Chapter 21

18 6 0
                                        

"Ti Seo Pov"

Nang mahuli ako akala ko ay katapusan ko na ngunit ng makita ko muli si Lara sobrang saya ko. nakaramdam ako ng kirot ng malaman ko na nagalala siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang epekto sa akin ni lara pakiramdam ko sa oras na ito ligtas ako kapag siya ang kasama ko.

Habang kami ay papalabas ng village ng magpaulan ng pana ang mga kalaban hindi ko alam kung kakampi ba sila o hindi. narinig ko pang sumigaw si lara paglingon ko wala na siya. tatakbo na sana ako sa loob ng makita yung bata na nakadapa iyak ito ng iyak habang papalapit ako. Nang makuha ko siya dali dali akong tumakbo papunta sa kabilang bahay nagtago kami doon. hingal na hingal pa nga ako.

Inay "Sigaw ng batang babae napalingon naman ako dito at pati na rin sa babaeng umiiyak na nakaupo sa kabilang gilid.

Anak "Tumayo ito at lumapit sa amin bumitak yung bata sa akin at tumayo ito napaluhod naman ang kanyang ina.

Anak ayos ka lang ba nasaktan kaba? "Tanong ng kanyang ina.

Ayos lang po ako inay iniligtas niya po ako "Masiglang sabi ng batang babae sabay turo sa akin. tumingin naman ito sa akin yumuko ito sa akin tanda ng paggalang.

Maraming salamat iho dahil sayo ligtas ang aking anak "Sabi ng kanyang ina.

Walang ano man po tara na at kailangan na natin umalis "Sabi ko sa kanila.

SEO "Napalingon ako sa taong tumawag sa akin si Lara pala.

Bakit ba lagi mo akong pinagaalala ah "Kita ko sa kanyang mga mata na ito ay nagaalala.

Pasensya kana tinulungan ko kasi ang batang ito kanina "Sabi ko kay lara napakamot na lang ako sa aking batok.

Bakit parang kakaiba itong aking nararamdaman kay lara.

Ganun ba "Sabi nito napaka amo talaga ng kanyang mukha.

Nasaan na yung lara na kilala ko na hindi mo mababasahan ng kanyang emosyon.

Ou "Sagot ko.

Halika na at baka marami pang mga kawal sa paligid na nakatakas maaari nila tayong balikan "Sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya sa akin.

Halika na kayo sumunod kayo sa akin dadalhin ko kayo sa palasyo doon ay ligtas kayo "Napalingon naman ako sa sumigaw si Kaito pala.

Habang kami ay naglalakad may narinig kaming malakas na pagsabog. lahat kami ay napalingon sa lugar kung saan may pagsabog ang bayan ng Hiroshima village marami rin ang nagiiyakan kahit ako maiiyak kung yan ang kinalakihan kong bayan.

Wala tayong magagawa sa ngayon pero wag kayong magaalala makakabangon rin tayo sa ngayon kailangan na muna natin iligtas ang ating mga anak at pamilya "Sigaw ng Hari.

Tama ang hari aanhin niyo ang bayan kung mawawala naman ang inyong mahal sa buhay "Dugtong na sigaw rin ni kaito.

Tara na at baka maabutan pa nila tayo malayo layo rin ang ating lalakarin pero wag kayong mag-aalala dahil may naghihintay sa atin sa kabilang bundok "Sigaw ko sa kanila upang marinig nila akong lahat.

Nagpatuloy na kami sa aming paglalakad mga ilang oras din bago namin narating ang kabilang bundok tulad ng sabi ko sa kanila may mga naghihintay sa amin doon ngunit kalahati lang sila. Tinanong ko ang aming kasamahan kung bakit kaunti na lang sila.

Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon