"Lara Pov"
Maaga kami gumising tatlo ngayon ang araw ng pagsubok sa amin ng hari. napaghandaan naman namin ito kaya sigurado ako na makakapasa kaming tatlo.
Kapatid kinakabahan ako "Sabi ni Kaito.
Haha kung sino pa lalaki siya pa duwag haha "Pangaasar ni Ti Seo kay kaito na may patapik-tapik pa sa balikad nito.
Hindi ako duwag kinakabahan lang ako at isa pa hindi naman ikaw ang kausap ko kundi si la-- cold eyes "Sabi nito napatingin kami pareho sa likod buti na lang walang tao napahawak naman sa bibig si kaito.
Patawad hehe "Sabi ni kaito inirapan ko na lang ito at di na nagsalita.
Ang sunget talaga"Bulong ni Ti Seo tumingin ako sa kanya lumingon naman siya sa ibang direskyon.
May sinasabi ka? "Tanong ko sa kanya.
May narinig ka? "Balik tanong niya sa akin.
Meron "Sagot ko.
Ano narinig mo? "Tanong niya ulit.
Hindi ko nga naintindihan kaya nga tinatanong kita kung may sinasabi ka "Mataray na sabi ko sa kanya.
Wala akong sinasabi na nahimik ako dito "Depensa ni Ti Seo nailing na lang ako sa kanya.
Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad maya-maya may isang kawal na lumapit sa amin.
Sumunod kayo sa akin ihahatid ko kaya sa Arena "Sabi nito tumango na lang kaming tatlo at sinundan siya. Pagdating namin sa Arena ay marami ng kawal sa palagid hindi ko inaasahan na ganito pala karami ang mga manunuod sa amin. Napatingin kami sa gitna may mga kahoy na hiwahiwalay at may mga lubid din sa taas sa baba naman ay may putik. mukhang kapag nahulog ka sa putikan ang bagsak mo. Sa dulo may malaking Pader ano kaya ito.
Lara mukhang hindi lang tayo ang nasa pagsubok tingnan mo "Bulong sa akin ni Kaito napatingin naman ako sa kaliwa ko.
Mukhang mahihirapan tayo kalabanin sila "Sabi ni kaito.
Hindi pa naman natin alam kung ano ang mga patakaran kung lalabanan natin sila para lang makatawid sa dulo o sariling diskarte para lang makatawid sa kabila "Sabi ko sa kanya.
Ang totoo nyan lara kalaban natin talaga sila ang palarong ito ay matira matibay hindi ko alam kung ilang tao ang makakapasa sa pagsubok na ito "Bulong ni Ti Seo.
Ganun tama si kaito "Bulong ko sa kanya tumango-tango naman siya. natigil lang ang aming paguusap ng may magsalita na.
Magandang umaga sa inyong lahat "Hindi ko kilala kung sino ang nagsasalita basta lalaki siya at malaki ang pangangatawan.
Ngayon uumpisahan na natin ang paligtasan kung saan kailangan niyo makatawid sa dulo pagdating doon kailangan niyo panain ang mansanas kapag tumama ito pasok na kayo sa susunod na pagsubok. Ang sampong tao na mauuna ay sila lang ang papasok sa susunod na pagsubok at ou nga pala muntik ko na makalimutan kahit ano pwede niyong gawin kung magkakasakitan kayo walang problema basta ang kailangan niyo lang ay makapasa galingan niyong lahat "Sabi pa nito.
Ayos hahahahaha "Tawa ng aming kalaban.
Mga totoy sa tingin niyo uubra kayo sa amin "Sabi ng balbas sarado.
BINABASA MO ANG
Legendary Princess
Historical FictionNoong unang panahon pinapaniwalaan ang unang anak na babae ng Hari at Reyna kapag nagkaroon ng marka na hugis bituin ay siya ang tinatawag na Legendary Princess. Ang Legendary Princess ay nagtataglay ng lakas,bilis at talino sa kahit anong pakikipag...