Chapter 25

10 2 0
                                    

"Ti Seo Pov"

Anong pinaguusapan niyong dalawa dyan?.

Si Gwen pala..

Ah tungkol sa laban kanina "Sagot ko kay Gwen.

Buti buhay ka pa kapre "Pangaasar ni Gwen kay kaito.

Mabuti nga na buhay ako panigurado wala ng magandang lalaki na matitira dito sa Sierin "Pagmamayabang ni Kaito.

Wow ah ang hangin mo naman para sabihin ko sayo mas magandang lalaki naman sayo si Seo at Cold eyes kaysa sayo noh "Sabi ni Gwen.

Magandang lalaki rin ako noh baka naman kaya mo ako inaasar ay may gusto ka sa akin hahaha sabi na eh may pagnanasa ka lang sa akin "Sabi naman ni Kaito.

Ang kapal mo naman kapre sa magandang katulad ko ang nababagay lang sa akin ay si Seo at hindi sa katulad mo na mukhang kabayo "Asar na sabi ni Gwen kay kaito at lumapit sa akin.

Aba't itong kutong lupa na ito akala mo kagandahan ka "Sabi naman ni kaito.

Ewan ko sayo "Sabi ni Gwen kay kaito at tumingin ulit sa akin.

Ah seo pwede ba kitang makausap? "Tanong ni Gwen napatingin ako kay kaito tumango lang ito sa akin.

Sige "Sagot ko na nakangiti.

Ayos "Maligayang sabi nito.

Paalam kapre "Asar niya kay kaito hinawakan na ako ni Gwen sa braso at hinatak na ako papaalis.

Habang naglalakad kami ay marami siyang tinatanong tungkol sa akin. medyo naiilang lang ako sa kanya pero ayos lang naman dahil madaldal siyang tao.

Alam mo Seo buti nakaligtas kayo ni Cold Eyes at nakabalik ng buhay akala namin ay wala na kayo "Nalulungkot na sabi ni Gwen.

Hmmm ayos naman kami mabuti nga at buhay pa kami hahaha "Biro ko sa kanya sana hindi niya mahalata na peke lang ang tawa ko.

Nga pala ano ba talaga pakay niyo at nandito kayo? "Tanong ni Gwen.

Nagulat ako sa tanong niya pero hindi ko pinahalata.

Plano? wala kaming plano ang mahal na hari ang nagpapunta kay Cold eyes dito kami naman ni kai ay sinama lang niya kami dito "Sagot ko.

Ah ganun ba "Sagot niya na tatango tango.

Bakit mo pala natanong? Tanong ko lang sa kanya.

Wala naman hehe "Sagot niya sabay ngiti.

Ano pala ang paguusapan natin? "Tanong ko sa kanya.

Hindi pa ba ito paguusap? "Tanong niya rin.

Ang ibig kong sabihin bakit mo ako sinama diba sabi mo kanina gusto mo akong makausap? eh ano ba ang ating paguusapan tungkol saan? "Tanong ko sa kanya.

Ah kasi ano nakakahiya eh "Sabi nito sabay bitaw sa akin.

Wag ka na mahiya, Tungkol ba yun kay Kai? "Tanong ko sa kanya.

Hindi "Sagot niya napakunot ako sa sagot.

Kung ganun ano ba ang itatanong mo? "Tanong ko sa kanya.

Medyo hindi ko na gusto ang nangyayare sana mali ang nasa isip ko.

na tungkol sa aki----

Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon