Summer's POV
48 Days na lang at malapit na talagang mag-summer. Nakahiga ako ngayon sa isang hospital bed na amoy gamot. Naka hospital suit din ako. Anong nangyari?
"Kamusta ka na?" Lumapit sa akin si Lara. Nakasuot siya ng jacket, jeans at boots.
"A-ayos lang ahh" Napahawak ako sa noo ko dahil sa sobrang sakit.
"Wag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kayang umupo" Malungkot ang mga mata niya. Nakikita ko yun sa ilalim ng mga salamin niya.
"A-anong nangyari sa akin?" Kumuha siya ng upuan at tumabi sa akin. Kinuha niya rin ang bag niya at may inilabas na bagay doon.
"Oh ito" Biglang nagliwanag ang mukha ko dahil dala niya ang cellphone ko.
"Thank you" Masayang sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin bilang tugon.
"Alam mo bang bawal ka pang mag cellphone. Baka daw kasi lalo kang mahilo kapag nag-cellphone ka." Binuksan ko ma agad ang inbox ng phone ko at tadtad ito ng puro Kamusta ka? Galing sa mga classmates ko.
"Salamat talaga" Masayang sabi ko sa kanya.
"Inaayos na ngayon ng mga pulis kung ano ba ang dahilan ng pamamato sa bahay niyo" Pulis? Anong nangyari sa akin?
"Pulis? A-anong meron? Na rape ba ako? Na holdap? Ano?" Hinawakan niya ako sa noo at hinaplos ito. Nakaramdam ako ng sakit sa paghawak niya.
"Tinamaan ka ng bato na hindi pa alam kung sino ang gumawa. Muntik ng mabasag ang bungo mo na muntik ng maglagay sayo sa panganib. Buti daw matigas ang ulo mo Best. Kung nawala ka hindi ko kakayanin" Malungkot na sabi niya sa akin. Napapikit na lang ako sa sinabi niya at taimtim na nagpasalamat sa panginoon.
"Ang mahalaga Lara ayos na ako. Tama na ang kadramahan. Kasiyahan na lang ulit" Tumawa ako ng pilit at tumawa rin si Lara.
"Kinopya na nga pala kita ng notes. Ayan na din ang activities at ito ang project mo" Inabot sa akin lahat ni Lara ang mga ginawa niya para sa akin.
"Ikaw talaga. Salamat" Ibinaba ko muna ang mga iyon sa malapit na lamesa at niyakap ko siya.
"Ikaw pa. Mahal na mahal kaya kita" Tumawa kami parehas dahil sa kalokuhan namin.
Nag-kwentuhan kami ng mga nangyari sa kanya sa school at kung ano-anu pa. Basta ang alam ko sobrang saya namin ngayon.
****
"Anak" Niyakap ako ni Mama at tinawanan ko lang siya habang umiiyak.
"Ma, ayaw ko ng umiiyak alam niyo yan" Humarap sa akin si Mama at sinubukan niyang tumawa.
"Ikaw kasi eh" Hinawakan ko ang mata niya. Pinunasan ko ang luha ng Mama ko na para bang ako ang ina niya.
"Ma, wag ka na umiyak. Wag mo ng alamin kung sino ang gumawa nun ang mahalaga po buhay ako" Tumango na lang si Mama at pinunasan ko ang mga luha niya.
"May bisita ka nga pala. Kanina pa siyang alas tres diyan" Nagtataka ako kung sino iyon dahil alam ko naman na si Lara lang ang bibisita sa akin, maliban na lamang kung teacher namin siya.
"Ma? Sino daw siya?" Umupo ako at inalalayan ako ni Mama.
"Kier daw ang pangalan niya" Kier? Who is he? Bakit niya ako binisita? Bakit ako may bisitang hindi ko kilala.
"Ma sabihin niyo nga po na umalis na siya dahil hindi ko siya kilala" Hindi kaya.
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil baka yung lalaking nabalian ng paa yun. Baka yung inaway ko nung isang araw.
"Sige" Tumayo na si Mama at huminga ako ng malalim. Baka siya ngayon. Lagot ako sigurado.
"Pasabi po sa kanya hindi ko siya sasaktan" Narinig kong sabi nung lalaki sa labas ng pinto. Hindi ko siya makita dahil sa hindi ako makagalaw. Nasa labas siya ng kwarto ko dahil kita ko naman ang anino niya sa pader nasa pinakadulo atang room yung akin kaya pader na ang kasunod.
"Sige na pumasok ka na" Nagpasalamat yung lalaki at pumasok sa loob.
