"Lara Pov"
Makalipas ang isang buwan na pagsasanay sa amin ni Tiger ay nandito kami ngayon sa bundok papunta sa bayan ng Hiroshima Village. Habang naglalakad kami ay may nakabungo sa aking bata.
Pasensya po kuya "Sabi nito sa akin narinig ko naman na mahina ang pagtawa ni Kaito tumingin lang ako sa kanya ng masama. tinaas lang nito ang kanyang dalawang kamay. binalik ko ang tingin sa batang babae.
Ayos lang magiingat ka sa susunod "Sabi ko sa kanya.
Opo kuya Pogi "Sabi niya ngumiti ito ng pagkatamis tamis napangiti na lang ako sa kanyang sinabi.
Sus bata pogi rin naman ako diba? "Tanong ni kaito.
Ang panget mo hmmmmmp "Sabi nito sabay takbo.
Hahahahahaha "Nagtawanan naman ang lahat.
Lokong batang yun ah hindi marunong tumingin ng pogi malabo na mata non tsk "Sabi ni kaito.
Hahahahahaha Pare wag ka na umasa panget ka naman talaga hahahahaha "Pangaasar na sabi ng isa namin kasamahan.
hahahahaha "Nagtawanan naman ang lahat. napakamot naman sa batok si kaito.
Biro lang yun pare pogi ka naman pero mas pogi si Cold eyes hahahaha "Sabi ulit nito napapailing na lang ako sa kanila.
Pagdating namin sa palasyo ng Hiroshima Village ay pinapasok naman kami agad ng mga kawal. kaming apat lang ang pumasok ang iba ay naghintay sa labas ng palasyo.
Maganda araw kamahalan "Bati ni Tiger yumuko kaming apat para sa paggalang sa hari.
Anong ginagawa niyo rito at naparito kayo? "Tanong ng Hari.
Pinapunta po kami ng hari dito upang makipag sanib pwersa sa amin "Sagot ni Tiger.
Patawad ngunit ayaw ko sumali dahil panigurado ang Leon Empire ay pupunta dito dalawang araw mula ngayon at nakipagsanib pwersa na ako sa kanya kaya maaari na kayo umalis "Sabi ng Hari nakatingin lang si Tiger sa kanya.
Kamahalan baka nakalimutan mo ang Leon Empire ang walang pinipili lahat ay pinapatay nito ng walang dahilan at nakakasigurado ka ba na hindi ka nya tatrayduhin? "Sabi ni Tiger.
Leon Empire?
Naririnig ko na ito kay Ama noong siya ay nabubuhay pa madalas nila pagusapan ito ngunit wala pa rin ako Ideya sa Leon Empire. kapag naman tinatanong ko naman si ama ang lagi niya sinasabi na wag ko na lang alamin.
Alam ko yun at hindi ako tanga para hindi malaman yun "Naiirita na sabi ng hari base na rin sa kanyang pananalita.
Ganun naman pala kamahalan bakit gusto mo pa rin---
WALA KA NG PAKIELAM DOON! MGA KAWAL PALAYASIN SILA NGAYON DIN! "Sigaw ng Hari.
Magsisisi ka Kamahalan dahil hindi kami ang pinili mo "Pagbabanta na sabi ni Tiger sinamahan naman kami ng mga kawal sa labas ng palasyo. Sinusundan lang namin si Tiger. nakaramdam ako na may kumalabit sa akin mula sa likod ko napatingin naman ako kay Ti Seo nagsenyas siya na lumapit ako sa kanya sinunod ko naman ito at pinauna na si Kaito.
Mamaya may sasabihin ako sayo "Bulong ni Ti Seo napakunot naman ang aking Noo. pero kalaunan ay tumango na lang ako sa kanya.
Napapaisip pa rin ako kung ano ang sasabihin ni Ti Seo.
![](https://img.wattpad.com/cover/223754189-288-k615994.jpg)
BINABASA MO ANG
Legendary Princess
Historical FictionNoong unang panahon pinapaniwalaan ang unang anak na babae ng Hari at Reyna kapag nagkaroon ng marka na hugis bituin ay siya ang tinatawag na Legendary Princess. Ang Legendary Princess ay nagtataglay ng lakas,bilis at talino sa kahit anong pakikipag...