"Lara Pov"
Sa bawat araw na lumilipas ako ay tinuruan ni Ti Seo sa paraan ng pagpana upang maging bihasa pa ako dito sabi niya magandang paraan daw ito sa aking pagsasanay hindi lang ako ang nagsasanay pati rin si kaito ay tinuturuan din nito bukod doon pati sa pakikipaglaban ay tinuruan niya rin kami dahil alam naman nito na magaling ako makipaglaban dahil nasubukan na niya ako si kaito ang madalas na nabubugbog. Sinabi rin kasi ni Ti Seo bago kami makapasok sa Palasyo ay kailangan dumaan kami sa patinding pagsubok hindi namin alam kung anong pagsubok yun pero atleast maging handa pa rin kami lalo na kila ang Sierin sa pinaka malakas na hukbo sa lahat ng hukbo.
Makalipas ang isang linggo ay sa wakas bababa na rin kami ng bundok at Maaga ako nagising upang maghanda sa pagalis.
Nakabalot ng tela ang aming mukha makikita mo lang ang aming mga mata. Sasakay na sana ako sa likod ni Kaito ngunit pinigilan niya ako.
Kapatid kay Ti Seo ka na lang sumakay "Sabi ni Kaito.
Ayoko nga kung gusto mo ikaw na lang baba dyan "Utos ko sa kanya. Napakamot na lang sa batok si kaito. Sumunod naman ito sa akin bumaba siya at ako ang sumakay kay blacky. sumunod naman siya sa likod ko.
Oh bakit nandito ka? "Tanong ko sa kanya.
Eh nakakahiya naman kung sa kanya ako sasakay "Sagot nito.
Sus ikaw mahiya sa kapal ng mukha mo tsk "Sabi ko gusto kong tumawa kaso pinipigilan ko hindi ko kasi ugali tumawa sa harap ng tao gusto ko kasi katakutan ako.
Ewan ko ba tinatago ko lang ang aking emosyon.
Habang kami ay naglalakbay pabalik sa aming bayan. may gusto lang ako kunin at pagkatapos namin didiretso kami sa bayan ng Sierin. Gusto ko malaman kung sino ang may gawa neto kay Ama.
Gabi na rin nang makarating kami sa aming bahay agad akong nalungkot napakagat sa labi. Naramdaman ko na naman ang sakit.
Ama pangako ko sayo hahanapin ko ang may gawa nito sa inyo ni Yi at hindi ako titigil hanggat hindi ako nakakapaghiganti...
Naramdaman ko naman na may humawak sa akin likod ko pagtingin ko si Ti Seo.
Wag kang magalala tutulungan kita mahanap ang hustisya para sa inyong Yi at Ama niyo "Pampalubag loob na sabi sa akin ni Ti Seo tumango-tango lang ako sa kanya.
Salamat rin sayo "Sabi ko sa kanya.
Wala yun "Sagot niya.
Lara tara na bago may makakita pa sa atin "bulong sa akin ni kaito.
Saglit lang may kukunin lang ako "Sabi ko at hinanap ang aking Pana ng mahanap ko ang puno kung saan nakatago ang aking Pana. Umakyat na ako upang kunin ito ng makuha ko ito saka kami umalis sa bayan ng Serio.Nang makalayo layo na kami wala na kaming nakikita na bahay o ilaw mabuti na lang may buwan ang nagsisilbing liwanag namin habang kami ay naglalakbay.
Magpahinga na muna tayo dito "Sabi ni Ti Seo sumangayon naman ako sa kanyang mungkahi. Iniwan kami ni kaito upang maghanap ng kahoy habang kami naman ni Ti Seo ay naghanda na rin ng aming pagkain at matutulugan. Tahimik kaming dalawa habang nagaayos halos huni lang ng mga insekto ang aming naririnig. Hindi na ako nakatiis ay kinausap ko na siya.
Ehmmm ah Ti Seo tapos kana ba dyan? "Tanong ko sa kanya. Tumingin lang ito sa akin.
Ou "Sagot niya at umupo na. lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Legendary Princess
Historical FictionNoong unang panahon pinapaniwalaan ang unang anak na babae ng Hari at Reyna kapag nagkaroon ng marka na hugis bituin ay siya ang tinatawag na Legendary Princess. Ang Legendary Princess ay nagtataglay ng lakas,bilis at talino sa kahit anong pakikipag...