Napataas ang kilay ko at pumasok na si Kier. Siya pala yung lalaking cute na nasa hagdan.
"B-bakit?" Nauutal na tanong ko. Naguguluhan ako kaya yan lang ang nasabi ko sa kanya.
"Kung maguguluhan ka kung bakit kita dinalaw, nabalitaan ko lang kasi na naaksidente ka. Kaya ito oh" Lumapit siya sa akin at iniabot ang bulaklak na nasa likod niya.
Hindi ko agad iyon tinanggap dahil naguguluhan pa rin ako sa kanya. Atsaka hindi ko pa siya kilala.
"S-salamat" Inabot ko ang bulaklak at iniiwas ang tingin sa kanya. First time kasing may dumalaw sa akin na ibang tao. At higit sa lahat lalaki pa.
"Ahm" Napatingin ako sa kanya dahil kanina pa pala siyang nakatayo.
"Maupo ka" Awkward na sabi ko sa kanya.
Agad niyang kinuha ang upuan at itinabi sa gilid ng kama. Ngumiti siya sa akin at ganun din ang ginawa ko.
"I'm Kier Aisen Perea. 4th year na ako. 16 yrs. old at ako yung lalaking nasa hagdan na nakita mo." Iniabot niya yung kamay niya at inabot ko naman iyon ng may pag aalinlangan.
"B-bakit ka naparito?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Gusto ko sanang..." Napataas naman ako ng kilay dahil sa pambibitin niya.
"Na?" Sabi ko sa kanya. Inialis niya ang tingin niya sa akin. At pinaikot niya ang mga mata niya dun sa bulaklak na dala niya kanina.
"Gusto ko sanang mahingi ang number mo." Number? Dahil lang sa pesteng number yan kaya niya ako dinalaw?
"Umalis ka na!" Inihagis ko ang bulaklak na dala niya at napatayo siya sa ginawa ko.
"B-bakit? May nasabi ba akong masama?" Wala naman siyang nasabi ah? Ano bang problema Summer?
"W-wala. A-akala ko kasi m-manliligaw ka!" Napangiti siya sa sinabi ko. Nakakalokong ngiti na lalong nagpa gwapo sa kanya.
"Pano pag sinabi kong..." Ayan na naman siya sa pambibitin niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Gusto kita...." Napaharap ulit ako sa kanya ng may namumulang pisngi. Gusto? Agad-agad?
"Gusto kitang magpatawa. Ang ganda kasi ng sense of humor mo" Nag-init ang ulo ko at naibato ko na lang ang unan ko.
"Lumayas ka na! Bwiset!" Umalis na siya kasama ang bulaklak niya at maya-maya lamang ay pumasok na ang Mama ko. Nakangiti siya habang ako nakasimangot. Wala naman siyang ginawang masama ah? Nahihiya lang siguro ako dahil nag-assume ako na gusto niya ako.
"Anak, bakit mo naman binasted yung pogi mong manliligaw?" Namula naman ako dahil sa word na manliligaw. Kung alam niyo lang.
"Ma, napahiya ako!" Nakaismid na sabi ko.
"A-anong napahiya?" Umiwas ako ng tingin sa kanya at naramdaman ko na lamang na hinawakan niya ako sa kamay.
"Anong ibig mong sabihin anak?" Humarap ako sa kanya ng may malungkot na mata at binawi ang kamay ko.
"Ma, hindi niya ako gusto. Hindi siya manliligaw. Pumunta lang siya dito dahil napanuod niya akong makipag away at natutuwa siya sa akin. Hanggang doon lang atsaka hinihingi niya po ang number ko" Pinaglaruan ko ang mga namamawis na kamay ko bago ako humarap kay Mama.
"Anak, hindi nakakahiya yun. Tinanong mo lang siya. Atsaka wag kang mag-alala binigay ko na ang number mo sa kanya" Ano daw? Ano bang nangyayari sa akin? Ang nararamdaman ko ay iba sa mga sinasabi ko. Parang gusto ko siyang makatext pero sinabi ko na galit ako sa kanya. Just accept it guys. This is me. The pretty me.
*****Guys sorry kung pa palit palit ng mood.
Hindi ko na siya inedit kaya pagpasensiyahan niyo na.
Comment. Vote. Share.
Dedicated to Ms.MC_ACRES tnx sa votes
BINABASA MO ANG
50 Days Before Summer
RomanceWhen you hear the word SUMMER. Vacation is the first word you will think. But.... How if there is someone who makes you feel that the 50 days before summer is not actually bored? And it's really fun though? Do you wish that summer will not end? Or...