Summer's POV
Binabasa ko pa rin ang diary niya ngayon. Paulit-ulit. Hindi na nga ako nakatulog dahil hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin ang gagawin ko.
'Sagutin mo muna ang tanong: Mahal mo pa rin ba siya?' Kanina ko pang pinag iisipan ang tanong na isinulat ko sa papel. Isang tanong pero ang hirap sagutin. Do i still love him? Or not? Mahal ko pa nga ba siya? Isang tanong lang naman di ba? Para makagawa na ako ng plano.
"Bakit ba ang hirap nito sagutin?" Napasubsub na lang ako sa study table ko.
"Naguguluhan ka?" Napatingin ako sa nasa likod ko. Si ate lang pala.
"Ate, ginulat mo ako ah! Teka, gabi na bakit ka ba nandito at paano ka nakapasok?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"Dahan-dahan naman! Mahina ang kalaban! One question at a time lang po please" Mapang-asar na sabi niya.
"Whatever!?" Sabay irap na sabi ko sa kanya.
"Hindi ka na mabiro ah? Kamusta ang plano?" Nakangising sabi niya sa akin. Kumuha siya ng upuan at tumabi sa akin.
"Not fine. Ito nga o! Nag iisip kung itutuloy pa. Ate, paano ko ba malalaman na mahal ko pa siya?" Nginitian niya lang ako at hinawakan sa kamay.
"Mahal mo pa siya. Nagbago ka na ulit. Bumabalik na ulit yung dating ikaw. Parang wala ka ngang nakakatakot na sakit e! Pero kung talagang gusto mong malaman, wag ka munang makipagkita sa kanya at pag hinahanap mo siya. Yun ang sagot, siguradong mahal mo pa siya" Tumayo na si Ate at iniwan akong nakatingin sa kawalan. Kailangan ko bang gawin yun? Paano kung mahal ko pa siya? Mamatay na nga ako di ba? Huli na ang lahat kung ganun.
"Bahala na nga" Natulog na ako at pinagpabukas na lang ang mga plano ko.
***"Anak, bumangon ka na" Dahan-dahan akong bumangon dahil sa inaantok pa ako. Sumandal muna ako sa bedrest ko at pumikit sandali.
"Summer! Dalian mo naman!" Nagmulat ako ng mata at bumangon na. Nagulat ako sa nakita ko. Puro red roses ang sahig.
"Ate ano naman ito?!" Lumabas ako at nakita ko si Kier na nakasuot ng black tuxedo. Masyadong formal.
"A-anong meron?" Kinutaban na ako. Parang naiintindihan ko na ang mga nangyayari, ikakasal ba kami? Pero bata pa ako.
"Maligo ka na. Male-late na tayo sa pupuntahan natin" Tumango naman si Mama at nkangiti si Ate. Kaya naligo na lang ako. Baka naman sa kasal ng kamag-anak niya ang pupuntahan namin. Ang stvpid ko talaga minsan!
"Teka, ito ang suotin mo" Pumasok si Ate na may dalang mahabang box. Kinuha ko ito sa kanya at binuksan.
"Ano 'to? Cocktail dress? Para saan?" Ngumiti lang si Ate at iniwan akong nagtataka.
Ano bang nangyayari dito? Ngayon ba ang araw ng kamatayan ko? Sinusundo na ba ako? Panaginip lang ba lahat ng ito? Sinuot ko na ito at humarap ako sa salamin. Masyadong simple. Nag-make up na rin ako at binraid ko ang buhok ko. Lumabas na ako at nagulat ata sila sa akin. Ganun na ba talaga ako kasama?
"Bakit?" Naka-kunot noo kong sabi.
"Ah, kasi, you're so beautiful" Namula naman ako buti na lang may blush on ako. Kung wala siguradong kitang-kita ang pamumula ng pisngi ko.
"Anak ang ganda mo" Nakangiting sabi ni Mama. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. At pagkatapos ng yakapan, iniabot naman niya ang kamay ko kay Kier.
"Tara na?" Biglang nalungkot siya. Kanina lang nakangiti tapos ngayon? Mga lalaki nga naman.
"Saan ba tayo pupunta?" Hindi niya ako pinansin at hinila niya lang ako papasok sa sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
50 Days Before Summer
RomansaWhen you hear the word SUMMER. Vacation is the first word you will think. But.... How if there is someone who makes you feel that the 50 days before summer is not actually bored? And it's really fun though? Do you wish that summer will not end? Or...