"I Love You" Napapikit na lang ako at nakaramdam ng parang may dumampi sa labi ko. Hindi matigas kundi malambot. Malambot at mapupulang labi niya.
****Vote. Comment. Share.
Dedication wala:) Haha. Wala pa.
BINABASA MO ANG
50 Days Before Summer
RomanceWhen you hear the word SUMMER. Vacation is the first word you will think. But.... How if there is someone who makes you feel that the 50 days before summer is not actually bored? And it's really fun though? Do you wish that summer will not end? Or...