"Lara Pov"
Isang linggo na ang nakakalipas ng dumating si Prinsesa Althea at Gwen dito sa lugar na ito at nagiba rin ang pakikitungo sa akin ni Ti Seo minsan tinatanong ko siya kung galit ba siya sa akin at ano ang ginawa kong kasalanan wala kasi akong matandaan na ginawa kong kasalanan katulad ngayon.
Ano ba yan lara hindi ko alam yang mga tinatanong mo samahan mo muna yang prinsesa mo at doon ka sa kanya magtanong "Sunget na sabi niya.
Para nagtatanong lang ganyan ka pa bahala ka sa buhay mo hmmmmp "Sabi ko sa kanya sabay alis.
Pinuntahan ko na lang si kaito na nagsisibak.
Oh bakit nakabusangot ka dyan inaway ka na naman ba ni Ti seo? "Tanong ni kaito.
Ewan ko ba doon Akala mo laging may dalaw "Sabi ko kay kaito.
Hahaha ganyan talaga kapag nagseselos "Sabi ni kaito napakunot naman ako sa sinabi niya.
Selos? Bakit naman siya magseselos? "Tanong ko kay kaito.
Tsk tsk tsk lara lara akala ko pa naman matalino ka may pagkamanhid ka pala hahahaha "Asar sa akin ni Kaito.
Eh kung basagin ko yang pagmumukha mo ng magmanhid yan "Pinandilatan ko siya ng mata at itinaas ko ang aking kamao.
Hehehe ito naman hindi mabiro puntahan mo muna si Gwen at prinsesa Althea doon baka nahihirapan na manghuli ng isda at hanggang ngayon ay wala pa sila "Sabi ni kaito at pinagpatuloy ang pagsisibak.
Iniwan ko na si kaito at pinuntahan ko na lang si Prinsesa Althea at Gwen habang naglalakad ako pababa sa bundok may nakita akong mga kawal ng seirin papunta sa bahay namin dali-dali akong bumalik at pinuntahan si kaito.
Kaito "Tawag ko kay kaito.
Bakit? "Sigaw nito sa akin lumapit ako sa kanya.
Makinig ka papunta na ang mga kawal ng seirin dito kailangan mo masabihan si Ti Seo tapos magtago ka " Bilin ko sa kanya aalis na sana ako ng pigilan niya ako.
Eh ikaw san punta mo? "Tanong ni kaito.
Pupuntahan ko si Prinsesa Althea at Gwen kailangan nila malaman "Sabi ko sa kanya.
Sige kapatid magiingat ka ah "Bilin nito sa akin.
Ou kayo rin babalik na lang kami kapag nakalayo layo na sila sa ngayon kailangan na muna namin magtago ikaw na muna bahala kay Ti Seo "Sabi ko sa kanya.
Ou ako na ang bahala "Sabi nito sa akin.
Agad naman ako bumaba sa bundok kaso sa iba ako dumaan medyo malayo lang ito sa ilog pero mas mabuti na ito para hindi nila ako harangin o makita manlang. Mahigit isang oras din akong naglalakad papunta sa ilog ng makita ko ang dalawa. Lumapit ako agad sa kanila. Nakita naman agad ako ni Gwen kumaway ito sa akin lumingon naman ang prinsesa.
Dug.. dug... Dug.. dug...
Bigla akong napahawak sa aking dibdib
Bakit biglang tumibok ang puso ko ng mabilis? "Tanong ko sa aking sarili
Ayos ka lang ba Lara? "Bigla akong napalingon sa nagsalita ang Prinsesa pala biglang namula ang aking mukha.
May sakit kaba? "Tanong nito sa akin hahawakan na sana niya ang aking noo ng pigilan ko siya.
W-wala "Sagot ko.
Nga pala kaya pala ako nandito kasi papunta na ang mga kawal ng seirin sa bahay ni Ti Seo kailangan na muna natin magtago or makalayo layo dito "Masamang balita ko sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Legendary Princess
Historical FictionNoong unang panahon pinapaniwalaan ang unang anak na babae ng Hari at Reyna kapag nagkaroon ng marka na hugis bituin ay siya ang tinatawag na Legendary Princess. Ang Legendary Princess ay nagtataglay ng lakas,bilis at talino sa kahit anong pakikipag...
