Chapter 23

11 5 0
                                    

"Lara Po"

Nagtatago kami ngayon sa taas ng puno bago pa kami maabutan ng mga kawal ng Leon Empire ay nakaakyat na kami kaagad. Delikado din kung maabutan kami matagal tagal din kaming nasa taas ng masigurado namin na wala ng kawal saka lang kami bumaba ng puno.

Paano na ito baka maabutan sila ng mga kawal "Natatarantang sabi ni Kaito.

Huminahon ka nga lang makakagawa tayo ng paraan "Sabi ni Ti Seo.

Tama ang kailangan natin pagisipan kung paano natin sila mapipigilan "Sabi ko naman.

Nagisip kami ng paraan kung paano sila mapipigilan ngunit wala pa rin kaming naiisip.

Wala akong maisip "Sabi ni Kaito.

Teka bakit kaya hindi natin hintayin sila tiger dito para makahingi na rin tayo ng tulong Sa kanila "Tanong ni Ti Seo. napaisip ako sa tanong ni Ti Seo.

Pwede kaso ang problema paano natin masisigurado na hindi sila maaabutan baka mamaya nyan hindi pa sila nakakarating sa Sierin mas malaki ang problema kung hindi sila makakarating kaagad "Mahabang paliwanag ko.

Ako na ang bahala maiwan na lang kayo Seo,lara hintayin niyo na lang sila tiger dito at ang iba pa at isa pa ako lang ang makakatakbo ng bilis sa atin tatlo kaya kapatid mas mabuti kung dito ka na muna "Sabi ni Kaito napangiti ako sa aking kapatid.

Sige magiingat ka "Sabi ko sa kanya.

Mas mabuti kung daaan ka sa baba ng buntok para walang makapansin sayo magiingat ka kaito "Sabi naman ni Ti Seo.

Ou ikaw na muna ang bahala sa kanya Ti Seo "Bilin ni Kaito.

Makakaasa ka "Sagot ni Ti Seo.

Umalis na si kaito at nagmamadaling bumaba ng buntok habang kami ni Ti Seo ay naghihintay kila tiger tumingin ako sa paligid kung saan pwede umupo at nakahanap ako.

Ti Seo Doon na muna tayo umupo "Sabi ko sa kanya sumunod naman ito sa akin.

Lara may itatanong ako sayo "Napalingon naman ako kay Ti Seo tumingin din ito sa akin.

Ano yun? "Tanong ko sa kanya.

Hmmmm paano mo nakuha ang marka sa iyong batok? "Tanong ni Ti Seo.

Simula ng pinanganak na ako meron na ako nito  "Sagot ko.

Ano kasalanan nangyayare sayo kapag sumasakit yang marka mo o isang beses lang nangyare sayo? "Tanong ni Ti Seo napakunot ako sa tanong niya pero sinagot ko na lang.

Ang totoo nyan kapag nagkakasakit lang ako mainit ang buo kong katawan pero hindi ganun kasakit pero yung nangyare sa Hiroshima village hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib ko at yung sakit sa marka ko sobrang sakit yun lang wala na akong maalala "Sabi ko sa kanya. tumango tango naman siya.

Hmmmm yung pagiging malakas mo ganyan na ba yan simula bata ka pa? "Tanong niya ulit.

Ou malakas na ako bata pa lang ako sabi nga ni Ama biyaya daw ito ni bathala kaya dapat magpasalamat ako pero yung pagiging malakas ko hindi ko manlang napakinabangan dahil hindi ko manlang nailigtas si ama "Nagsimula na naman akong maging malungkot. Naaalala ko na naman ang mga nangyare.

Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon