Chapter 27 Pagalis sa palasyo

13 2 0
                                    

"Lara Pov"

Nandito ako ngayon sa kulungan limang araw na walang kain puro tubig lang ang binibigay sa akin simula ng parusahan ako ng hari.

Ama,yie patawarin niyo po ako hindi ko natupad ang pangako ko sa inyo na pagbabayaran ko siya sa mga ginawa niya pero wag po kayong magalala nahanap ko siya dito sa palasyo at ang masakit pa yung babaeng pinaka mamahal mo ang may gawa non ama ang babaeng ni minsan ay hindi ko nakilala ang aking ina. "Umiiyak na sabi ko. 

Hindi nagtagal ay kumalma na ako at hinihintay ang pagpaparusa sa akin maya-maya dumating na si Tiger para kunin ako.

Cold Eyes hindi ko alam kung bakit mo yun ginawa pinagkatiwalaan ka ng hari at Reyna bakit mo yun ginawa anong dahilan mo? "Tanong ni Tiger sa akin. Hindi ako nagsalita wala rin saysay kung magpapaliwanag pa ako sa kanya.

Dumating kami sa Arena kung saan kami sumali sa paligsahan nandito ang lahat nagulat ako ng makita ko si Ti Seo at Kaito na parehong nakagapos ang kamay si kaito ang bugbog sarado samantalagang si Ti Seo may mga pasa pa rin sa mukha. Binitawan na ako ni Tiger kaya napaluhod ako ginapos ng mga kawal ang magkabilang kamay ko.

Ngayon kumpleto na ang lahat para sa mamamayan ng Sierin hinding hindi ko pinahihintulutan ang panggugulo sa aking palasyo o kahit sinong mananakit sa mga nasasakupan ko ay may parusang haharapin "Panimula ng hari.

Tapusin, tapusin "Rinig ko ang sigaw ng tao.

At ang parusang ipapataw ko ilatigo sila hangga't gusto ko "Sabi ng hari at naghiyawan naman ang mga tao.

ILabas ang latigo

ILabas, ILabas

Mabuti nga sa inyo yan

Parusan ang mga yan

Mga dayo dapat hindi kayo pinagkatiwalaan ng hari

Yan ang mga sigaw ng mga tao na naririnig ko maya maya narinig ko ang tunog ng panghampas ng latigo.

Yeeeeeeeeeaaaaaaahhhhhhhhh

Aaaaaaahhhhhhhhhhhhh

Rinig ko ang sigawan ng mga tao.

Aaahhhh "Sabay sabay na sigaw namin tatlo.

Kaito

Ti Seo

Patawad kasalanan ko ang lahat ng ito.

Patuloy lang kaming pinaglalatigo ng mga kawal. Pinipigilan ko ang sarili ko na wag magalit alam ko na kapag nagalit ako hindi ko na to mapipigilan.

Aaahhh "Malakas na sigaw ni Ti Seo nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha hirap na hirap na siya.

Kasalanan ko ito

Ahhhhhh "Sigaw ni Kaito.

L-lara, k-ka-pa-tid "Ang huling sinabi nila bago ito nawalan ng malay.

Kaito,Seo "Sigaw ko ngunit hindi sila nagsasalita at patuloy pa rin sila nilalatigo.

T-tama na, TAMA NA "Sigaw ko napahinto ang mga kawal sa sigaw ko.

Bakit kayo tumigil ituloy niyo lang yan "Sigaw ng hari.

Hahampasin na sana niya ako ng may nagsalita.

Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon